DRAKE'S POV “Sweet dreams,” bulong ni Steffie sa akin. Narinig ko ang mga yabag ng paa niya na paalis ng hotel. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ako tuluyang bumangon. “Tsk! Hindi niya ako maiisahan.” Nagsindi ako ng sigarilyo tapos sinindihan ko ito. Tinawagan ko ang tauhan ko na nasa ibang silid ng hotel. “Yes, Boss?” “Bantayan n’yo si Steffie.” “Okay, Boss.” Pinutol ko ang tawag niya at pagkatapos inubos ko ang isang stick ng yosi ko. Ang buong akala ni Steffie ay hindi ko alam ang plano niya. Hindi niya alam na sinundan ko sila hanggang sa pinto ng female bathroom. Narinig ko ang pinag-uusapan nilang dalawa. Nagkunwari akong walang alam para mapaniwala siyang nagtagumpay siya sa plano niya. “Hindi mo ako matatakasan, Steffie.” Nang maubos ko ang stick ng yosi ay nilagay ko