“Sayang, hindi ka pa namatay,” bulong ko, habang nakatingin ako kay Drake na mahimbing na natutulog. May mga galos siya sa paa at braso niya nang dumating kanina, at dahil kailangan kong maging mabait sa kanya, ako ang gumamot ng sugat niya. Hinaplos ko ang mukha niya habang nakangiti. Kung nagpapanggap kang tulog siguradong matutuwa ka ginagawa ko ngayon. Iisipin mo na may gusto ako sa 'yo, pero ang hindi mo alam tuwang-tuwa ako sa nangyari sa inyo. Hinalikan ko si Drake at yumakap sa kanya, pagkatapos ay natulog na ako. "Good morning, Ma'am!" Yumuko pa ang katulong ng lumapit ako sa kanya. Ngumiti ako bilang tugon sa kanya. "Nasaan si Drake?" "Maaga po siyang umalis ngayon." "Sayang, gusto ko pa naman siyang kasabay sa pagkain.” “Maaga po siyang umalis at hindi sinabi kung saan p