NAKAPIKIT pa ako ngunit gising naman ang diwa ko. Kanina ko pa naririnig na tumutunog ang alarm clock ko ngunit hindi pa rin ako bumabangon.
"Hays! Sana hindi ko na lang tinanggap ang alok nila na maging model," bulong ko.
Kung hindi ko sana tinanggap ang alok ng isang beauty product na maging model. Hindi sana ako gigising ngayon ng maaga.
Nang muling tumunog ang alarm ko ay nagdesisyon na akong bumangon para maligo at ayusin ang sarili. Isang oras pa ang lumipas ay dumating ang makeup artist na mag-aayos sa akin. Nasa isang hotel ako dito sa Pilipinas kung saan gaganapin ang shooting. Walang alam ang kaibigan at kapatid ko na nasa Pilipinas ako. Balak ko silang supresahin kapag natapos ang shoot ko.
"Ang ganda mo talaga!" sabi ng makeup artist ko.
Ngumiti ako. "Thank you." Pagkatapos ay tumingin ako sa salamin."
"Steffie!"
Lumingon ako nang marinig ko ang boses ng manager ko. "Tita Solen, bakit?"
"After ng shoot ay magkakaroon tayo ng party kasama ang mga boss natin."
Tumango ako. "Pero hindi ako magtatagal dahil kailangan kong umuwi ng maaga."
"Bakit?"
"Gusto kong surpresahin ang kapatid at kaibigan ko bukas. Ang akala nila ay nasa Amerika ako ngayon."
Tumango siya. "Okay, ang mahalaga ay magpakita ka sa kanila."
"No problem."
Pinagmasdan niya ang mukha ko. "Okay na 'yan makeup mo 'wag mo ng masyadong kapalan ang pagkakalagay."
"Yes, ma'am," sagot ng makeup artist ko.
"Ikaw na ang isasalang mamaya," sagot ng manager ko.
Tumango ako at naghintay na matapos ang isang model sa kanyang pictorial.
Isa akong businesswoman na nakabase sa Amerika. Tinanggap ko lang ang alok na ito dahil sa pakiusap sa akin ng manager ko. Nakita raw ako ng may ari ng kumpanya sa isang party sa Los Angeles at gusto niya akong kuning model ng produkto niya
Nagsimula na ang pictorial ko. Sa una nahirapan ako dahil hindi ako marunong mag poise sa camera. Mabuti na lang mabait ang photographer at tinuro niya sa akin ang mga dapat gawin. Gayunpaman, tumagal ng anim na oras ang pictorial ko para makuha ang pinaka gusto nilang pictures sa akin.
"Hindi ko na ito uulitin." Marahan kong hinimas ang sintido ko na sumakit siya dahil sa pagod.
"Ang galing mo nga," puri sa akin ng manager ko.
"Kailangan ko ng bumalik sa hotel para magpahinga." Tumayo ako at kinuha ang maliit na bag.
"See you later!" aniya.
Tumango ako at naglalakad papunta sa elevator. Nasa eight floor ang hotel room ko. Habang hihintay kong bumaba ang elevator ay nilibang ko ang sarili ko sa pakikipag-chat sa kaibigan ko. Pagbukas ng elevator ay muntik na akong sumigaw sa gulat dahil naghahalikan ang nakasakay sa elevator. Tinakpan ko ang bibig ko ngunit sumakay pa rin ako. Tumayo ako sa pinakagilid upang hindi ko sila maistorbo.
"Wala naman ako sa Amerika bakit ganito ang kasakay ko sa elevator?"
Parang walang pakialam ang dalawa dahil ipinagpatuloy nila ang halikan nila. Pasimple ko silang pinanood. May suot na sunglasses ang lalaki kaya hindi ko kita ang mukha nito, matangkad ang lalaki at magandang pangangatawan. Naka-corporate outfit siya samantalang ang babae ay kita na ang dibdib dahil doon nakatutok ang labi ng lalake.
"Ohhhh!" ungol ng babae.
Kinilabutan ako para akong napapaso. Nagsisi tuloy ako kung bakit ako sumakay.
"Bakit ang tagal?" Feeling ko ang tagal umakyat sa eight floor.
"Ohhh! I love it, honey!"
"Eww! Disgusting!"
Huminto sila at matalim na tumingin sa akin. Napalakas pala ang sinabi ko. "Huwag n'yo akong pansinin may pinapanood ako sa phone ko." Tumingin ako sa phone ko pero sa sobrang taranta ko ay baliktad ang hawak ko.
"Wow! ang galing! Kaya mong manood sa phone ng nakabaliktad?" Sarkastiko na saad ng lalaki.
"You're so stupid, Steffie," kausap ko sa sarili.
