bc

T1: Baxter Vinagre

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
love after marriage
independent
brave
bxg
childhood crush
first love
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Love at fist sight?

Wala iyan sa bockabyolaryo ni Cleassie Bautista. Pero unang tingin niya pa lamang sa lalaking pumasok sa pinagtatrabahoan niyang Restaurant ay tumibok agad ang puso niya ng sobrang bilis.

Makakayanan ba niya itong iwasan at itanggi kung puso na niya mismo ang tumibok? Makakayanan kaya niyang mag sinungaling sa lalaking nag patibok sa puso niya?

Ayaw maramdaman ni Baxter Vinagre ang pagmamahal.

Baxter is a man that has a cold heart yet gentleman one. Weird right? Well that's him. Hindi mo siya maintindihan kung susulong ba o aatras sa nararamdaman niya.

Hindi niya alam kung ano gagawin niya sa nararamdaman niya.

Paano kung magtapo sila? Paano kung matagal na silang magkakilala ngunit natagalan ang kanilang damdamin na tanggapin ang nararamdaman nila?

Mapipigilan kaya ni Baxter ang nararamdaman niya para kay Cleassie?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Cleassie Lakad dito, Balik doon, kuha ng order dito, lista doon. Iyan ang drama ng buhay ko araw araw dito sa Menoitios Restaurant na pagmamay ari ni Mr.Menoetius Menoitios. Weird diba? Magkatunog ang pangalan at apelyedo pero magkaiba naman ang spelling. "One Togarashi beef and Daikon Roll, Chicken Satay, Grilled reef fish chilli tomato jam and Tabouleh and Fish curry with brown and wild rice." Hindi makapaniwalang napatingin ako sa babaeng nag order. Siya lang mag isa pero pang apat na tao ang in-order niya? Hindi na yata normal ang babaeng ito. Hindi ko nalang iyon pinansin. "Okay ma'am just wait for a couple of minutes." Sabi ko at yumuko sa kanya then naglakad na papunta sa kitchen. "Mica, ayan oh paki asikaso naman." Mica, Micaella DeAsis. Kaibigan ko since high school at hanggang ngayon. "Bongga naman ng mag jowang nag order nito balak yata magpataba." namamanghang sabi ni Mica at ibinigay na sa chief ang order tapos ay bumalik siya sa tabi ko. "Hindi magkasintahan ang nag order noong pagkain dahil mag isa lang ang babae kanina." Sabi ko sa kanya habang kinakalikot ang ibang gamit dito sa loob ng kitchen. "Talaga? Mataba ba iyong babae?" Umiling lang ako sa tanong niya dahil tamad akong mag salita ngayong araw, wala ako sa mood. "Edi hanip siya." Sabi lang niya at umalis na sa tabi ko. Ako naman ay lumabas ulit at kumuha ng mga order ng iba. Pagod na talaga ako pero okay lang dahil ilang minutes nalang ay matatapos na ang trabaho ko. "Clea! May darating na bisita si Sir Noe, pagbuksan mo daw sila." Nagtaka naman ako sa inutos ni Mica na sumunod pala sa akin dito sa labas. "Asan ang mga guard? Bakit ako?" Imbes na sagutin ako ay hinablot niya ang hawak kong menu at itinulak ako, buti nalang talaga at magaling ako sa balance. "Wag na maraming tanong, bilis na doon at baka dumating na sila." Bago umalis ay sinamaan ko muna siya ng tingin pero tumawa lang ang baliw. Inis akong naglakad papunta sa main door ng restaurant at hinintay ang bisita ni Sir Noe. Mula dito sa loob ay kita ko ang naglalakihang police dog sa labas ng glass door. Yes Police Dog talaga dahil mahilig sa aso ang may ari ng Restaurant na ito. Maya maya lang ay may nakita akong pumarada na kotse sa parking lot, mukhang mamahalin iyong kotse at hindi ko naman alam ang pangalan ng sasakyan na iyon. Mula sa loob ay lumabas ang tatlong lalaki na sobrang gwapo! Pwedeng pakiss mga kuya? Sabi ko nalang sa isip ko dahil ang hot talaga nila! Pwede na akong mamatay dahil nakakita na ako ng mga gwapong nilalang. Pero ang mas nakakuha ng attention ko ay ang huling lumabas galing sa driver seat, mula dito ay kita ko ang kislap ng mga mata niyang kulay asul, ang katawan niyang sobrang hot, ang mga braso niyang may naglalakihang muscles, ang ilong niyang sobrang tangos, ang mukha niyang sobrang gwapo! Sigurado akong may abs ang lalaking ito. Pandesal na pandesal talaga! Nagising