ALEXIS
"Ate, kumain ka na. Ilang araw ka nang nagkukulong dyan sa kwarto mo." hindi ko naman pinansin yung sinabing yon ng kapatid ko at pinagpatuloy ko lang yung pagtulala sa TV.
"Ate." tawag pa nya sabay kulbit kaya wala na akong nagawa kundi lingunin sya.
"Nanonood ako ng TV." walang ganang sagot ko sa kanya.
"Sige nga, kung nanonood ka talaga, anong nangyari dyan sa movie?" tanong pa nya sa akin kaya napabalik bigla yung tingin ko sa TV. Ano nga bang movie 'to?
"Ano?" tanong pa nya sa akin.
"Ah. Ayan o, about dun sa babae na sobrang minahal yung boyfriend nya pero sa huli, iniwan din sya sa ere. Ganyan naman kasi lahat ng lalaking yan eh, kapag napagsawaan ka na, basta-basta ka na lang bibitawan. At halos lahat sila, sinungaling! Sasabihin nila na mahal pero yun pala, hindi naman totoo. Iiwanan at iiwanan ka din nila!" naiiyak na naman na sabi ko.
"Ah." sabi nya habang nakangiti at tumatango-tango. "Ganun pala yung story ng x-men?"
Inis na binatukan ko naman yung sarili ko sa isip ko. Ang tanga mo talaga Lexi!
"Oo. Yun talaga story nya. Kaya nga X-men o. Tungkol sa EX nya." pangangatwiran ko pa.
"Talaga ba?"
"Oo! Tungkol sa walanghiya nyang Ex-boyfriend!" inis pang sabi ko.
"Ang bitter mo no!" tatawa-tawang sabi pa nya.
Aba, at nakuha pa nya talaga akong pagtawanan ha. Bakit hindi na lang nya ako damayan sa pagluluksa ko.
"Ikaw ba naman yung iwan ng boyfriend mo at ang lintik na dahilan lang nya eh dahil ayaw nya sa umaasa lang sa magulang, sino bang hindi mabibitter don?" naiiyak na sabi ko pa. Bigla ko na naman kasing naalala yung mga sinabi nya sa akin nung gabing yon.
-FLASHBACK-
"Alexis, I'm breaking up with you."
"So ano yang catch ng joke mo?" sabi ko nang mahimasmasan ako sa sinabi nya. Bakit nga ba nakalimutan ko na palabiro nga pala 'tong boyfriend ko na 'to.
"Alexis, I'm serious. I think kailangan na nating maghiwalay." seryosong sabi pa nya kaya biglang bumilis na naman ng pintig ng puso ko.
"B-bakit?" parang naiiyak na tanong ko pa. Alam mo yung feeling na nag-expect ka na maganda yung kakalabasan ng gabing 'to pero biglang ganito. Sh*t lang talaga! Nakakapakshet lang!
"Akala ko kasi okay lang sa akin yung ganyan ka pero hindi pala. Naisip ko kasi, papa'no kung mag-asawa na tayo, ano, aasa ka lang din sa magulang mo? Sa akin?" sagot naman nya kaya mas lalo akong naguluhan. Ano daw?
"Ha? Ano bang issue mo?" tanong ko ulit sa kanya.
"Ikaw Alexis. At yung pagiging palaasa mo sa magulang mo. Yung pagiging iresponsable mo at yung hindi mo pagtayo sa sarili mong paa." sagot naman nya.
"What the hell are you talking about Gino? Anong problema mo? Bakit nadamay dito yung pagiging dependent ko sa parents ko?" pagalit na tanong ko sa kanya.
"Hindi ko kayang magpakasal sa isang babae na walang ibang gawin kundi magshopping at maglustay ng pera. Hindi ako mayaman at hindi ko kayang tustusan yung luho mo." sabi pa nya kaya mas lalo akong nainis sa kanya. Yun lang? Ang babaw nya ha!
"Bakit mo kailangang problemahin yon? Humihingi ba ako sa'yo? Hindi naman diba? At isa pa, after a year naman, ako na yung maghahandle ng company namin kaya nagpapahinga ako ngayon. Kayang-kaya kitang buhayin Gino." sabi ko pa sa kanya.