Para akong nabunutan ng tinik ng sa wakas ay huminto ang elevator sa eight floor. Nagmamadali akong lumabas at hindi ako lumingon.
"Hays! Grabe naman ang dalawa na 'yon hindi makapaghintay." Umiling ako at dumiretso ako sa hotel room ko.
Nagpahinga lang ako ng ilang minuto bago naligo. Kailangan kong maligo para makatulog ako ng maayos.
"Ate Steffie, kumusta ka na?" tanong ng kapatid ko si Sevie.
Katatapos ko lang maligo nang maisipan ko siyang tawagan.
"I'm good, ikaw kumusta ka na?"
"Busy ako sa negosyo na itatayo."
"Really? Ano bang negosyo 'yan baka makatulong ako sa 'yo?"
"Secret. Sasabihin ko na lang sa 'yo kapag stable na siya sa market."
"Ikaw ang bahala basta kung may problema ka sabihin mo lang sa akin."
"Ate Steffie, kailan ka uuwi ng Pilipinas?"
"Hmm… baka next year pa ako makakauwi. Alam mo naman na marami akong ginagawa, kaya sabi ko sa 'yo dito ka na lang sa Amerika tumira para magkasama tayo."
"Alam mo naman na hindi ko gustong tumira sa Amerika. Isa pa, nandito ang magulang natin walang dadalaw sa kanila kung nasa ibang bansa na rin ako."
"Dalawa na lang tayo kaya dapat hindi tayo maghiwalay."
"Kaya nga gustong maging successful ang negosyo ko para mapilit kitang dito na lang sa Pilipinas tumira. Gusto kong makasama tayo dito."
"Hmm… ang sweet naman ni bunso. Sige na, baka magkaiyakan pa tayo."
"Ingat ka diyan palagi, Ate, I love you."
"I love you too, Sevie."
Huminga ako ng malalim pagkatapos kong makipag-usap sa kapatid ko. Miss na miss ko na ang kapatid ko. Siya lang ang dahilan kung bakit ako nagtatrabaho. Gusto kong maibigay ang magandang buhay sa kanya at sa magiging pamilya niya.
"Hays! Siguradong magugulat ka bukas kapag nagkita tayo."
Bago ako natulog ay nag-alarm ako ng alas-siyete ng gabi para pumunta sa party.
"WHERE'S my wallet?" Halos baliktarin ko ang laman ng bag ko para hanapin ang wallet ko. May laman na debit cards at mga valid Id ko.
Paalis na sana ako ng hotel ng maisipan kong kunin ang wallet ko. Hinanap ko ang sa loob ng hotel room ngunit wala akong nakita.
"s**t! Bakit ngayon pa nawala!" Inis ko.
Umupo ako sa gilid ng kama at inisip ang mga nangyari kanina bago ako natulog.
"Dala ko pa siya kanina nang bumalik ako sa hotel."
Lumabas ako ng hotel at nagtanong sa information kung may bakita silang wallet.
"Ma'am, may nakuhang wallet ang nasa room 409."
"Ha?" Nasaan?"
"Hindi niya binigay ang wallet nireport lang niya sa amin. Kung gusto n'yo po ay puntahan n'yo na lang siya. Tatawagan ko ang naka-check in sa room 409 para malaman niyang pupunta kayo ngayon."
Tumango ako. "Thank you."
Nasa nine floor ang room 409 kaya sumakay ulit ako sa elevator.
Habang nasa elevator ako ay text nang text ang manager at tinanong kung nakabihis na ako. Susundo kasi niya ako dito sa hotel.
"Room 409." Pinindot ko ang doorbell para marinig ako ng tao sa loob. Isang minuto ang lumipas ay bumukas ang pinto.
"Ikaw?" Nakataas pa ang kilay ko.
Ang lalaki kanina sa elevator ang nakakuha ng wallet ko. Mabilis ko siyang pinagmasdan. Ilang oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya nagpapalit ng damit. Kung ano-ano tuloy ang pumasok sa isip ko.
Eww! Hindi pa yata sila tapos mag-s*x ng kasama niyang babae.
Binuksan ng lalaki ang pinto. "Come in."
Umiling ako. "No thanks! Nagmamadali ako, puwede bang ibigay mo na sa akin ang wallet ko?"
"Are you scared of me?"
Kahit naka-sunglasses siya ay nakita ko ang pag-angat ng kilay niya.
"Why should I be afraid of you?
"Because you think I'm going to have s*x with you."
Umangat ang kanang kilay ko. "I'm not afraid of you. I need my wallet, so give it to me."
Nagkibit-balikat siya. "Okay, wait for me."
"Tsk! Ang daming pasakalye," bulong.
