CHAPTER 55

3106 Words

“Puwede bang umalis ka muna?” inis kong tanong kay Dylan. Kanina pa siya sunod nang sunod sa amin dalawa ni Tita Solen. May mga gala kami na dapat kaming dalawa lang pero hindi namin magawa dahil kasama namin si Dylan. “Why?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Istorbo ka sa ginagawa namin.” Tumingin si Dylan kay Tita Solen. “Miss Solen, nakakaistorbo ba ako sa inyo?” “Hindi naman.” Ngumiti pa siya. Tuwang-tuwa siya kay Dylan dahil tinatawag siyang Miss. Si Drake noon tinatawag lang siya sa unang pangalan niya. “See. Hindi ako istorbo.” Pang-asar pa siyang ngumiti. Inirapan ko siya. “Punta lang akong bathroom.” Naglakad ako papunta sa bathroom pero habang papunta ako ay tini-text ko si Tita Solen. Hindi naman pumapasok sa loob si Dylan sa bathroom kaya malaya kaming mag-usap ni Tita Solen.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD