Chapter 16
Lulan ako ngayon sa isang bus papuntang Sa Pedro Laguna bitbit ko ang mga pasalubong ko sa mga pamangkin ko.
Off ko muna ang cellphone ko mamaya ko na lang ulit ito bubuksan .
Nakatingin lang ako sa bintana ng bus.
Halos dalawang oras din ang biyahe papuntang San Pedro. Pagkababa ko ng bus ay naglakad ako ng kaunti papuntang pilahan ng jeep pa Biñan. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao sa get up ko. Ang haba kasi ng takong ng stilettos ko .. Di dapat kasi ako andito ngayon nasa agency dapat ako at rumampa.
Pagdating ko sa sakayan ng jeep papuntang Biñan sumakay agad ako. Maya-maya ng kaunti ay napuno na ng pasahero ang jeep at umalis na ito.
Nag abot ako ng bayad sa driver at di ko na kinuha pa ang sukli, natuwa naman si Manong driver.
Thirty minutes nasa bayan na ako ng Biñan at dumaan ako sa palengke, bumili muna ako ng uulaming karne ng baka, manok at ilang kilo ng isda . Mga tindira sa palengke namangha sa akin.. Kasi ang outfit ko di bagay sa palengke. Pero no choice ako e,
Nang matapos akong namili lumabas na ako ng palengke at nagtungo sa terminal ng tricycle papasok sa Brgy Dela Paz Nag special na lang ako para mabilis. Pagdating ko sa bahay as expected nagtatakbo na ang mga pamangkin ko papunta sa akin. Binigay ko naman sa mama nila ang binili ko at siya na ang bahala rito. Anak ng pinsan ko ang mga bata. Kanya-kanya silang kwento sa akin, mga ginagawa nila sa school at kung ano ano pa. Kahit paano ay natuwa naman ako sa kwento nila.
Magkakasama ang pinsan ko at ang ate ko sa iisang bahay dahil wala namang asawa ang pinsan ko.
"Buti dumalaw ka ,'Sa," sabi ng pinsan ko
"Wala lang pong work ,'Te", sagot ko naman
Iyong ate mo tatlong araw na na 'di pa umuwi may company outreach daw , sa Batangas ata.
"Panay - Panay ata company outreach ang dinadaluhan ng ate ngayon. ", sabi ko sa pinsan ko.
"Iyon ang sabi niya dito e, sinundo pa nga siya noong driver daw ng kompanya. Pero mukhang di lang iyon ang nakikita ko sa kanilang dalawa. Ang sweet nila e , iba rin kung magtinginan 'yung dalawa.", sabi nito
"Kung sabagay nasa tamang edad naman na ang ate mo magtwenty -three na siya .",
" 'Sa kumain ka na ba? Kung gusto mong kumain may kanin at ulam sa kaldero. 'Yung sawsawan na bagoong sa lamesa malinis 'yon . Pritong isda kasi ang ulam namin kanina.", paliwanag nito
Tumayo naman ako at nagtungo sa kusina nakita ko kaagad ang kaldero. Kumuha ako ng kanin at pritong isda sa Tupperware dinala sa lamesa at binuksan ang maliit na mangkok na may lamang bagoong.Naghugas ng kamay at kumain. Namimiss ko ng kumain ng ganito.
Pagkatapos kong kumain hinugasan ko ang platong pinagkainan ko. Pagkatapos ko ng naghugas nagtungo na ako sa kwarto ng ate . Hindi naman naglo-lock ang ate ng pinto ng kwarto niya kaya nakakapasok ako.
Pagkapasok ko nahiya ako sa kama niya at nakatitig ako sa kisame .. Namimiss ko na si Matthew saglit pa lang na hindi ko siya nakita parang ang tagal na para sa akin. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon. Na tempt akong buksan ang phone ko para i-check kung message siya para sa akin pero ayokong buksan.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako .
Alas otso na ng gabi ng nagising ako.
Kaya nagpasya akong bukas na lang ako ng madaling araw luluwas ng Quezon City.
Wala namang akong ginawa sa Laguna tumambay at natulog lang, pero okay rin dahil nabawi ko ang pagod ko sa mga nagdaang araw.
