bc

So It's You

book_age0+
6.2K
FOLLOW
30.3K
READ
love-triangle
arranged marriage
CEO
boss
comedy
sweet
gxg
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Papa'no kung yung walang taon mong boyfriend ay biglang makipaghiwalay sa'yo at bigla mong malalaman na ikakasal na pala ito sa iba?

Papayag ka bang masayang yung ilang taon na pinagsamahan n'yo, o ipaglalaban mo kung ano yung meron kayo?

At papa'no kung bigla mong makilala yung babaeng pakakasalan n'ya pero imbes na magalit, may kakaiba kang mararamdaman sa kanya?

Gaano nga ba kakomplikado ang magmahal?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
ALEXIS "HashtagOhMyGods! Seriously Lexi? Magpopropose na talaga sa'yo si Gino? As in? Ikakasal ka na talaga?" Excited na tanong sa akin ni Mayie habang papasok sa kwarto ko. Sheez! Why do I always forget to lock my door? I'm really not in the mood to make kwento about that 'proposing' thingy. Duh! I'm not even sure yet. I don't want to assume dahil baka hindi matuloy. Duh! "What are you doing here?" may halong pagkainis na tanong ko sa kanya. Well, hindi naman ako 'inis' talaga. It's just that, mas okay siguro kung kakatok muna sya bago pumasok sa kwarto ng may kwarto diba? "Ay wow. Super halata na welcome na welcome ako dito ah. Ang cute mo talagang maging bestfriend." she said while rolling her eyes. Aba ang bruha, talagang ayaw magpatalo sa katarayan ko. "You know me so well, Mayie. Alam mong kapag wala ako sa mood, ibig sabihin, wala talaga ako sa mood." mataray na sabi ko pa sa kanya. "Yeah. But I don't care. Sanay na ako sa ugali mong yan. And I know na sanay ka na rin naman sa akin so alam mo na hindi ako aalis dito hangga't hindi ka nagkkwento." sabi naman nya sa akin kaya mas lalo akong napasimangot. Please, pakisabi nga sa akin kung bakit ko naging bestfriend 'tong babaeng 'to? "Mayie, not now please?" inis na sabi ko pa rin sa kanya. "Ngayon na. So, when's the wedding?" nakangiting tanong na nya. Tsk, basta talaga tungkol sa tsismis, ang bilis-bilis nya. "That's the reason kung bakit hindi pa ako nagkukwento. Hindi pa kasi ako sure kung magpopropose nga sya or not." sagot ko naman sa kanya. "Huh? Eh bakit sabi nung kapatid mo---" "Well, my sister and her friends were at the mall kanina and they saw Gino na bumibili ng ring sa isang sikat na jewelry shop. So yon, they assumed na para sa akin yung ring. Nung tinanong daw kasi nila yung girl dun sa shop, sabi daw ng boyfriend ko, para yon sa future wife nya." kwento ko sa kanya. "Eh di yun nga, para sa'yo nga yon. Duh! Pero depende rin siguro." sabi pa nya na parang nag-iisip. I gave her a questioning look. Hello, depende saan? "Depends on?" "Depende na lang kung may iba syang girlfriend bukod sa'yo." sabi pa nya habang patango-tango. Natatawang-naiiling naman ako sa sinabi nya. "Seriously Mayie? Yan talaga yung inisip mo? Well, duh! Kung nakakalimutan mo lang naman no, 8 years na kaming dalawa ni Gino and sa walong taon na yon, never syang nagkaron ng ibang babae. At never kaming nag-away dahil sa third party." sabi ko pa sa kanya. "Sabagay. May point ka naman dyan. Never naman talagang tumingin si Gino sa ibang babae. Minsan nga naisip kong akitin sya kaso nagbago yung isip ko, alam ko