"Drake! Drake, wake up!" sambit ko, tumutulo ang luha ko sa pisngi habang hawak ko ang kamay niya. Mas lalo akong nakaramdam ng takot ng makita ko ang dugo niya. Bagamat nabigyan na ito ng first aid, hindi pa rin nahihinto ang pagdurog sa kanyang binti at braso. "Please, don't die.." bulong ko sa kanya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung sakaling mawala siya. Ayokong isipin na mawawalan ng saysay ang paghihirap ko. "Pakibilisan ang pagmamaneho!" sigaw ko sa driver ng ambulansya kahit na nga mabilis na ang takbo niya. Pakiramdam ko kasi bawat segundo ay mahalaga para sa kaligtasan ni Drake. "Madam, 'wag po kayong mag-alala hindi mamatay si boss, nadaplisan lang siya kaya 'wag kayong mag-alala," wika ng tauhan ni Drake. Ilang beses niyang sinabi sa akin ang bagay na 'yon, pero