WALA na si Drake sa tabi ko nang magising ako. Bumangon ako para maligo at mag-asikaso para sa shoot namin ngayon. Habang nagbibihis ako ng damit tumunog ang telepono sa hotel kaya tumayo ako para sagutin ang tawag. "Hello!" "Good morning, May nagpa-deliver sa inyo ng bulaklak." Kumunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko, hindi ko naman sa hotel pina-address ang bulaklak na binili ko. "Kanino galing?" "Galing po kay Mr. DM Longsize." Unang pumasok sa isip ko si Drake Demarco. Shit! Kailangan ba talagang ipagyabang na mahaba ang alaga niya. "Salamat, hintayin ko ngayon." "Thank you, ma'am." Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Ilang sandali pa ay dumating ang palumpong na sunflower. Hinanap ko agad ang maliit na card sa bulaklak. Gusto kong mabasa ang nakasulat. My S.S, see you later— DM Lo