Chapter 2

1721 Words
Baxter "Sige na weirdo! Minsan lang naman ako mag aya sayo tapos tatanggihan mo?" Tinaasan ko ng kilay si Noe dahil kanina pa niya ako kinukulit na pumunta sa isa sa mga mall na pagmamay ari ko. "Ano naman ba ang nakain mo at umandar ang pagka-weirdo mo? O wala ka talagang nakain?" Malamig na tanong ko sa kanya. Nandito kami sa bahay ko sa Tiger Village. Mag kapit-bahay lang kami ni Noe kaya madali niya akong mapeperwesyo. "Tsk! Fine. Nasa mall niyo si Faith, hinihintay niya ako." Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Akala ko ba ay ayaw na ayaw niya kay Faith? What's going on? Mukhang may nakain nga itong hindi pang karaniwang na pagkain tsk tsk. Nagbago na siguro ang tingin niya kay Faith. "Ayaw mo pala kay Faith huh? Look at yourself a*shole." Sinamaan niya ako ng tingin kaya nagkibit balikat ako at tumayo na. May pupuntahan din naman ako sa mall kaya sasabay nalang ako sa kanya. Swerte naman siya kung sasama pa ako sa date nilang dalawa, ayaw ko maging third wheel. Cleassie Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Cleto na sobrang lakas kumain ng ice cream, ito ang pinaka-favorite niya ang Ice cream. "Pagkatapos natin dito anak, mag grocery tayo ah? Malapit na kasing maubos ang stock sa bahay" Tumango lang si Cleto dahil puno ang bibig niya ng ice cream. Mula dito ay nahagilap ng mata ko ang babaeng nasa Restaurant kahapon. Ano naman kayang ginagawa ng babaeng to dito? Nag hihintay ng date o oorder na naman ng marami? Hindi ko nalang pinansin at tinuon ang attention ko kay Cleto, maya maya pa ay biglang nag vibrate ang phone ko dahil sa tawag. Si Mica. "Yes Mica?" Sabi ko, rinig na rinig ko sa kabilang linya na hinihingal si Mica kaya kinabahan agad ako. Wag naman sana mangyari ang iniisip ko. "Mica? Bakit hinihingal ka? Are you okay?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Saglit lang ay sumagot agad si Mica. "N-nasan ka ngayon?" Hinihingal na tanong niya. Tumayo ako at lumapit sa glass wall nitong shop habang nakatingin kay Cleto. "Nasa Ice cream shop kami. Bakit ka hinihingal?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. "Malamang galing ako sa pagtakbo Clea. Tumawag nga pala sa akin ang close friend mo, nangungumusta kay Cleto." Sabi na nga ba, siya ang dahilan kung bakit tumawag si Mica. Lumapit agad ako ay Cleto at pinunasan ang bibig niya gamit ang tissue sa lamesa at binuhat agad siya. "Mommy? Where are we going?" Inosenting tanong ni Cleto, "Sa tita Fyonna mo." Mabilis ang kilos ko kaya hindi ko namalayang may makakabunggo ng balikat ko at muntik ko na mabitawan si Cleo. "Sorry sir nag mamadali kasi ako." Sabi ko ng hindi lumilingon pero hindi pa ako nakakalayo ay may humawak na sa balikat ko at hinarap ako sa kanya. "Cleassie?" Nanlaki ang mata ko ng makita ang lalaking may problema sa aso na pumunta sa Restaurant kahapon at kasama niya ngayon si Sir Noe. "Bakit?" Kating kati na talaga akong umalis dito dahil kinakabahan na ako. "Saan ka pupunta? At... Anak mo na itong bata?" Tanong ni Kuyang galit sa aso. "Oo, anak ko siya. Sige po aalis na ako dahil nagmamadali po talaga ako." Sabi ko sabay talikod sa kanila, pagkalabas ko ng Mall ay humanap agad ako ng taxi, hindi ko gamit ang motor ko dahil kasama ko si Cleto. Hindi pa siya marunong umangkas sa likoran