"Yun na nga eh. Ayokong masabihan na pinakasalan lang kita dahil sa estado mo sa buhay. At isa pa, ayokong umasa sa'yo, at sa kahit sino pa man." seryoso pa rin na sabi nya.
"At bakit mo kailangang isipin yung sasabihin ng iba? Ang importante naman diba, mahal mo ako at mahal kita. Okay na yon. So please Gino, wag kang makipaghiwalay sa akin." pakiusap ko sa kanya.
Nakita ko naman na umiling-iling sya kaya doon na pumatak yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"I'm sorry Alexis, pero kailangan kong gawin 'to. I'm really sorry." mahinang sabi pa nya.
"So after 8 years, itatapon mo na lang lahat-lahat? Tatapusin mo ng ganun-ganun lang 'to?" pilit kong ginagawang normal yung boses ko kahit ang totoo, gustung-gusto ko na talagang magbreakdown dito. Ganito pala kasakit yon?
"I'm sorry."
"At yan lang talaga yung kaya mong sabihin?" may diin na sabi ko pa.
"I-ihahatid na---"
"No need. Umalis ka na. Kung gusto mong tapusin lahat dahil sa walang kakwenta-kwenta mong dahilan, go lang. Wag mo akong alalahanin. Umalis ka na." sabi ko pa habang nakatungo. Ayokong makita nya akong umiiyak at nasasaktan dahil sa desisyon nya.
"Alexis mahal---"
I cut him off. Tangina lang kasi, makikipagbreak sya tapos bigla nyang sasabihin yon? Parang tanga diba?
"Stop! Umalis ka na. Please?" pakiusap ko pa.
Naramdaman ko na nagdadalawang isip sya kung susundin ba nya o hindi yung pakiusap ko pero sa huli, umalis na lang din sya kaya mas lalo akong nanghina at napaiyak.
Agad kong idinial yung number ni Mayie para magpasundo sa kanya. Hindi ko kasi alam kung kakayanin ko pang tumayo ngayon.
-END OF FLASHBACK-
"O tahan na. Ayan na naman eh, umiiyak ka na naman. Dapat sa ganyan, isang beses lang umiiyak tapos kinabukasan, okay ka na dapat." sabi pa ni Yna sa akin.
"Para kasing ang dali ng pinapagawa mo eh no?" inis na sabi ko sa kanya habang pinapahid yung luha ko.
"Madali lang naman Ate kung tutulungan mo din yung sarili mo." sabi naman nya.
"Mahal na mahal ko sya. At hindi ko alam kung kakayanin ko kung wala sya sa buhay ko." ayan na naman, eto na naman yung bwisit na luhang 'to!
"Pero ayaw na nya sa'yo Ate. Nakipaghiwalay na sya sa'yo. At hindi ikaw yung gusto nyang makasama habang buhay." derechong sabi pa ng bwisit kong kapatid.
"Aray ha! Hindi ka man lang nag-excuse me sa akin. Talagang derecho no?" sabi ko pa sa kanya.
"Kasi ayokong umasa ka pa."
"Malay mo naman, kailangan lang nya ng space. Yna, ano ba kasing dapat kong gawin?"
"Ano sya astronaut? Wag ka nga Ate. Wala kang dapat gawin kundi kalimutan na sya at magmove on. At isa pa, yung singsing, para daw yun sa babaeng mahal nya. So ibig sabihin, hindi ikaw yon. Hindi ikaw yung gusto nyang pakasalan." inis na hinampas ko naman sya ng unan dahil sa sinabi nya. Ang dami kasing alam, sisiraan pa si Gino sa akin.
"Manahimik ka nga! Alam mo ikaw, minsan lang ako humingi ng advice sa'yo, ganyan pa yung ibibigay mo!"
"Nagsasabi lang kasi ako ng totoo. Ayoko kasing umasa ka sa isang bagay na ikaw rin naman yung masasaktan bandang huli." sabi pa nya.
"Mag-advice ka na ng kahit ano, wag lang yung kalimutan ko sya. Hindi ko kaya yon Yna." naiiyak na sabi ko pa sa kanya.
"Hay. Ang lakas talaga ng tama mo kay Kuya Gino. Pero sige, kung kailangan mo ng advice, may kilala ako na pwedeng makatulong sa'yo." nakangiting sabi pa nya.
Nagtatanong naman ang mga mata na tumngin ako sa kanya.