kasing mapapahiya lang ako kapag ginawa ko yon." natatawang sabi naman nya. And instead na magselos, natawa na lang din ako sa sinabi nya. Naisip nya talaga yon? Oh well, good luck talaga sa kanya. "Why don't you try it? Malay mo, maakit mo sya diba?" natatawang sabi ko pa. "Asa naman ako diba? Papa'no ko naman matatalo yang ganyang mukha diba? And hello, bukod sa itsura, wala din akong 'say' sa yaman mo day! Kita mo nga o, hindi mo na kailangan magtrabaho. Kahit porebs ka ata tumambay dito sa kwarto mo, keri lang, mabibili mo pa rin lahat ng gusto mo." sabi pa nya. Well, hindi naman sa ayaw kong magtrabaho talaga. Ayaw lang kasi akong payagan nila Papa and Mama. Sabi nila, magpahinga na lang daw muna ako tutal napagod daw ako dun sa ilang taon na nag-aral ako. Kaloka lang kasi para saan pa na pinag-aral nila ako diba kung hindi ko rin naman magagamit? Pero syempre, bilang mabuting anak, sinunod ko sila. So after ko makagraduate, ayun, nandito lang talaga ako sa bahay. And sabi naman ng parents ko, one year lang naman daw yung pahinga ko, after daw nito, tuturuan na nila ako about sa pasikot-sikot ng business namin. "Pero seryoso Mayie, ayokong mag-assume na para sa akin yung singsing na yon. Ayoko kasing kapag narinig nya na usap-usapan nga yung pagbili nya ng ring, bigla syang ma-pressure na magpropose sa akin. Ayoko naman kasi ng ganon. Gusto ko, kung magpopropose sya sa akin, yung bukal sa loob nya, hindi yung napilitan lang sya." sabi ko pa. Tumango-tango naman ang hitad kong bestfriend. "Pero what if plano na nya talagang magpropose sa'yo? Will you say yes?" tanong pa nya. "Of course. Sino ba naman ako para tumanggi diba? Sabi ko naman sa'yo noon, unang kita ko pa lang kay Gino, alam ko sa sarili ko na sya lang yung lalaking gusto kong makasama habang buhay." oh gods! I sounded so corny. Ugh! "Ayun naman eh. Basta kapag niyaya ka na nya, ako yung una mong sasabihan ha." sabi pa ng bruha. Asus, gusto lang talaga nyang mauna sya sa balita. Duh! "Oo na po. May choice pa ba ako?" naiiling na sabi ko pa sa kanya. She was about to say something pero napatigil sya nung nakita nyang may tumatawag sa akin. At ganun na lang yung smile nya nung nabasa nya yung name ng caller. Tsk, tsimosa talaga. "Hey Babe." nakangiting sagot ko agad sa tawag nya. "Babe, can I ask you out? Dinner later?" narinig kong tanong nya kaya mas lalo akong napangiti. Hashtag OMG na talaga! Eto na nga yata talaga yon. Totoo nga yata yung sinabi nung mahadera kong kapatid. Magpopropose na yata talaga sa'kin si Gino ko. Yay! "Babe?" ulit nya dahil bigla akong tumahimik sa kabilang linya. Eto naman basag trip, kinikilig pa ako eh. Tsk. "Uh. Yeah sure Babe. Alam mo naman na available na available ako para sa'yo." sabi ko pa. "Okay then, I'll pick you up at 7pm, okay?" "Noted boss. See you." yun lang at tinapos na nya yung convo naming dalawa. Pagtingin ko kay Mayie, halatang naghihintay sya sa sasabihin ko. "Oh Gods bestfriend! Eto na nga yata yon. Magpopropose na yata talaga sya!" masayang sabi ko sa kanya kaya ang bruha, tumalon at tumili. Ay grabe, sa kanya magpopropose? Kaloka! Natatawang tiningnan ko na lang sya habang walang tigil pa rin syang nagtatalon na parang baliw. Kahit naman kasi