ko. "Cleassie, sumabay na kayo sa akin." Gulat na napatingin ako sa gilid ko dahil tumabi si kuyang galit sa aso. Anong ginagawa ng lalaking ito? "Wag na Kuyang galit sa aso." Kumunot naman ang noo niya. Nagulat nalang ako dahil kinuha niya si Cleto sa bisig ko kaya nataranta ako nang maglakad na siya. "Hoy! Saan mo dadalhin ang anak ko? Kidnapping to ah!" Hindi siya nakinig kaya sumunod agad ako sa kanya. Nakita kong pinasok niya si Cleto sa back seat ng kotse, mabuti nalang at hindi umiyak si Cleto. "Sakay na. Mag uusap tayo." malamig na tugon niya at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat. Kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Isa pa, plano ko rin naman makalayo dito. Matapos niyang isara ang pinto ay umikot siya sa kabila at pumasok sa driver's seat at binuhay ang makina ng kotse. "Bakit ka nagmamadali? Saan punta niyo?" Tinignan ko si Cleto sa back seat, naka upo lang siya at nakikinig. "Mamaya na natin pag usapan. Hindi pa kami pwede umuwi." Natatakot akong magtagal sa daan at baka may makakita sa amin na taong iniiwasam ko. Hindi ko sinabi sa kanya na may iniiwasan ako. Baxter Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko basta ang alam ko lang ay gusto kong makasama si Clea kahit na alam kong may anak na siya. Nagulat ako sa sinabi niyang anak niya ang buhat buhat niya kanina, nasaktan ako at hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa crush ko siya? I mean, long time crush? Inaamin kong Crush ko siya simula pa High school and that's it! Nothing more. Hanggang doon nalang iyon. Pero bakit bigla akong nagulat sa sinabi niya at mukhang hindi pa matanggap ng utak ko? "Mamaya na natin pag usapan. Hindi pa kami pwede umuwi." Napakunot ang noo ko ng sabihin niyang hindi pa sila pwede umuwi. Ano naman ang problema? "Bakit hindi?" Huminga siya ng malalim at tumingin sa back seat, wait. Ayaw niyang marinig ng anak niya? Siguro nga ay nababaliw na ako dahil dito sa Tiger's Village ko sila dinala ng anak niya. Pwede ko naman silang dahil sa condo ko pero dito ako dinala ng utak ko. "Kaninong bahay ito?" Tanong niya ng makalabas na kami sa kotse, binuhat niya ang anak niyang tulog na pala. "Bahay ko. Pasok muna tayo. Marami tayong pag uusapan, since sinabi mo naman na hindi pa kayo pweding umuwi." Tumango naman siya at pumasok na kami, lagi kong iniiwang hindi nakalock ang pinto ng bahay ko dahil mahigpit naman ang security dito sa Village. Pagpasok namin ay nilapag niya sa sofa ang anak niya at hinila niya ang center table tapos ay hinarang niya sa gilid ng sofa para siguro hindi mahulog ang anak niya. "Sa kusina lang ako sumunod ka. May itatanong lang ako." Malamig na sabi ko sabay lakad papunta sa kusina. Kumuha ako ng beer sa refrigerator at binuksan iyon tapos ay uminom ako. Naguguluhan pa rin ako, bakit ako nasaktan noong sabihin niyang may anak na siya? Damn! It's been 12 years and f**k crush ko pa rin siya? I'm not that High school boy anymore. I'm a man and a business man, I'm Baxter Vinagre. "Ayos na si Cleto, anong pag-uusapan natin?" Napatingin ako kay Clea ng magsalita siya at umupo sa tapat ko. Kinakabahan ako, natutulala ako sa kagandahan niya. Parang wala pa siyang anak kung titignan ang katawan niya. Katawan. Bilang nag init ang katawan ko, I can feel my friend stood up down there. What