ako sa katotohanan dahil tumahol ang tatlong Police Dog sa labas ng glass door at handa ng lumapa ang mga ito kaya lumabas ako at nilayo ng konti sa pinto para makapasok ang bisita. "Ay naku mga Sir, pasensya na po. Sige pasok na ho kayo." Sabi ko sa kanila habang hinihila ko ang kadina ng mga aso. Nakita ko na sobrang irita na ang mukha ng lalaking may asul na mga mata. "Idiot! Sa susunod na makita ko yang mga asong yan ay ipapatapon ko iyan sa lanfill!" Inis na sabi niya habang nakaduro pa ang daliri sa mga aso. May issue ba sa aso ang isang to? Kung magalit parang ewan eh. "At pati na rin ikaw!" Nagulat ako sa dinugtong niya. Ako? Pati ako? Eh kung sipain ko kaya pagmumukha niya! Akala mo sinong gwapo! Well gwapo naman siya. Pero masama ang ugali niya! Sasagot na sana ako sa kanya pero nauna na siyang pumasok at naiwan ang tatlo niyang kasama dito sa labas. "Pasensya na, galit lang talaga siya sa aso." Natatawang sabi ni kuyang pogi number one. "Bakit pati sa akin galit siya? Ano ako? Mukhang aso?" Inis na tanong ko at binitawan na ang mga kadena ng aso dahil tumigil na sila sa pag tahol, pati yata aso galit din sa kanya. Tinuro ni kuyang pogi two ang uniform ko sa Restaurant kaya naman tinignan ko din kung anong meron, "May aso sa uniform mo, malamang mainit ang ulo niya sayo." Sabay pasok nila sa loob, napanganga naman ako. Kaya galit siya sakin kasi may aso ang uniform ko? Baliw ba siya? Syempre meron kaming aso sa uniform dahil adik sa aso ang amo namin! Padabog akong pumasok sa loob ng Restaurant pero hindi pa man ako nakakapasok sa kitchen ay may tumawag sa pangalan ko. Iyong babaeng madaming order, kaya lumapit agad ako sa kanya. "Bakit po ma'am?" Bigla siyang tumayo at hinila ako papunta sa CR ng Restaurant, ano namang problema nito? Pagkarating namin ay pumasok kami sa isang cubicle at hinarap niya ako. "Hi! I'm Faith Angel Naga, 28 years old from Tiger Village." Napatulala ako sa kanya. Nagpakilala siya? Ano to? First day of school ng Grade 1? Tama ako, abnormal ang babaeng ito. "Yohoo! Earth to beautiful!" Napailing ako ng ilang beses at lalabas na sana ng pigilan niya ako. "Bakit po ma'am?" Hinila niya ako papalapit sa kanya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko, ano kaya ang nasinghot nito? Sa pagkakaalam ko wala namang druga ang mga pagkain namin? "Asan si Menoetius?" Teka, amo ko ang hinahanap niya? "Nasa office po niya ma'am nag kakampo." Mabilis niya akong binitawan at binuksan ang cubicle sabay alis kaya nawalan ako ng balanse at natumba, kaya ang ending? Nasubsob lang naman ako sa sahig! Tinignan ko ang pintong nilabasan niya at napailing na lang. Baxter Inis akong pumasok sa loob ng office ni Noe at padabog na umupo sa sofa. "Hoy Vinagre, hindi kita pinapunta dito para magdabog." Tinaasan ko siya ng gitnang daliri kaya natawa lang siya at umupo sa katapat na sofa. "Asan ang tatlo?" Hindi pa ako nakakasagot ay pumasok na sila Dylan Smith, Jin Lee at William Dutch. Magkakaibigan kami since birth, sabi ng mga magulang namin, kulang pa kami dahil busy ang iba kaya hindi sila makakapunta dito. "What's up weirdos?" Tanong ni Dylan sabay upo sa tabi ko at ang dalawa naman ay umupo sa katapat namin na sofa. "Naghahamon ng laro ang Eagles." Kibit balikat na sagot ni Noe kaya napatingin agad ako sa kanya. "Seriously? Hindi pa sila maka move on sa nakaraan? Damn man! 29 years old na tayo and yet they can't accept the fact that we are the undefeated Basketball team?" Natatawang sabi ko sa kanila. Simula High School ay number one enemy na namin ang Eagles at lagi silang talo. Hindi nila matanggap iyon kaya lagi silang naghahamon ng laro. Tsk tsk. "Pagbigyan na lang natin, sa makalawa na ang laro kaya tawagan niyo na ang ibang Tigers." Tumango tango lang ako sa kanya "Bax, iyong waitress kanina galit na galit sayo." Nag angat ako ng tingin kay Jin Lee, ang koreano sa team namin. "Tss, kasalanan ko ba na may aso sa uniform niya?" Sinamaan ko ng tingin si Noe at natatawang tinaas niya ang dalawang