ako, sobrang saya ko naman talaga. Eto na yon eh. Eto na yung pinakahihintay ng lahat ng babae diba? Yung maikasal sa lalaking pinakamamahal nila. Hay Gino, excited na akong sumagot sa'yo ng YES mamaya. Hihi. *** "Ready ka na, Ate?" nakangiting tanong sa akin ni Yna habang kunwaring inaayos pa yung dress ko. Tsk, nahawahan na 'to ng bestfriend ko sa pagiging baliw talaga. Kaya lagi kong sinasabi na wag syang magsasasama don eh, hay. "Wag ka ngang magulo dyan. Etong nawiwindang na ako kung papa'no ko ba sasagutin ng yes mamaya si Gino, tapos nanggugulo ka pa." naiiling na sabi ko sa kanya. "Uh, madali lang naman Ate, sasabihin mo lang sa kanya. Yes Gino, I'll marry you. Tapos." at inacting pa nya talaga ha. "That's so plain." reklamo ko naman. Minsan lang mangyari 'to tapos ganun lang? "Eh anong gusto mo? Yung aarte ka pa na parang nagulat with matching paiyak-iyak pa?" "Bakit hindi diba?" "Yuck Ate. Wag na wag mong gagawin yon. Ang corny non promise, at halos lahat ng kakilala, ganun yung nagiging reaksyon." sabi pa ng kontrabida kong kapatid. "Eh anong gusto mong maging reaction ko? Alangan naman na pokerfaced lang ako habang nakatingin sa kanya at sasagot ng yes diba? Mas pangit naman yon." reklamo ko naman sa kanya. "I didn't say na wag kang magpakita ng emosyon. Ang sabi ko lang, wag mong gayahin yung common na reaksyon ng mga babae kapag nagpopropose sa kanila yung mga jowa nila." sabi pa nya while rolling her eyes. See? Manang-mana talaga kay Mayie 'tong batang 'to. Sasagot pa sana ako sa kanya nang makarinig kami ng busina sa labas kaya nagmamadali akong lumabas. "Wag kang magpahalata na excited ka Ate. Keep calm. Chillax lang." paalala pa sa akin ni Yna bago pa ako tuluyang lumabas. Nakangiti naman akong sinalubong ni Gino paglabas na paglabas ko. "Hey Babe, I missed you." nakangiting sabi nya sabay halik ng mabilis sa mga labi ko. "Namiss daw pero hindi man lang nagtext maghapon? Isang beses ka lang kaya nagparamdam." kunwaring tampo ko naman. "Asus, nagtampo naman agad yung Babe ko. Busy lang po talaga sa work. Let's go na at baka matraffic pa tayo." nakangiting sabi pa nya sa akin matapos akong pagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Ang gentleman talaga kahit kelan. Kaya mahal na mahal ko 'to eh. Nagkwentuhan lang kami about sa work nya habang nasa byahe kami. Mga 30 minutes siguro, nandun na kami sa place kung saan kami kakain. Buti na lang walang traffic dahil medyo inaantok ako sa kwento nya. Wala din naman akong maintindihan kasi eh. Pero syempre, hindi ko na lang ipinahalata sa kanya. Ayoko naman kasi na isipin nya na hindi ako interesado sa pang-araw-araw nyang buhay diba? "So ikaw Babe, kamusta naman yung araw mo?" tanong nya sa akin habang kumakain kami. "Same lang. Bahay lang. Nood ng tv, check ng social media, online shopping." sagot ko naman sa kanya. Tumango-tango naman sya sa akin. "Wait, nilalaro mo ba yung food mo?" takang tanong nya habang nakatingin sa plate ko. Umiling naman ako sa kanya. Gusto ko sanang sabihin na hinahanap ko yung singsing dahil baka bigla kong maisubo at malunok, kastress diba? Minsan kasi yung ibang guys, nilalagay dun sa food yung ring para mas masurprise daw yung girlfriends nila. "Don't you