KANINA ako nakatingin sa salamin habang pinagmamasdan ko ang suot kong damit. Nakatatlong palit na ako ng damit. Gusto ko kasing maging maganda sa paningin ni Dylan ngayon mag-date kami. Ito ang unang araw na niyaya niya akong mag-date. Madalas s*x ang nangyayari sa amin tuwing magkasama kami. Minsan iniisip ko tuloy na baka kaluluwa ni Drake ang nasa katawan ni Dylan dahil sobrang hilig niyang makipagtalik sa akin. “Okay na kaya ‘to?” bulong ko. Nagsuot ako ng backless white and black na dress. Hanggang tuhod ang haba nito kaya makikita ang makinis at maputi kong hita. Sa harap ng damit ay may maliit na v-cut upang makita ang cleavage ng dibdib ko. Naglagay ako ng manipis na makeup para bumagay sa suot ko. “Okay na ‘to.” Lumabas ako ng silid at pinuntahan ko si Dylan sa sala. “I’m rea