*Carmela's POV*
"Gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo? "
Inalis ko ang pagkakatingin ko sa labas ng bintana at bumaling sa may gawi ng pinto ng marinig ang boses ni Ms Kath.
Agad akong napangiti ng makita siya ngunit nanatili lang ako sa pagkakasandal sa headboard ng kama kung saan ako nakaupo.
Nakangiti rin siyang lumapit at umupo sa gilid ng kama ko. Pagkatapos ay inilahad niya ang kamay niya sa akin.
Inabot ko iyon at huminga ng malalim. Nakakaunawa naman siyang ngumiti at sandaling pumikit.
Hindi nagtagal ay lumabas ang mapusyaw na asul na flare nya at nagliwanag ang magkahawak naming kamay.
Alam kong sinusuri nya lang ang lagay ko. Tinitingnan kung nasaayos ang lahat at walang parte ng utak ko ang nagdurugo.
Halos tatlong lingo narin ang nakakaraan mula ng 'Maaksidente' ako ng abilidad ni Leon. At ang sabi nila sa akin ay isang linggo rin akong walang malay at nakaratay lang sa kama.
At ng magising ako at masigurado nilang wala na sa peligro ang buhay ko ay saka nila ako hinayaang bumalik sa dorm ko at ipagpatuloy ang mga klase ko.
Pero bilang lang ang mga pwede kong gawin at hindi pa ko pwedeng makilahok sa ano mang training o laban.
Kailangan ko ring bumalik sa Clinic, dalawang beses isang linggo para ipagpatuloy ang gamutan ko.
Kaya naman... Kahit wala na kong nararamdamang hilo o sakit ay narito pa din ako.
Katatapos lang ng gamutan ko at ilang minuto palang ng magising ako. Ang totoo ay hindi ko alam kung paano nila ako ginagamot, dahil tulog ako habang pinapagaling nila ang utak ko. Hindi rin naman sinasabi nila Ms Kath ang proseso kaya hindi narin ako nagpilit pang malaman.
Ang mahalaga lang naman ay maging maayos ulit ang lagay ko at magawa ko ulit ang mga nagagawa ko. Isa pa ay may tiwala naman ako sa kanilang lahat. Kaya ipauubaya ko nalang siguro ang tuluyang paggaling ko sa mga kamay nila.
Nakita kong bumukas ulit ang pinto kaya napabaling ako doon at hinintay ang taong papasok. Hindi naman nagmulat ng mga mata si Ms Kath at nagpatuloy lang sa ginagawa niya.
Lalong lumawak ang pagkakangiti ko ng makita si Ian na pumasok. Ngumiti rin siya sa akin at sumandal sa pinto pagkasara niyon.
Kung may maganda mang naidulot ang nangyari sa akin ay iyon ay mas napalapit ako sa mga kaHouse ko at kapwa ko Elites. Mas naramdaman ko ang pagtanggap at pagaalala nila at halos araw araw sa tuwing babalik ako ng Clinic ay may isa sa kanilang dadalaw at sasabayan ako pauwe ng Nacht.
Maging ang inakala ko noong masungit na si Marius ay dumalaw sa akin. Tanda ko pa na halos naestatwa ako at ang iba pang Nacht na dumalaw sa akin ng pumasok siya sa silid.
Literal na natahimik kaming lahat at wala ni isa sa amin ang gumalaw. At ng magsalita lang si Marius ay saka lang tila muling naalala ng mga kasama ko na huminga.
Pagkatapos nun maging sila Ian at Alex na Higher Elites dumalaw na rin.
Talagang nasiyahan ako sa ipinakita nilang concern at kahit puno ako ng atensyon noon ng mga kaHouse ko ay hindi ko parin mapigilang makaramdam ng lungkot. Ganun din ng sama ng loob.
Dahil kahit marami pa silang nagaalala sa akin.... Wala naman ang nagiisang taong gusto kong dumamay sa akin. Ang taong gusto kong nasa tabi ko sa mga oras na to.
Unti unting nawala ang ngiti ko at naramdaman kong bumigat ang loob ko. Naramdaman ko ring naginit ang mga mata ko kaya bago pa makita ni Ian ang nararamdaman ko ay mabilis kong inalis sa kanya ang mga mata ko.
Pasimple din akong huminga ng malalim para pawiin ang sama ng loob ko.
Oo at siya daw ang nagligtas sa akin at nagdala agad dito. Pero pagkatapos nun ay hindi na nya ko muli pang dinalaw.
Hindi ko na nakita ang mukha nya maging sa labas ng Clinic.
Hindi ko alam kung pinagtataguan o iniiwasan nya ko. At kung yun nga..... Bakit?
Talaga bang kaaway na ang turing niya sa akin?
Hindi na ba talaga nya naaalala ang pinagsamahan namin?
Wala na ba talaga akong halaga.... Para sa kanya?
Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi ko at ikinurap kurap ko ang mga mata ko para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko.
Nakita kong nagmulat ng mga mata si Ms Kath. Kasabay nun ang unti unting pagkawala ng liwanag sa mga kamay namin .
Ngumiti siya sa akin at ibinaba ang kamay ko.
"Maayos naman ang lagay mo ngayon. Unti unti naring naghilom ang mga ugat mo pero kailangan mo paring magingat sa mga gagawin mo. At kailangan mo paring bumalik dito sa mga araw na itinakda namin para tuluyan ka ng gumaling." Sabi pa niya.
Pilit ang ngiti kong ibinigay sa kanya at tumango na rin.
"Salamat po. " sabi ko pa.
"Wala kang dapat ipagpasalamat. " sagot naman niya.
Tumayo na siya sa kama ko at bumaling kay Ian.
