TARA'S POV "IT'S my birthday tomorrow." Tinaas ko ang wine glass ko, habang nakatingin ako sa kaibigan kong si Isabelle. Nasa loob kami ng isang disco bar. Kasama namin ang iba naming mga kaibigan noong college kami. "Mukhang may babaha ng alak bukas. Saan bang disco bar tayo bukas ng gabi?" "Sa bahay lang ako bukas." "Hindi ka na ba magdiriwang ng kaarawan mo?" Umiling ako. "May plano ako para bukas." Tumingin siya sa akin. "So, what is your plan?" Tumingin ako sa kanya. "Alam mo naman na nag-iisang anak babae lang ako ng magulang ko kaya siguradong bongga ang birthday ko." "Oh, parang laging debut mo tuwing birthday mo." "Inimbitahan ko si Dylan." "Really, makakapunta kaya siya sa birthday mo?" Tumango ako. "Yes, kailangan kong paghandaan ang pagkikita namin lalo na ngayon si