MASAKIT ang katawan ko ng magising ako. Gusto kong tumayo ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko, pakiramdam ko kasi ay namamaga ang mga hita ko. "Hayop talaga! Hindi niya ako tinigilan kagabi,"bulong ko. Umupo ako sa kama at sinasandal ko sa headboard ng kama ang likod ko habang nakabalot ng puting kumot ang katawan ko. Pilit kong inabot ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa. Gusto kong tawagan si Rebeca. "s**t! Bakit walang signal?" inis kong tanong. Kahit internet connection ay wala akong masagap. Curious tuloy akong malaman kung bakit walang signal. Sa pagkakaalam ko ay nasa underground lang naman ito ng exodus bar. Narinig kong tumunog ang seradura ng pinto kaya tumingin ako sa tao na papasok. "Good morning!" Matamis na ngumiti sa akin si Drake. Iniwas ko ang mukha ko ng