like it?" tanong pa nya. "Gusto naman. Medyo busog pa kasi ako." pagsisinungaling ko pa sa kanya. "I see. Btw, I've just one question." napatingin naman ako sa kanya nung sinabi nya yon. Hala, eto na ba yon? Agad-agad? Aba, kakastart pa lang naming kumain ah. Excited ba sya na marinig yung sagot ko? "Shoot." kunwaring kalmado na sabi ko sa kanya kahit ang totoo, sobrang kilig na kilig na ako. "Wala ka bang planong magtrabaho? Para makaipon para sa sarili mo." napakunot naman yung noo ko sa tanong nya. Really? Yun talaga yung tanong nya? "Next year. Sabi nila Papa ako naman daw yung bahala sa business namin next year. Magpahinga lang daw muna ako ngayon." sagot ko naman sa kanya. Nakita ko yung disappointment sa itsura nya pero ngumiti pa rin sya ng pilit sa akin. "Ayaw mo bang magwork para sa sarili mo? Yung hindi ka aasa sa parents mo? Para at least diba, may maipagmamalaki ka sa kanila." tanong pa nya kaya medyo nainis na ako. Ano ba naman 'to? Bakit ba kailangan nyang isingit 'to sa usapan namin? Problema ba nya kung wala akong trabaho diba? Sya ba yung walang ginagawa? Ako naman diba? "Why are we having this conversation?" hindi ko na itinago yung inis sa tono ko. Nagkibit balikat naman sya. "I just want to know. Masama bang itanong ko yon?" "Hindi naman pero---" "Fine. Sige, let's just finish the food. May kailangan din akong sabihin sa'yo mamaya eh." sabi na lang nya sabay balik nung atensyon nya sa pagkain. Wala na rin naman akong gana kaya inilayo ko na lang yung plato ko sa akin. Nakakainis kasi, lagi na lang naming pinagtatalunan yung tungkol sa hindi ko pagttrabaho. Hindi ko alam kung bakit masyado syang affected. Hay. Pero syempre, kinalma ko yung sarili ko dahil ayoko namang sirain yung gabi namin. Ayokong masira yung pinlano nyang proposal sa akin no? Ayokong mag-away kaming dalawa dito. After namin kumain, napansin ko na parang kinakabahan sya na parang may gustong sabihin sa akin. Okay, eto na talaga yon. This is it! "Alexis, may gusto sana akong---" Hindi ko na sya pinatapos dahil excited na talaga ako. Ni hindi ko na nga rin pinansin na Alexis yung itinawag nya sa akin eh. Baka kinakabahan lang kasi sya. "Kung may gusto kang itanong or sabihin, go lang. Wag ka nang mahiya." nakangiting sabi ko sa kanya. "Alexis, I- I---" "Babe, ako lang 'to, wag kang mahiya." pagbibigay ko pa sa kanya ng lakas ng loob. Nakita ko naman na huminga muna sya ng malalim bago nagsalita. "I'm breaking up with you." "Yes, I do." nakangiting sagot ko sa kanya. Pero biglang nawala yung ngiti ko nung nag-sink in sa akin yung sinabi nya. "Wait, what?!" malakas na tanong ko sa kanya. "Alexis, I'm breaking up with you." kalmadong sagot naman nya habang derechong nakatingin sa akin. Hindi nga ako nagkamali ng rinig kanina. Tangina, yun nga yung sinabi nya. Oh f*ck!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ivory Queen

read
1.9M
bc

Desert Storm (Complete) (Book 2 to Desert Series)

read
630.2K
bc

My Domme Teacher (A lesbian BDSM Story, Completed)

read
136.2K
bc

I'm His Possession

read
37.2K
bc

An Omega's Confused Heart

read
23.5K
bc

Revenge 3 : Blake's Revenge

read
109.5K
bc

Eudora's Baby

read
48.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook