-Paix's Play- Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin matapos ng ilang minutong pagiisip. Ilang sandali pa lang ang nakakalipas nang matapang na nagmartsa palabas ng unit si Nicoleen. With her proud stance and mighty gaze, I got pissed off. Sinong niloloko niya? Malamang sa mga oras na 'to, sumisigaaw na siya sa unit niya at minumura ako. "I'll surely break your pretty little heart - hard." Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nasabi ko ang mga katagang 'yon. Nakaka-gago lang, hinayaan kong maging ganito ka-kumplikado ang sitwasyon. Are you having fun yet? My subconscious attacks again. Gusto ko lang makita kung hanggang saan niya kayang panindigan ang hiling ni Yara. I want to test her. Is she worth it? Karapat-dapat ba siya sa mga mata ng taong mahal ko? You already know t