ERICE
Pumikit ako at lumanghap ng hangin. Nang imulat ko ang mga mata ko, iginala ko ang tingin ko sa paligid hanggang sa isang ngiti ang sumilay sa mga labi ko. Sa wakas, nakabalik na ulit ako ng ‘Pinas.
May ngiti pa ring nakapaskil sa mga labi ko habang naglalakad papasok sa arrival area. Pagkarating doon, agad na hinanap ng mga mata ko ang sundo ko.
“Jude!” Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon.
“Mileezen!” Agad akong tumakbo sa direksyon ng best friend ko. Excited na niyakap ko siya nang mahigpit.
“I miss you so much!”
Humiwalay siya sa pagkakayakap at tumaas ang isang kilay. “Talaga lang, ha? Twice a week tayong magka-chat sa f*******: at Skype. At once a month din tayong magkausap sa phone.”
I rolled my eyes at her. “Of course, iba pa rin ‘yong nagkikita at nagkakausap tayo nang personal. It’s been three years since the last time I saw you.”
She shrugged. “Okay. Point taken.”
Sabay na lang kaming natawa. “Anyway, how are you?” pangungumusta ko.
Nagdududang tumingin siya sa ‘kin. “Ako ba talaga ang kinukumusta mo o ang ultimate crush mo?”
“Siyempre ikaw! It’s friendship over crush. Besides, pwede ko naman siyang kumustahin mamaya,” natatawang pahayag ko, pero hindi ko rin maiwasang kiligin nang banggitin niya ang crush ko.
I still remember the first time I laid my eyes on him three years ago.
Papunta ako sa school na pinapasukan ni Mileezen para magpaalam sa kanya. Mamayang hapon na kasi ang alis ko pabalik ng LA at didiretso na ako sa airport pagkatapos nito.
Agad kong natanaw ang kaibigan ko na palabas ng gate. Akmang tatawagin ko na sana siya nang mapukaw ang buong atensyon ko ng isang lalaking nakasunod sa kanya. Saglit din silang nag-usap bago sabay na tumingin sa direksyon ko.
My heart skipped a beat when I met his gaze. Parang tumigil din sa pag-ikot ang mundo ko at naging blur ang nasa paligid ko maliban sa lalaki. Nasundan ko na lang ito ng tingin nang mukhang magpaalam ito kay Mileezen at naglakad palayo.
This is not the first time I was attracted to someone who’s good-looking enough. Kung tutuusin nga, may iba pang lalaking mas may hitsura sa kanya. But, I don’t know why I find him the cutest and most attractive among them.
Natauhan lang ako nang may pumitik sa noo ko. “Ouch!” daing ko sabay himas sa nasaktang noo. Doon ko lang napansin na nasa harapan ko na pala si Mileezen at nakapamaywang.
“Natulala ka na diyan. Anong nangyari sa ‘yo?”
Hindi ko napigilang ngumiti at muling ibinalik ang tingin sa direksyong tinahak ng lalaking kausap niya kanina. “I think it was crush at first sight.”
And I found out that his name was Van Miller Buencamino, Mileezen’s guy best friend. Since that day, naging crush ko na ito. Sa tuwing mag-uusap kami ni Mileezen through Skype, f*******: or even long distance call, hindi puwedeng hindi ko ito tanungin sa kanya. Nagre-request din ako ng mga stolen pictures nito. Sa kanya rin ako kumukuha ng mga impormasyon tungkol dito gaya nang kung ano na ang pinagkakaabalahan nito at kung may nililigawan o girlfriend na ba ito.
Sa tuwing tititigan ko ang mga pictures ni Van Miller, mas lalo itong gumuguwapo sa paningin ko. And the last time I saw him personally, I think he was only fourteen, same age as mine.
Ginawa ko pang wallpaper sa iPhone ko ‘yong picture ni crush. When someone would confess his feelings for me, I would just give him an apologetic smile and say these words while showing my crush’s picture on him: “I’m very flattered to know that, but sad to say, the feeling is not mutual. You see this man? Even if we’re too far from each other, we’re getting stronger.”
And it was very effective to get rid of those guys. Hindi alam ni crush na ipinapakilala ko siyang boyfriend ko sa LA dahil kapag nalaman niya, siguradong break na kami.
Naputol ang pagbabalik-tanaw ko nang maramdaman na may pumitik sa noo ko. “Aw! What was that for?” I asked, frowning and massaging my forehead.
“You’re daydreaming again. Nagkita ba kayo? Mukhang nauna pa kasing maglakbay ‘yang isipan mo patungo sa crush mo, eh.”
Malapad akong ngumiti at kumapit sa braso ni Mileezen. “What do you think? Did he miss me?”
“I don’t think so.”
“Why not?”
“Nababanggit kita sa kanya every time na nagkakausap tayo, pero hindi siya nagtatanong tungkol sa ‘yo. Para ngang hindi siya interesadong makilala ka, eh.”
Eksaheradang napahawak ako sa tapat ng puso ko. “Ouch! Grabe ka naman, Mileezen. Hindi ka man lang nagsinungaling sa ‘kin na kahit papa’no ay kilala ako ni crush at interesado siyang makilala ako. It hurts, you know?”
“Mas lalo kang masasaktan kapag nagsinungaling ako sa ‘yo. Mabuti na ‘yong habang maaga pa lang, alam mo na ang bagay na ‘yan.”
Hindi man lang ba talaga na-curious sa akin si crush? Tsk, nakangusong bulong ko pa sa sarili. I heaved a deep sigh. Hindi na bale. Dahil nandito na ulit ako, makikilala na ko ni crush. Hindi na lang basta picture niya ang matititigan ko, siya na mismo ang makakaharap ko. At hindi na lang basta picture niya, siya na rin mismo ang makakausap ko.
Mariin akong tumili sa isip ko. I’m so excited to see you again and meet you in person, Van Miller Buencamino!