kamay niya at umiling ng paulit ulit. "Diba siya iyong crush mo noong High school pa tayo?" Tanong ni Dylan Smith. "Naalala ko pa dati na halos matumba kana kakatitig sa kanya pag tumatakbo na sila sa quadrangle dati! Hahaha ang epic talaga ng mukha mo." Dugtong ni William Dutch na pa-slang pa talaga. With accent. Runner kasi si Cleassie dati ng High school kami, MVP pa siya. Sobrang ganda niya talaga kaya napapatulala ako tuwing dadaan na sila ng mga kasamahan niya sa classroom namin. Nagalit lang ako sa kanya kanina dahil may aso ang uniform niya, bigla akong nainis. Noe really knows how to make me angry. Simula bata pa kami lagi na niya akong iniinis at ginagalit sa mga alaga niyang aso. Natigil sila sa pagtawa dahil kumatok at pumasok ang secretary ni Noe. "Sir, may nagpupumilit pumasok. Faith Angel Naga daw po ang pangalan niya." Napatingin kaming lahat kay Noe. Faith is the twin sister of Daniel Gail Naga, isa din sa kaibigan namin. Faith is one of our Cheer dancer way back to High school. Sobrang obsess siya kay Noe. "F*ck! That girl is so annoying as hell." Sabi Noe at pumunta sa table niya. "Tell her that I'm busy." Cleassie Pagbalik ko sa loob ng kitchen ay naglilinis na ang mga janitor at staff dahil uwian na, tinignan ko ang relo ko at napamura nalang ako dahil 10:27 PM na. Sigurado akong nag hihintay na si Cleto sa bahay! "Clea, ito na ang mga gamit mo alam ko naman na lagi kang nagmamadali kaya sige na, sho! sho!" Kinuha ko ang bag ko kay Mica at nagmadaling lumabas ng Restaurant. "Thanks Mica! Bye bye!" Paalam ko at kumaway sa kanya. Pagdating ko sa parking lot ay umangkas agad ako sa motorsiklo ko at pinaharurot ito ng mabilis. --- Kakapasok ko pa lang sa bahay ay agad akong niyakap ni Cleto sa mga binti ko. Napangiti naman ako sa kanya at ginulo ang buhok niya. "Mommy, what took you so long?" Mas lalo naman akong napangiti nang marinig ko ang boses ng anak ko. "Sorry, natagalan si mommy. Marami kasi akong inaasikaso sa Restaurant, baby." binuhat ko siya at umupo kami sa sofa. Cleto is a four years old boy. Gwapo, Syempre mana sa akin. Ako kaya ang nanay nito. "Mom, iniwan ba talaga tayo ni daddy?" Napawi ang ngiti ko sa narinig ko kay Cleto. His father, I don't know where is that bastard now. Sana nga ay hindi ko na iyon makita pa. "Anak, diba sabi ni mommy na wala kang daddy? Because your daddy is already dead." Bigla namang lumungkot ang mga mata niya kaya niyakap ko nalang siya. I'm sorry Cleto, kailangan ko muna mag sinungaling sayo ngayon. Hindi mo pa pweding malaman. -- Nagising ako dahil umuuga ang kabilang bahagi ng kama, alam kong si Cleto lang iyan kaya pinikit ko ulit ang mga mata ko. Sunday ngayon, wala akong trabaho dahil Monday, Wednesday, Friday at Saturday lang ang pasok ko kaya free ako ngayon matulog kahit na anong oras. "Mommy wake up! Wake up! It's our Sundate today! Wake up mommy!" Dahil sa narinig ko ay marahas akong napaupo sa kama. Oo nga pala, Sunday is our Sundate. -- Nagising ako dahil umuuga ang kabilang bahagi ng kama, alam kong si Cleto lang iyan kaya pinikit ko ulit ang mga mata ko. Sunday ngayon, wala akong trabaho dahil Monday, Wednesday, Friday at Saturday lang ang pasok ko kaya free ako ngayon matulog kahit na anong oras. "Mommy wake up! Wake up! It's our Sundate today! Wake up mommy!" Dahil sa narinig ko ay marahas akong napaupo sa kama. Oo nga pala, Sunday is our Sundate. "Okay baby. Mag ready ka ng damit mo at maliligo na tayo." Sabi ko at ginulo ang buhok niya. Mabilis naman siyang tumakbo sa lagyanan niya ng mga damit at pumili ng susuotin niya. Ako naman ay pumunta din sa lagyanan ko ng damit at kumuha ng skinny jeans at Black T-shirt. Mahilig ako sa black at mahilig ako sa gabi, basta connect sa black ay mahilig ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
176.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
134.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.9K
bc

His Obsession

read
85.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook