AFTER THREE YEARS.. WALANG paglagyan ang kaligayahan ko habang pinagmamasdan ko ang kapatid kong si Sevie na umiiyak habang pinagmamasdan ang bride niyang naglalakad papalapit sa kanya. Inabot ko sa kanya ang tissue. "Baka pumangit ka sa picture mo," biro ko. Ngumiti siya. "Thanks, Ate." Pinunasan niya ang luha niya sa pisngi. "You're welcome." Muli kong tinuon ang pansin ko sa bride. Tatlong taon na ang lumipas mula nang ibuwis ni Drake ang buhay para kay Sevie. Sa loob ng tatlong taon na 'yon ay hindi ako pinatahimik ng konsensya ko lagi ko siyang iniiyakan dahil sa ginawa sa kanya. Pasalamat na lang ako at hindi ako pinatay ng mga kaibigan niya. Namatay si Tito Rico, pero si Rebeca ay nakakulong hanggang ngayon. Sa Amerika kami tumira ni Sevie para lumayo sa gulo. "Good luck sa