-Nicoleen's Play- Alam kong may sakit siya at mataas ang lagnat niya, pero sukat ba namang pagtripan ako nang ganito? "You're quite lovely, Nicoleen." wika niya habang nakapangalumbabang nakatitig sa'kin. He's smiling so naturally like he really meant what he's saying. Muntik na akong maniwala. Inirapan ko lang siya bilang tugon. Come on, Nicoleen. May sakit siya, malamang nagdidiliryo na 'to sa taas ng lagnat niya. Akala ko titigil na siya sa kaka-ngiti pero hindi pa pala. Tumawa siya nang bahagya, para siyang lasing. Ano bang trip nito? "Hindi ka ba naniniwala sa sinasabi ko?" tanong niya. Umiling ako at tinaasan siya ng kilay. "Hindi." Prangka kong sagot. "Ganito ka ba magka-sakit? Ang lakas mo mangasar." inis na singhal ko. Binaliwala niya ang pagtataray ko. He continued with his