Chapter 25
Maaga akong nagising at pumasok ako sa banyo upang makapag-linis ng katawan. Kahit masyado akong napagod sa event at pinagod pa ako ng husto ng aking asawa kelangan pa rin na gigising ng maaga. Para maka-pamasyal sa lugar. Mabuti na lang lagi akong may dalang damit sa duffle bag ko. Kaya di ako namoblema sa susuotin ko ngayon at si Matt merun rin siyang extra damit sa kotse niya. Nag-toothbrush ako ng bumukas ang pinto ng banyo.
"Wife good morning...Tsupp ", hinalikan ako sa pisngi ng gwapo kong asawa , nagmumog muna ako bago ko siya hinarap
"Good morning too hubby ko," malambing kong tugon dito na hawak ko pa din ang toothbrush ko nagulat ako na kinuha niya sa akin ang hawak kong toothbrush tska nilagyan ng toothpaste. Nanlaki ang mga mata ko
"Hubby a-anong ginagawa mo?, ginamit ko na yan e', reklamo ko at balak kong agawin sa kanya ito. Pero itinaas niya lang para hindi ko makuha.
"We are kissing a lot of times, wife.. so technically we are tasting our saliva mostly", ano daw nanlaki ang ulo ko sa pakiramdam ko sa mga pinagsasabi nito sa akin at feeling ko gusto ko na lang magpatangay sa hangin para maglaho sa harapan niya. At lumabas ako ng banyo.
"Wife where are you?, I thought you were taking a bath? dinig kong sabi nito sa sa akin
"Mauuna ka na hubby, ready ko lang ang susuutin natin... "Hubby " tawag pansin ko ulit sa kanya
"Yes wife", sagot naman na naliligo na ata dahil narinig ko na ang lagaslas ng tubig mula sa shower
"Puwede ba tayong pumunta mamaya sa Taal church, may alamat daw kasi 'yang church ng Taal,once na pumasok daw doon ang magsing-irog o mag-asawa, may diwata raw na nagbigay ng mahika sa sino mang couple na papasok sa church at di na sila maghihiwalay kahit kelan man. Kaya gusto kong subukan, hubby!", mahaba kong paliwanag
"Naniwala ka sa mga ganoon wife?!",
"Wala namang mawawala sa atin kung subukan natin diba?", sabi ko
"Pero hubby hindi naman iyan ang main reason ko kung bakit gusto ko pumunta roon sa church na iyon,e.. gusto kong magpasalamat sa panginoon sa mga blessings na natanggap ko, iyon lang ", paliwanag ko ulit
" Okay wife, as you wish ", lumabas na ito ng banyo na nakatapis ng tuwalya habang kinukusot ang basang buhok ng isa pang towel
"Hubby iyan pala sa kama ang mga damit mo, kompleto na iyan ", paglingon ko inalis na ang towel sa katawan.
"Ayyy! ano ka ba hubby.. wag kang maghubad dito mamaya may hidden camera dito at makita kang ganyan na nakaburlis ", sabay takip ko nang towel sa katawan nito, lumingon lingon naman ito at may hinahanap sa paligid.
"Try lang nila wife na gawin yun sa atin at makikita nila sa isang iglap pababagsakin ko ang establishment na ito!.", may pagbabanta nitong sagot
Pumasok na rin ako ng bathroom para maligo, dala dala ko ang isusuot na damit isang beige truffle chiffon short sleeve high neck blouse na may tali baywang partner ko sa soft surroundings white capri pants at sa brown boots ko na may gold tassel sa side.. Pagkatapos kong naligo tinuyo ko ang aking katawan para maglagay ng cream ,pagtatapos ay nagsuot ako ng undies at isinuot ko na rin ang mga damit ko at lumabas na nakabalot ang buhok ko. Naabutan ko naman ang asawa ko na may kausap sa cellphone niya na nakaupo sa kama . dumeretso ako sa aking duffle bag para kunin ko ang ang kikay kit. At inayos ko ang aking buhok tinali ko ito pa ponytail style tska naglagay ako ng sunblock sa mukha at sa mga braso ko at lipbalm to moisture my lips.
Lumabas kami ng hotel room namin naglakad na magkahawak kamay. Napapansin ko maraming babae nakatitig sa aking asawa , may nagpa-pacute pa, pero ang asawa ko parang wala lang sa kanya .Dumeretso kami sa kotse na nasa parking lot ng hotel, Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger set, pumasok naman ako at agad sinara niya at umikot sa harap para makapunta sa driver set , nilagyan pa ako ng setbelt... inamoy pa ako sa aking leeg at kinintalan ako ng halik sa aking labi..
"You're so addictive wife.. hinawakan ang baba ko at hinalikan ako ng mapusok sa aking labi , sinisip pa ang lower lips ko, napaungol ako nakaramdam ako ng sakit ..tinapik ko ang balikat niya to stop him from lurking my soft lips. Tinigil naman nito.
"Awww ang sakit hubby... reklamo ko dito at tinignan ko sa salamin ang lips ko namumula nga ito
"Nakaka-gigil ka kasi wife e ", sabay tawa nito at nagdrive na para makaalis na kami .Dumeretso kami sa Taal church nakiparada kami sa isang convenient store, lumabas ng kotse at naglalakad patungo sa mediyo may kataasang hagdanan papunta sa mismong church. Naisip ko kung magpakasal ako rito nakakapagod umakyat sa hagdanan na ito pagdating mo sa entrance ng simbahan hingal na hingal ka na. Natatawa ako sa mga kalokohan naisip ko. Hinawakan nito ako sa kamay at pumunta kami sa harapan bahagi ng simbahan at umupo sa upuan, May kalahating oras din ang inilagi namin sa loob ng simbahan huminge ng gabay at nagpasalamat sa mga natanggap na blessings lalo sa'ken at sa pamilya ko. Lalo na sa asawa ko pinagdasal ko rin siya. Pagbaba namin humawak ako sa braso niya.. pumunta sa sasakyan pupunta kaming Tanuan para kumain may masarap daw kasi na kainan doon sa may Casa Emelita the best daw ang food at pati ang ambiance kaya try namin.
"Wife gusto mo ba try natin magboating sa lake Taal?, " Di agad ako nakasagot sa tanong niya naalala ko iyong alamat ng Taal na nabasa noong nag-aaral pa ako sa elementarya.
"No hubby, takot ako sa bangka," alibi ko para hindi niya na ako pilitin magboating. Mamaya may hidden creature sa lawa tapos bigla na lang kaming kainin, weird man naisip ko but mas mainam na iyong safety first muna bago leisure. Narating namin ang Casa Emelita nagpark kami at bumaba na, pumasok kami sa loob sa entrance pa lang napaka ganda na ng kanilang accommodation sa mga kustomer nila. Feeling mo vip ka talaga very friendly with smile pa, dinala kami sa isang table for two sa isang side.
Pagkaupo namin binigyan kami ng water food compliment from the restaurant. At binigyan kami ng menu.. ako na ang pumili ng aming kakainin, I choose, sinampalukang manok for the soup, crispy pata, adobong pusit at cassava cake sa desert ,
Habang naghintay kami ng food, nag-uusap kami tungkol sa nangyari kanina sa hotel. Kini-kwento niya na pina check niya sa security ang room namin to make sure na walang hidden cameras. Agree din naman ako dahil itong asawa ko kung saan abutan ng pagka manyakol doon at doon lang din talaga. Safe nga naman iyon, mahirap na mapasama kami sa mga koleksyon ng gumagawa scandal video.
Almost 30 mins ang pag-antay namin sa aming food, tahimik lang kaming kumakain, sa aming drinks ok na kami sa water lang.
"Try mo to hubby, sarap ng kanilang sinampalukang manok , sinubuan ko siya.
To be continued next chapter