"Kung si Mayie yung iniisip ko, wag na. Pareho lang kayo ng sasabihin non."
"Nah. May kilala kasi ako na super galing na magbigay ng advice."
"At sino naman yan?"
"Si DJ Tasya." sagot nya kaya mas napakunoot yung noo ko. Sino daw?
"Ha? Sino naman yon?" takang tanong ko pa.
"Si DJ Tasya. Yung Love Guru. Promise Ate, matutulungan ka nya talaga." sabi pa ng kapatid ko.
"Ano yung Love Guru Love Guru na yan?"
"Radio program yon Ate. Yun may mga tatawag para humingi ng payo about sa love, etc, tapos si DJ Tasya yung host non." paliwanag naman nya.
"So meaning, ibbroadcast ko sa buong Pilipinas yung problema ko?" nakataas ang kilay na tanong ko pa.
Tumango-tango naman sya kaya umiling ako sa kanya.
"No! Hindi ko gagawin yon. Hindi ko ipangangalandakan sa mga tao yung problema ko sa lovelife ko no!" sabi ko pa sa kanya.
"Ikaw din, bahala ka. Kapag nawala sa'yo ng tuluyan si Kuya Gino, walang sisihan ha." aba at nanakot pa ang bruhang 'to.
"Pero kasi---"
"Tapos malalaman mo na ikakasal na sa iba si Kuya Gino no---"
"Okay fine! Tawagan mo na yung Tasya Tasya na yan! At siguraduhin mo lang na maganda yung magiging advice nya dahil kung hindi, ipapasara ko talaga yung radio statio nila!" inis na sabi ko pa. Leche kasi tong babaeng 'to. Sabihin ba naman na ikakasa sa iba si Gino ko. No! Hindi ako papayag no! Over my dead body!
"O sige, sana bumalik na sya. Last time kasi, si DJ Becky lang yung naghost nung TLG eh." sabi pa nya habang may idinadial sa phone.
As if naman kilala ko yung mga sinasabi nyang yan diba? Duh.
"Yes! Okay na Ate. Ikaw daw yung last na kakausapin nila at swerte mo, nandyan si DJ Tasya!" masayang sabi sa akin ni Yna habang inaabot sa akin yung telepono. "Tandaan mo yung names nila ha, DJ Becky at DJ Tasya okay?" sabi pa nya kaya tumango na lang ako.
Seriously Lexi? Papatol ka talaga sa ganito? Pero kung eto talaga yung makakapagpabalik sa akin kay Gino, bakit hindi subukan diba? Wala namang mawawala sa akin.
"And ngayon, para sa last natin na caller. Hello Alex?" narinig kong sabi ng baklang DJ kaya sinamaan ko ng tingin yung kapatid ko. At kailangan talaga yung pangalan ko yung sabihin? Pwede namang ibang pangalan yung gamitin diba? Bwisit talaga 'to!
"Hello po DJ Becky and DJ Tasya. And magandang hapon din po sa mga listeners nyo po." bati ko na lang sa kanila. Ayoko namang maging bastos diba?
"So Alex, maaari na ba naming malaman ang dahilan ng iyong pagtawag?"
Hay, sasabihin ko ba talaga? G na ba talaga 'to? Fine, para sa amin ni Gino.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"DJ Tasya, ano pong gagawin nyo kapag po meron kayong boyfriend for 8 years tapos nung time na akala nyo po na magpopropose sya sa inyo, bigla na lang po syang nakipagbreak. At ang dahilan po nya, para daw po makapagfocus sya sa work nya para sa huli, mapatunayan daw po nya sa mga magulang ko na karapat-dapat sya para sa akin. Ayaw daw po nya kasi na umaasa sa mga magulang eh." panimula ko sa kanila.
"Well, if ganun naman yung dahilan nya, hihintayin ko na maging ready sya diba? Na maging 'karapat-dapat' sya para sa akin. Pero hindi ako papayag na makipaghiwalay sya sa akin dahil lang don. Ipaglalaban ko yon. Di naman kailangan na maghiwalay kami diba? Di naman ako magiging distraction." narinig kong sabi nung DJ Becky na sinasabi ng kapatid ko.