the f*ck? I'm a pervert now? Really? "Ano nga palang pangalan mo?" Nagising ako sa katotohanan dahil sa tanong niya sakin. Umiwas ako ng tingin at uminom ulit ng beer. "Baxter Vinagre." Simpling sagot ko na ikinatigil niya. Bakit? Nakilala niya na ako? Cleassie Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya na ang pangalan niya ay Baxter Vinagre. Baxter Vinagre, ang Captain ng Tigers. MVP in consecutive years ng High school. The unbeatable Basketball team of ANHS, the only team to reach Surigao City competition. Ang lalaking ito... "Bakit ka natigilan?" Napatingin ako sa kanya. Ang seryoso niya at ang cold ng aura niya. "W-wala." Napayuko ako dahil tinignan niya ako sa mata ko. Kinakabahan ako sa tuwing magsasalubong ang mga mata namin. "Nabalitaan ko nalang na umalis ka sa Alegria, kaya pala hindi kita mahagilap dati noong pumunta ako sa baranggay ninyo." Nanlaki ang mata ko at dali daling tumingin sa kanya. Hinanap niya ako? Bakit naman? Sa pagkakaalala ko ay wala naman kaming malapit na ugnayan? Pareho kaming nasa sports dati ngunit ilang beses lang kaming nagkausap, kaya nga ay hindi ko agad siya nakilala kahapon. Pareho kaming nakatira sa Alegria, Surigao Del Norte pero magkaiba ang baranggay namin. Sa katunayan ay pareho kaming nag aaral sa ANHS, ang school namin dati pero hindi kami nagkikita ng madalas dahil masyadong malaki ang School. Ngunit ito nakaupo ako sa harap ng isang Baxter Vinagre, the MVP basketball player, The unbeatable, captain of Tigers and The King of Alegria National High School. "Nganong gihanap man ko nimu? Nga wala man gani ko kaila sa imo sa una?" 'Bakit hinanap mo ako? Ni hindi nga kita kilala dati' Napa-qyos ako ng pagupo dahil nakita kong nag isa ang linya ng kilay niya sa tanong ko. "Ig-agaw nimo ang cheerleader namo sa Tigers maong ginahap tika kay nawala nalang daw ka'g kalit." 'Pinsan mo ang cheerleader namin sa Tigers kaya hinanap kita dahil nawala ka nalang daw ng biglaan' Umawang ang labi ko ng marinig ko siyang nag Bisaya. Ngayon ko lang siya narinig mag bisaya! Sana naman ay napaghandaan ko at nirecord man lang. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa iniisip ko. Masyadong seryoso ang usapan pero ang utak ko ay wala sa tamang pag iisip. "Umalis ako sa Alegria dahil importante ang pinili ko." Nag iwas ako ng tingin at pinigilang mahulog ang butil ng luha ko. Naalala ko kasi na inimbitahan ako sa isang palaro sa ibang bansa. Syempre tuwang tuwa ako at excited. Pero mas pinili ko si Cleto dahil mas mahalaga siya sa kahit anong achievement sa buhay ko. Nagpakalayo layo ako sa pamilya ko ng walang paalam dahil dilikado. "Importante? Yeah and that's Cleto right? You choosed your son." Kinuha ko ang beer sa kamay niya at walang pagdadalawang isip na ininom ito. Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla nalang sumakit iyon. Ganito ba pag first time uminom? Pero masarap ang beer. "Oo, mas importante si Cleto." Nakita kong tumayo siya at naglakad palabas ng kusina, pero bago pa siya makalabas ay lumingon siya sakin at tumigil. "Ililipat ko ang anak mo sa guest room. Tsaka, hinay hinay sa beer dahil mabilis makalasing iyan. Isa pa, may ibang epekto ang beer na iyan. Umalis siya ngunit hindi ako nakinig at tinungga ang beer na hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD