"Miss are you okay?" tanong ng binata habang inialalayan ang kanyang pagtayo. Doon nakahinga ng maluwag si Celina, mabilis siyang umayos upang ipagpag ang palda bago paulit-ulit na nagyuko dito. "Ayos lang, sorry!" "Celina?" Nakangiti ngunit napapakunot noong sambit ng lalake. Doon nag angat ng tingin si Celina, napangiti na siya nang makilala ang naturang binata. "Luke! Ikaw pala yan," masaya niyang bati. Napahalakhak naman ang binata habang sinasapo ang batok. "Bakit tumatakbo ka dito?" "Malalate na kasi ako!" pigil tawang sagot na lang ni Celina. Nakahinga siya ng maluwag dahil halatang hindi ito nasaktan at kakilala niya pa ang nakabangga. "Pare, ipakilala mo naman kami!" biglang singit ng isa pang lalake. Doon lang napansin ni Celina ang dalawa pang kasama ni Luke sa likod n