ILANG-SANDALI pa akong nanatili sa bahay ni M bago ako nagpasyang umuwi sa bahay at kumuha ng ilang mga damit na magagamit ko sa pansamantalang pagtuloy sa condo unit ni Youan. Pagkatapos ay bumalik naman ako agad sa condo niya pero wala pa siya. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader at nakitang alas sais na pala ng gabi. Nang mailagay ko na sa kwarto niya ang mga gamit ko ay bumaba na ulit ako at agad na nagpunta ng kusina para makapagluto na. Siguro nga walang ibang namamagitan sa amin kung hindi ang tawag ng laman pero gusto kong gawin ang mga bagay na ito. Para kapag natapos na ang lahat, gusto kong maalala niya na minsan sa buhay niya ay pinagsilbihan ko siya. Nang matapos ko na ang mga iniluluto ko ay agad kong hinanda ang mga pagkain sa hapag tapos ay kinuha ang cellphone