"Yun na nga po DJ Becky, okay lang naman po kaso sabi nya, babalikan nya lang ako kapag may ipagmamalaki na rin ako sa kanya. Kasi, umaasa lang daw ako sa mga magulang ko. Gusto daw nya na maging responsable ako. Eh duh! Alam naman nya na ako yung magmamanage ng business namin next year eh." ayan na naman, sabi ko na eh, hindi ko na naman mapipigilan yung sarili ko na hindi maiyak eh. Hay.
Paglingon ko kay Yna, nakangiti lang sya habang nakikinig sa favorite DJ nya. Sus.
"Well Alex, may mga ganyan talagang lalaki. Yung mataas yung pride. Yung ayaw na umaasa sa iba. Aba, maswerte ka at nakahanap ka ng ganyang tao. Kung mahal mo pa talaga sya at gusto mong ma-save yung relationship nyo, aba, patunayan mo sa kanya na kaya mo ring tumayo sa sarili mong paa. Na hindi ka lang aasa sa magulang mo." narinig kong sabi nung DJ Tasya.
"Papa'no po?" tanong ko pa sa kanya.
"Eh di gawin mo yung gusto nya, maging responsable ka. Malay mo kapag ginawa mo yon, bumalik sya sa'yo at mangyari na yung proposal na pinapangarap mo." sabi pa nito kaya bigla naman akong napaisip.
"M-magtatrabaho ako?" tanong ko pa sa kanya.
"Kung yun yung magsasalba sa relasyon nyo eh, bakit hindi?"
"Ayaw po kasi ng parents ko." yeah, hindi rin naman nila ako papayagan if ever eh.
"Kung ganon, hayaan mo na lang na makakilala sya ng isang babae na responsable at hindi umaasa sa magulang. Malay natin maging masaya sya don diba?" sabi pa ni DJ Tasya kaya bigla na namang sumakit yung puso ko. Bakit ba kasi ganon lahat ng sinasabi nila? Bakit ba parang gusto nila na makahanap na lang ng iba si Gino?
Okay. Kung eto lang talaga yung paraan para bumalik sya sa akin. Gagawin ko! Gagawin ko kung ano yung sinabi nitong si DJ Tasya.
"Fine. Kung yun yung gusto nya. Sige, papatunayan ko na hindi ako tulad ng iniisip nya na walang alam gawin kundi gumastos at magliwaliw. Papatunayan ko sa kanya na kaya ko ding tumayo sa sarili kong mga paa. At kung yun lang yung paraan para bumalik sya sa akin, sige DJ Tasya, maghahanap ako ng trabaho para may maipagmalaki sa kanya." determinadong sabi ko sa kanila kaya mas lalong napangiti sa harap ko si Yna.
"Good. That's my girl." sabi ni DJ Tasya sa akin.
"Sige po. Salamat po talaga DJ Tasya. Tama nga yung kapatid ko, ikaw lang yung makakatulong sa akin. Hoy bruhang Yna, eto na ako o, kausap ko na yung favorite DJ mo, bleh!" sabi ko pa habang binebalatan si Yna na nakasimangot na ngayon sa harap ko, haha. Kala nya hindi ko babanggitin yung pangalan nya ha! Gantihan lang yan.
"Walang anuman Alex. And dahil dyan, para sa'yo 'tong next song na ipapatugtog namin. Goodluck girl! At para po sa lahat ng tumawag kanina, maraming-maraming salamat po, at namiss ko din po kayo. Ciao ciao!" yun lang at natapos na yung tawag.
"So?" tanong sa akin ng kapatid ko matapos kong iabot sa kanya yung telepono.
"Tama si DJ Tasya, kailangan kong patunayan kay Gino na mali yung iniisip nya sa akin. Na hindi ako iresponsable at hindi marunong tumayo sa sarili kong paa. At higit sa lahat, hindi ako paalasa sa magulang natin!" sabi ko pa sabay taas ng kanang kamao ko.
"Ayun naman o! So, magttrabaho ka na Ate?" tanong pa ni Yna.
Determinadong tumango naman ako sa kanya.
"But before that, kailangan kong magsulat ng guidelines kung papa'no ko mapapabalik si Gino sa akin." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ha?"
"My 'How to Get Your Ex Back' list." sabi ko pa.
"What?"
"Basta, just wait and see." nakangiting sabi ko pa.
Hintay lang Gino. Pasasaan ba at babalik ka din sa akin, hihi.