HINDI MAIPINTA ang mukha ko habang kumain kami ni Drake ng hapunan. Naiinis pa rin ako sa kanya dahil hindi niya sa akin sinabi na magkikita silang dalawa ni Crisha. "Steffie, bakit ganyan ang itsura mo may sakit ka ba?" Hindi nakatiis na tanong niya. Mas lalo akong sumimangot sa kanya. "Wala!" Pasigaw ko. "Ang cute mo pala kapag nakasimangot." Muli niyang ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya. "Ewan ko sa iyo!" Inis kong sagot. "Pakakasalan na kita bukas kaya 'wag ka ng magselos." Huminto ako sa pagkain. "Tsk! Bakit naman ako magseselos?" "Baka mahal mo na ako." Namula ang mukha ko saka binilisan ko ang pagkain para matapos akong kumain. Tumayo ako. "Tapos na akong kumain sumunod ka na lang sa kuwarto." "Ang bilis mo naman kumain." "Ayokong