"Orly, sigurado ka ba na gustong matuto ni Eva na maging model?" Ilang-beses na tumango si Olry. "Oo, bakit may problema ba sa kanya?" "Nakikita ko kasing nakasimangot siya kapag nag-praktis kami." Tumawa si Orly ng malakas. "Paanong hindi mahihirapan? Barako siya kapag kaharap niya ang magulang niya. Alam mo, mahirap talagang pagsabayin ang dalawang katauhan." "Kawawa naman pala siya." "Ikaw lang ang makakatulong sa kanya para matupad niya ang pangarap niya." Tumango ako. "Sige, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan siya." "Thank you." Hinigop niya ang kape niya. "Pero sana magkaroon siya ng lakas ng loob para sabihin niya sa magulang niya." "Mas masaya kung bumalik na siya sa katinuan." Sabay tawa ni Orly. "Mabait naman si Eva." Biglang tumahimik si Orly at pinagpa