Ilang minuto na rin na nakatigil lang sa harap ng isang malaking bahay ang kotse ni Lorenzo pero hindi niya makuhang bumaba. Nanatili lang siyang nakaupo sa driver seat at nakatitig sa kalsada. Last week pa tumawag ang mommy niya sa kanya para sabihin na mayroong handaan para sa seventieth birthday celebration ng kanyang ama. His mom told him to be there because his dad is expecting him. Gustong – gusto daw siyang makausap ng daddy niya. Pero hindi niya maintindihan kung bakit talagang hindi niya magawang bumaba sa sasakyan niya. Parang hindi pa talaga niya kayang humarap sa kanyang ama. Napapitlag siya ng makarinig ng mga katok mula sa bintana ng kanyang sasakyan. Nakita niyang ang kapatid niyang si Francis ang naroon. Magmula ng umuwi ito anim na buwan na ang nakakaraan ay nag – exten