Chapter Ten

603 Words

Hindi maaaring magkamali si Lorenzo sa nakikita niya. Si Elaina ang nakita niyang dumating sa Café Ilang – Ilang ng Manila Hotel. Hindi niya maialis ang paningin sa naglalakad na babae. She still looks sexy kahit pa nga buntis na ito. Hindi naman kasi halata sa itsura nito na nagdadalang – tao na ito. Black sleeveless top na naka – tuck in sa mustard colored pencil cut na palda. Bumagay pa dito ang pagkakapusod ng buhok na nagpakita sa maganda nitong mukha. And the way her hips sway while walking, wala sa loob na napakagat labi siya. Pero napatiim bagang din ng makitang nakasuot na naman ito ng high heeled shoes. Pero ang mas nakatawag ng pansin niya ay ang table na tinungo nito. Naroon ang isang lalaki na naghihintay dito. Hindi niya maipaliwanag ang damdamin na biglang lumukob sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD