“Steffie!" sigaw ko. Nakita ko kung paano niya ako sinalo ang bala na dapat sa akin. “Steffie!” hagulgol ko ng iyak. Sunod-sunod ang putok ng baril na narinig ko. Pagkatapos nakita ko ang lalaking bumaril kay Steffie na wala ng buhay. “Dylan, are you okay?” bakas sa mukha ni Ethan ang pag-aalala. Kanina ko pa sinabi sa kanila na may sumusunod sa amin ni Steffie. Ngayon lang sila nakarating. “May tama ng baril si Steffie!” Binuksan ko ang pinto ng kotse para makalabas kami. Inalalayan ako ni Ethan na buhatin si Steffie. “May tama ka rin ng bala kailangan mong madala sa ospital,” wika ni Ethan. Pagtingin ko sa paligid ay nakita ko ang grupo namin. Wala silang tinirang buhay sa mga taong humabol sa amin. Nakita ko ang mga tauhan namin na nilagay ang mga lalaki sa kotse. Papasabugin an