ILANG SANDALI rin kaming nakahiga lang at hindi naguusap. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko siyang kausapin pero wala akong maisip na sabihin. Para akong baliw. Nang mangawit ako sa paghiga ay tumayo ako at umupo na lang. Umupo rin naman siya at binuksan ang isang mineral water na naka-plastic bottle. Inabot niya sa akin ito at agad ko namang tinanggap. “Are you hungry?” tanong niya. “Medyo.” Tumingin ako sa wristwatch ko at nakitang mag-a-alas dose na pala. Hindi ko namalayan ang oras kahit na nakahiga lang kami. Totoo nga na masyadong mabilis ang oras at hindi mo namamalayan ang pagtakbo nito kapag kasama mo ang isang taong… espesyal sa ‘yo. Pinanuod ko ulit siya na buksan ang basket at may kinuha siyang pagkain mula sa loob. Agad na kumunot ang noo