Isang minuto lang lumipas ay bumalik ang lalaki.
"I want to know if you are the real owner of this wallet. What's in the wallet?"
"Debit cards, five thousand cash, and valid IDs."
"Miss Steffanie Gomez is twenty-five years old, Filipino, and single. Hmm. Sounds interesting."
"Don't read my valid id!" Inagaw ko sa kanya ang wallet ko.
Pang-asar siyang ngumiti. "Aren't you going to thank me?"
"f**k you!" Nag-finger fuckin sign pa ako sa kanya. Pagkatapos tuluyan umalis.
"Steffie, bakit ang tagal mo? Namuti na ang mga mata ko kakahintay sa 'yo," reklamo ng manager ko.
Nasa loob na kami ng kotse at papunta na kami sa venue kung saan gaganapin ang party.
"Nawala ang wallet ko kaya hinanap ko."
Hindi ko na lang sinabi sa kanya na may ibang nakapulot dahil tatanungin niya ako.
"Kung saan-saan mo kasi nilalagay ang mga gamit mo."
"Hays! Gusto ko pa sanang matulog hindi pa ako nakaka-recover sa pagod ko."
"Sandali lang naman tayo sa party pagkatapos ay uuwi na rin tayo. Pagod na rin ang katawang lupa ko hindi na ako mapapakinabangan ng asawa ko dahil sa pagod."
"Pupuntahan ko ang kapatid ko bukas."
"Talaga? Puwede ba akong sumama sa 'yo? Gusto kong makita ang bahay n'yo dito sa Pilipinas."
"Next time na lang. Ilang araw lang tayo dito kaya gusto kong sulitin ang oras ko sa kapatid ko."
"Ang sweet mo talaga kapatid. Siguro ganyan ka rin kapag nagkaroon ka ng boyfriend."
"Hindi ko pinangarap magkaroon ng boyfriend."
"Sayang naman ang lahi mo kung magiging matandang dalaga ka."
"Huwag mo ng isipin kung magiging matandang dalaga ako. Hindi ko nga iniisip ang bagay na 'yon."
Nagkibit-balikat siya. "Okay."
Tumahimik na siya, ako naman ay umidlip habang nasa biyahe kami.
Pagdating namin sa venue ay marami kaming nakilalang mga kilalang tao. May nakita rin akong mga artista ngunit hindi ako nag-aksaya na lumapit. Habang ang manager ko ay abala sa pakikipag-usap, ako naman ay nasa sulok ako at umiinom mag-isa.
"Hi! Miss!"
Tumingala ako at nakita ko ang isang lalaki. Mabilis ko siyang pinasadahan ng tingin. Nakasuot siya ng itim na tuxedo at puting long sleeve polo ang nasa ilalim. May dimples siya nang ngumiti. Hindi rin nakaligtas sa akin ang malapad niyang dibdib. Sa kabuuan ay perpekto siya para sa mga babae na naghahanap ng boyfriend na puwedeng irampa sa mga kaibigan at kamag-anak pero sa akin walang dating kahit isang porsyento. Hindi ako kumibo sa halip ay nagpatuloy ako sa iniinom ko.
Umupo siya sa tabi ko. Apat na tao kasi ang puwede sa table na inupuan ko.
"Bakit mag-isa ka lang?"
"May kasama ko umalis lang."
"I see. Ako nga pala si Orion. Ikaw?"
"Bakekang."
Tumawa siya. "Komedyante ka pala."
"Ngayon lang."
Kainis! Hindi ba niya nahahalata na hindi ko gustong makipag-usap sa kanya.
"Mag-isa lang din ako kaya puwede bang dito na lang ako sa table mo?"
"Nandito ka na anong magagawa ko."
"Thank you."
Tinawag ni Orion upang humingi ng alak. Ang dami niyang hininging alak.
"Gusto mo ba?"
Bakit siya nandito?
Nakita ko ang lalaki sa hotel na papasok. Nagpalit na siya ng damit at maging ang sunglasses niya ay napalitan na rin.
Hindi naman siya bulag.
"Hey! Bakekang."
Muntik ko ng makalimutan na Bakekang nga pala ang sinabi kong pangalan kay Orion. Tumingin ako sa kanya. "Yes?"
"Hinahanap mo ba ang kasama mo?"
Tumango ako. "Baka iwan niya ako," alibi ko.
Nakalimutan kong alak ni Orion ang ininom ko. Bigla akong kinabahan nang makita ko ang lalaki sa hotel. Muli ko siyang tiningnan ngunit hindi ko na siya nakita.
"Bakekang, anong pinagkakaabalahan mo ngayon?"
Ang daming tanong feeling close.
Pilit akong ngumiti. "Wala! Tambay lang!"
