38 – Fine Thadeus’ Point of View “You shouldn’t have done that, Lorraine,” matigas kong sabi sa kanya. Oras na ang lumipas mula nang mangyari ‘yon, pero hindi pa rin nawawala ang pagkadismaya ko sa ginawa niya. “Ibang-iba ang sitwasyon natin.” Hindi siya sumagot. Nakatutok lang siya sa computer niya at nagkukunwaring may ginagawa. Alam kong iniiwasan niyang makipag-usap sa akin, and it’s really frustrating. I couldn’t help but be dismayed. She could have shown a little decency. She could have chosen a different timing for her revenge. Napabuga na lang ako ng hangin at pikit-matang sumandal sa swivel chair ko para pakalmahin ang sarili ko. I can’t let it ruin my day, lalo na’t may mga importanteng meeting pa ako mamaya. “You stay here, okay?” sabi ko sa kanya. “You stay here for the re