HINDI ako makakilos habang yakap ako ng mahigpit na Dylan. Hindi ko siya magawang itulak dahil maraming tao ang nakatingin sa amin dalawa. "You like it, huh?" Sabay kindat niya sa akin. "What the hell are you doing!" pabulong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot sa halip ay hinawakan niya ang bewang ko saka tumingin sa paligid. "Guys, gusto kong i-invite kayo sa kasal namin." Nanggigil akong tumingin kay Dylan. "Anong sinasabi mo sa kanila?" Kung puwede lang sumigaw ay ginawa ko na. "Ang sweet n'yo naman, kayo talagang magkasintahan ang nagkatuluyan," sabi ng isang bride. "Ah-" “Yeah, we've been together for almost two years. So we decided to get married soon,” wika ni Dylan. Kampante pa siya habang sinasagot ang tanong ng mga tao sa kasal. "Excuse me," sabi ko. Nauna akong bumab