Ngumiti si Orion. "Hindi mo ba talaga ako kakausapin ng matino?"
Huminga ako ng malalim. "I'm sorry pero ayoko talagang makipag-usap ngayon."
"I understand, mahirap talagang maging model ng isang produkto."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" Hindi ko direktang kinumpirma ang sinabi niya dahil baka hinuhuli lang niya ako.
"Nag-flash sa screen ang mukha mo. Hindi mo napansin pero tinutukan ka ng spotlight kanina at sinabi na ikaw ang bagong model ng isang beauty product.
"That's why you're here?"
"Yeah, kasing ganda mo ang pangalan mo."
"Thanks for the compliment."
"So, puwede na ba kitang kausapin ng matino?"
Nagkibit-balikat ako. "Wala naman akong choice."
Ngumiti si Orion at tinaas ang wine glass niya. "Cheers!"
"Cheers!"
Naging maayos naman kausap si Orion. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Hindi naman ako naging open na sabihin ang buhay ko dahil hindi ko naman siya kaibigan. Gayunpaman, nag-enjoy akong kausap siya kaya hindi ko namalayan na napaparami ang alak na ininom ko.
"Lasing na ako," bulong ko.
Tumayo ako para pumunta sa banyo.
"Where are you going?" tanong ni Orion.
"Punta lang ako sa bathroom."
"Sigurado ka kaya mong maglakad?"
Tumango ako. "Yes, hindi naman ako lasing." Maswerte pa rin ako dahil kaya kong maglakad ng diretso.
Pagpasok ko sa loob ng banyo para maghilamos ay nakarinig ako ng kalabog sa isang cubicle.
Sa umpisa hindi ko ito pinansin pero nakarinig ako ng kakaibang ingay.
"Ohhhh! f**k!"
Kinilabutan ako nang marinig ko ang babae na umuungol.
My gosh! Kailangan ko na ba talagang mag-asawa!
Kanina sa hotel may nakita rin akong naghahalikan pero ngayon ay parang nagtatalik.
"Uhm! Uhm! Uhm!" sambit ng lalaki.
Umandar ang pagiging mausisa ko kaya dahan-dahan akong pumasok sa katabing cubicle. Tumungtong ako sa bowl para makita ko sila. Pagsilip ko sa kabilang cubicle ay muntik na akong sumigaw. Kitang-kita ko ang babae at lalaki na parehong nakahubad at papunta na sa climax.
"s**t!"
Tumingala ang lalaki at ngumiti sa akin. Ang lalaki na nakikipagtalik sa loob ng cubicle ay ang lalaki na nakikipaghalikan sa elevator kanina.
Nagmadali akong lumabas ng banyo. Biglang nawala ang lasing ko. "I need water."
Naghanap ako ng tubig dahil parang natuyuan ako ng laway. Pinagpawisan ako ng malamig daig ko pa ang nagbabad sa initan. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko hinanap ang manager ko. Kailangan ko ng umuwi.
"Steffie, hintayin mo na ako sandali na lang 'to."
"Mauna na ako sa 'yo magkaiba naman ang uuwian natin."
"Hintayin mo na ako."
Huminga ako ng malalim. "Okay."
Naghintay ako sa kanya ng kalahating oras bago kami umalis sa party. Halos wala akong ginawa sa party na 'yon.
"Chat ka na lang sa akin kung nakauwi ka na sa bahay n'yo," saad ng manager ko nang nasa harap na kami ng hotel.
"Okay, thank you!" Bumaba ako ng kotse at pumasok sa hotel. Alauna nang madaling araw kaya halos walang tao sa labas. Binuksan ko ang elevator ngunit nang isasara ko na ito ay may biglang pumasok.
"s**t! Bakit ba lagi ko siyang nakikita?"
Ang lalaking may ka-s*x kanina ang sumakay sa elevator. Nakita kong pinindot niya ang sixteen floor.
"How's my performance?" saad ng lalaki.
Kumunot ang noo ko. "Are you talking to me?"
Tumango siya. "May iba ba akong kasama?"
"Bakit ako ang tinatanong mo? Itanong mo sa ka-s*x mong babae."
"Pero ikaw ang nakapanood ng live."
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Hindi ko sinasadyang panoorin kayo."
Lumapit siya sa akin saka tinukod niya ang kamay sa bandang ulo upang hindi ako makakilos.
"What are you doing?"
"You're so beautiful. Magkano ka?"
"Bastos!" Sabay sampal ko.
Hinawakan ng lalaki ang pisngi na sinampal ko at ngumisi. "Sweet."
Nagulat ako ng halikan niya ako. Pilit akong kumakawala pero nakakulong ako sa bisig niya.
Damn it! Hindi ako bayaran babae!