MILLER
Itinutuktok ko ang hawak na lapis sa ibabaw ng study table ko habang blangkong nakatingin sa papel. Nag-iisip ako sa maaaring idugtong sa lyrics na isinulat ni Zachary para sa binubuo naming kanta, pero hanggang ngayon ay wala akong maisip. Hindi ko alam kung ilang minuto pa ‘kong nakatitig lang sa papel nang mayamaya pa’y may marinig akong mga boses na nag-uusap sa labas ng kuwarto.
"Kumpleto na ba ang listahan ng mga ninong at ninang natin?"
"Yes, Mine."
"Mga abay?"
"Kumpleto na rin."
"Are you sure? Lahat ng mga kaibigan mo ay nasa listahan na?"
"Oo nga. As if namang papayag na hindi makasali sa entourage ang isa sa mga gagong ‘yon, ‘di ba? Baka magwala pa sila sa araw ng kasal natin dahil hindi naibalandra ang mga kayabangan nila sa importanteng araw natin."
I tried to concentrate more and ignore their voices.
"Okay. So, nakapag-decide ka na ba kung sino ang maid of honor mo?"
"Yes, pero nakadepende pa rin sa best man mo. Alangan naman kasing ang maging best man mo ay si Juice tapos ang pipiliin kong maid of honor ay si Sam, ‘di ba?"
"Dami mong sinasabi, Nate. Oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ko."
"Oo na. Sino ba ang napili mong best man sa kasal natin?"
"Si Jared."
"Ah. Ang maid of honor ko ay si Zell."
Sumandal ako sa kinauupuan ko at mariing pumikit. Pero kahit anong pilit ko, wala pa ring pumapasok sa isip ko dahil sa mga naririnig na pag-uusap nina Ate Miles at Kuya Nathan sa kabilang kuwarto.
"Oh? Natahimik ka, Mine? Don't tell me pinagseselosan mo pa rin si Zell?"
"Baka ikaw ang nagseselos, Nate. Nang malaman mo yatang si Jared ang best man ko, biglang si Zelline ang naging maid of honor mo."
"Wala akong sinasabing ganyan, Mine. Selosa ka talaga."
"O, sige. Si Cloud na lang ang best man ko."
"Okay nang si Red ang best man mo. Bakit mo pa papalitan? Tsk."
"Ayan. Iyan ang seloso, Nate."
That’s it. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago binitiwan ang lapis at tumayo. Nakabukas ang pinto ng kuwarto ni ate at pareho silang nakaupo ni Kuya Nathan sa kama habang nakakalat sa ibabaw ang mga wedding invitations.
"Bayaw! Nandiyan ka pala."
"Of course, I'm here. You see me, right? Tsk."
"May kailangan ka ba, bata?"
"Wala naman, tanda. Gusto ko lang sanang sabihin na kung pag-uusapan n’yo ni ate ang kasal n’yo, do’n kayo sa lugar na hindi kayo makakaistorbo ng ibang tao. Bahay namin ‘to at hindi wedding planning place."
"Hoy, bata! Hinding-hindi yata nabubuo ang araw mo nang hindi mo ‘ko pinipilosopo, ano?"
"Simula nang araw-araw kang tumambay rito sa bahay namin, hindi na nabuo ang araw ko."
Binalingan ni Kuya Nathan ang ate ko. "Mine, bakit ba ganito sa ‘kin ang kapatid mo? Matinong guwapo naman ako."
"Bakit ako ang tinatanong mo? Siya ang ganyan sa ‘yo at hindi ako. At guwapo ka naman, Nate. Hindi ko lang alam kung matino ka," sagot ni ate habang inaayos ang mga invitations at hindi tinatapunan ng tingin si Kuya Nathan.
"Hindi siya matino." Ako na ang sumagot.
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, bata."
"Hindi ako nagbibigay ng opinyon. Sinasabi ko lang ang totoo, tanda."
"Huwag ka nang humirit, Nate. As if namang matatalo mo siya sa sagutan n’yo," pigil ni Ate Miles nang akmang magsasalita pa si Kuya Nathan.
No’ng unang dalhin ni Ate Miles dito sa bahay si Kuya Nathan at makilala ko siya, ganito na kami kung magsagutan. Kahit nang maging magkasintahan sila at ngayon nga ay ikakasal na, hindi nagbago ang pakikitungo namin sa isa’t-isa. Tanda ang tawag ko sa kanya at bata naman ang tawag niya sa ‘kin.