Lumabas ako nang kwarto at nadatnan ko silang nagkasayahan Lumapit ako at umupo sa sala. Habang tinigtignan ko ang mga bata nagsasayawan sa harap ng pinsan ko. Hindi ko maiwasan na maalala ko naman ang mga na kami ay kasing edad ng mga ito.Masaya nanan kami noon sa probinsya lalo kapag birthday ng ate o kaya pistang patay. Iyang dalawang okasyon na 'yan ang importante sa pamilya.
Flashback
"Papa..! ano po ang merun bakit po kayo nagkakatay ng baboy at manok ?", tanong ng isang sampong taong gulang na si Elisa
"Huwag ka nang magtanong, hindi maganda sa bata ang mausisa, " sagot ng Papa sa akin
Nasa salas ang lahat ng mga bata at nagsasayawan.
"Elisa...! tumulong ka rito huwag kang tumunganga riyan, maraming bisita ang darating mamaya, " sigaw ng mama sa kanya
"O-okay po Mama," sagot ko
"Ate, ano po ang merun bakit parang fiesta,", nagtatakang tanong ko
"Birthday ko! Bongga ng birthday ko diba ?", masayang sabi nito sa akin
"Bakit wala kaming ganyan, ate?", tanong ko
"Kasi nga mga pangit kayo ,ako lang maganda dito sa ating magkakapatid! ", sagot nito
"Ate,may maganda bang maitim?",sabi ko sa kanya
"Mama! Mama!, si Elisa sabi maitim daw ako", sumbong nito sa mama namin.
"Mag,-igib kayo ng tubig at para may gagamiting tubig mamaya at kakatayin iyong baboy, pistang patay bukas.', utos sa amin ng Mama
End of Flashback
Bakit natulala ka na diyan?, kinalabit ako ng pinsan ko
"Naalala ko lang noong bata pa kami, birthday lang ng ate ang pinaghandaan," sagot ko
"Puwede ka na maghanda ngayon dahil may trabaho ka na", saad nito
.....
Natigil ang pag-uusap namin ng pinsan ko ng bumukas ang pinto at pumasok ang ate na gulong gulo ang buhok at umiiyak.
"Anong nangyari sa iyo?",
"Anong nangyari sa'yo ate ko?",
sabay naming tanong ng pinsan ko sa ate ko
"Wa-wala!", pumasok ito ng kwarto niya
"Sundan ko lang", tumango naman ang pinsan ko
Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob
Nakita kong nakadapa ito sa kama at halatang umiiyak
"Ate may problema ka ba?", tanong ko habang hinahaplos ko ang likod niya
Bumangon naman ito at umupo,
" manloloko siya! ", sino ang tinutukoy mo ate ko?
"Si Troy!", "nahuli ko siyang may kasiping na ibang babae sa apartment niya ." sabay hagolgol nito
"Ate ko, sino si Troy?... mediyo naguluhan ako e", sabi ko
"'Yong sumundo sa akin sa apartment mo naging boyfriend ko siya ..pero may iba pa pala siyang girlfriend at pinagsabay-sabay niya kami .. walangya siya", sagot nito
"Pabayaan mo na, ate ko... hindi tayo naghahabol sa lalaki.', sabi ko
"Kawalan niya, iyon... hindi mo kawalan.", dagdag ko pa
Iyak lang ito nang iyak.
''Ayosin mo na ang sarili mo ate ko.. ikaw pa naman ang pinakamaganda sa ating lahat at kami ni Erna ang pangit, hahaha ", tawa kong sabi sa kanya
"Baliw...!", umingos ito
"Tara sabay tayong kakain, " aya ko dito habang sinu-suklayan ko ang buhok niya
Lumabas kaming sabay sa pintuan at pumunta sa kusina adobong manok ang ulam
Habang kumakain kami, binigyan ko siya ng pera
"Para saan naman ito,", tanong niya
"ikaw na ang magpadala para sa akin 'kila mama ", okay naman ang sagot
Pagkatapos kumain ako na ang nagligpit at naghugas ng aming pinagkainan.
Ate ko .. maaga akong luluwas may trabaho pa kasi ako e ,dalawang araw na akong absent sabi ko sa kanya habang tinataob ang mga kaldero sa lagayan siya naman nagpasok ng natirang ulam sa refrigerator.
Magpahinga na tayo kung ganun, ang sabi niya
Sabay nga ulit kaming pumasok sa room niya at naglinis ng katawan ng sabay at natulog ng sabay ,pinahiram niya ako ng damit pantulog
Note: Sa short cut for Elisa
Te short cut for ate
To be continued...