"Iyon na nga, Mine, eh. Kahit hindi naman ako nagtatanong, nakukuha pa rin niyang sumagot-sagot sa ‘kin."
"Ang corny ng joke mo, Kuya Nathan."
"Kaya nga may tinatawag na corny jokes, eh."
"Tumigil na nga kayo diyan," saway ni ate. "Miller, ano itong nabalitaan ko kay Mileezen na may banda kayo ng mga kaibigan mo? Bakit hindi mo sinasabi?"
Si Mileezen ay ang best friend ko at kapit-bahay namin. Mileezen ang tawag ng mga nakakakilala rito, but I prefer to call her Rhian, her first name.
"It's true. And now you know, Ate," I answered flatly.
Ang tinutukoy niyang banda ay ang binuo namin ng mga kaibigan ko a year ago. G5 is a five member group. I am the bassist and second vocalist, Zachary is the main vocalist, Kurt is the lead guitarist and group leader, Renz is the rapper and guitarist, and David is the drummer.
"Talaga? May banda kayo? May ipapagawa ako sa ‘yo, bata."
"I don't have time to do that."
"Hindi ko tinatanong kung may oras ka o wala, basta gawin ninyo. Kinabukasan namin ni Mine ang nakasalalay sa ipapagawa ko sa ‘yo."
"Kapag ba hindi ko ginawa ‘yan, wala na kayong kinabukasan ni ate?"
"Hindi kita binibigyan ng option na hindi gawin ang ipapagawa ko, bata. Besides, may kapalit naman, eh. Tutulungan kita."
"Saan mo naman siya tutulungan, Nate?"
"Tutulungan ko siyang manligaw." Sabay tawa niya.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo, tanda."
"Errol Nathaniel, kilala kita. Baka imbes na panliligaw ang ituro mo sa kapatid ko, paglalandi pa ang matutunan niya sa ‘yo."
"Mine naman! Anong akala mo sa ‘kin? Puro kalandian ang alam?"
"Oo," she replied bluntly.
"At talagang hindi ka nagdalawang-isip sa pagsagot, ha?" sarkastikong pahayag niya bago muling tumingon sa direksyon ko. "Bata, basta gawin mo ang ipapagawa ko sa inyo ng banda mo at bilang kapalit, tutulungan kita sa panliligaw."
"Oo na, gagawin na namin ‘yan. But, you don't need to bother yourself to help me. I'm not interested."
He snorted. "Nasasabi mo lang 'yan ngayon dahil wala ka pang nagugustuhang babae. Liking someone will make you fall in love. At masayang magmahal, Miller." Tumingin pa siya sa direksyon ni ate. "Lalo na kapag minahal ka rin ng babaeng mahal mo."
Hindi na lang ako sumagot para matapos na ang kakulitan ni Kuya Nathan.
"Ano ba ‘yong ipapagawa mo sa kanila, Nate?" Sa halip ay tanong ni ate kaysa pansinin ang sinabi ni Kuya Nathan, pero halata namang kinilig siya dahil sa pamumula ng mukha niya.
Ngumiti nang makahulugan si Kuya Nathan. "Secret. Surprise ko ‘yun sa ‘yo, Mine. At malalaman mo rin sa tamang panahon." He glanced back at me. "Kakausapin na lang kita kapag hindi na ‘ko busy para masimulan n’yo na ang ipapagawa ko sa inyo ng banda mo, bata."
"Okay," sagot ko na lang bago nagpaalam at bumalik sa kuwarto ko.
Naupo ako sa puwesto ko kanina at hinawakan ang papel. Muli kong binasa ang nakasulat dito. The lyrics were all about love. A sad love, to be exact. At habang binabasa ko iyon, kusang gumalaw ang kamay ko para hawakan ang lapis. Ilang sandali pa, isinusulat ko na ang mga salitang dumadaloy sa isip ko.
You made me feel special
You made me feel the things
I thought I'm not capable of
You made me believe in love
And I was wrong
It was all nothing but a lie
Hindi ko alam kung may kinalaman ba ang mga sinabi ni Kuya Nathan para makaisip ako nang mga salitang idudugtong sa binubuo naming kanta. At muling sumagi sa isip ko ang sinabi niya kanina tungkol sa pag-ibig. And I couldn't help but smile bitterly. Masayang magmahal? Gaano pa katotoo ang sinasabi niyang iyon kung marami pa ring nagmamahal ang nasasaktan?
Courting means you're ready to commit in a relationship. Liking means you're ready to fall in love. And loving means you're ready to get hurt.
In my case, I'm not ready.