"Kailangan magbihis ni Carmela. Hintayin mo nalang siya sa labas. " sabi pa niya.
Tumango si Ian sa kanya at tumingin sa akin. "Hintayin nalang kita sa labas. "
"Sige. Salamat. "
Magalang siyang tumango ulit kay Ms Kath bago lumabas ng silid. Inalalayan naman ako ni Ms Kath na tumayo at pumunta ng banyo. Ibinigay nya rin ang bag na naglalaman ng gamit ko bago ako tuluyang iniwan sa loob.
Mabilis akong nagayos sa sarili ko at ng matapos ako ay saka ako lumabas at nagpaalam sa kanya.
"Aalis na po ako. Salamat po ulit. " magalang na pasasalamat ko.
"Walang anuman. At tandaan mo, Bumalik ka dito bago matapos ang linggo."
"Sige po. "
Lumabas na ko ng silid at agad kong nakita si Ian na naghihintay sa akin sa labas. Nagpresinta din siyang dalhin ang bag ko bagay na kinanuot ng noo ko.
Umismid naman siya at kinuha ang bag na hawak ko kahit hindi ko iyon ibinibigay sa kanya.
"Utos ni Marius na alagaan ka. Ang siguraduhing huwag kang mahirapan. Kaya masanay ka na kung may tratrato sayo gaya ng ginagawa ko." Sabi niya at marahan akong itinulak sa balikat para magsimulang maglakad.
"Bakit? " takang tanong ko pa.
Umangat ang sulok ng labi niya. "Bakit? Hmmm.. Hindi ba kapanipaniwala na nagaalala din kami para sa mga kasamahan namin? Alam kong walang puso ang reputasyon namin sa kabilang House. Pero hindi ko alam na pati kayong mga kaHouse namin ganyan ang tingin sa amin. " sagot niya.
Agad naman akong nakaramdam ng guilt sa sinabi niya.
"Naku! Hindi naman yun ang gusto kong sabihin." Mabilis na sabi ko . Pero napamaang ako ng bahagya siyang tumawa.
"Nahh... Naiintindihan naman namin yun nila Marius. Huwag ka magpanic dyan." Natatawang sabi niya.
Hindi ko na din mapigilang ngumiti sa kanya. Pero napalis agad yun ng makita kong sumeryoso siya at tumigil sa paglalakad.
Napatigil din ako sa tabi niya at sinundan ang tinitingnan niya.
Lalong kumunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang lalaking naglalakad palapit sa amin.
________________________
*Tyrone's POV*
"Ok ka lang? " tanong sa akin ni Simon.
Pagod na tiningnan ko ang pagupo niya sa katabi kong silya at pagkatapos ay walang ganang binalingan ang ilan pang mga Elites na katulad naming tumatambay sa Common Room naming mga Elites.
Hindi ko rin siya sinagot kaya muli siyang nagsalita.
"Bakit ayaw mong ipaalam kay Mela na ikaw ang gumagamot sa kanya hanggang ngayon?"
Nagkibit balikat lang ako at nanatiling tahimik.
"Hmmm... Baka naman hindi lang paggamot sa kanya ang ginagawa mo. After all tulog siya kaya.... "
Marahas akong bumaling sa kanya at pinaningkitan siya ng mata.
"Hoy! Malinis ang intensyon ko! At hindi lang naman kami ang nandun. Naroon din si Ms Kath kaya hindi pwede yang iniisip mo. "
Lumawak naman ang pagkakngiti niya.
"Iniisip ko? Bakit Tyrone... Ano bang iniisip ko? " nakangising tanong niya.
Napamaang ako sa kanya. Haiisstt... Bakit ko ba kasi pinatulan..... Alam ko namang mangaasar lang siya.
Napailing nalang ako at sumandal sa upuan ko. Medyo nanghihina pa kasi talaga ko kaya parang nanglalata din akong kumilos.
Hindi rin birong control ang ginagawa ko sa kapangyarihan ko sa tuwing gagamutin ko si Mela.
At hindi rin maganda sa pakiramdam ang Pressure na nakasalalay sa akin ang buhay niya. Kapag nagkamali ako....
Napabuntong hininga ako at pilit inalis iyon sa isip ko.
"Pero.. Curious lang ako. Bakit ayaw mo ngang sabihin sa kanya? " tanong pa ni Simon.
Sandali ko siyang pinakatitigan at ng makita kong seryoso nyang hinihintay ang sagot ko ay nagbuntong hininga ulit ako bago nagsalita.
"Ayokong isipin nyang utang nya ang buhay nya sa akin."
Tumaas ang isang kilay ni Simon. "Yun lang?" Tanong niya at nasa tono nya rin ang hindi naniniwala.
Haiissttt... Ang isang ito talaga!
"Oo na. Hindi lang yun." Napipilitang pagamin ko. Alam ko kasing hindi nya ko titigilan. At kahit hindi ako umamin ngayon siguradong hahanap siya ng ibang paraan para masagot ang tanong niya. Mahirap na.. Baka kung ano pa malaman nya. "Hindi ko gustong tumanaw siya ng utang na loob sa akin. Kilala ko siya... Kapag nalaman nya ang ginawa ko siguradong magpipilit siyang makipaglapit sa akin at ituloy ang pagkakaibigan namin kahit pa magkaiba kami ng House. Alam mo ang ugali ng mga taga Nacht. Ayoko lang siyang mahirapan. Mas maganda nang malayo na ang loob nya sa akin habang maaga."
Sumandal si Simon sa upuan nya at sandali akong tiningnan na tila inaanalisa ang mga sinabi ko. Maya maya ay nagsalita ulit siya.
"May punto ka." Sabi niya. Hihinga na sana ako ng maluwag ng magpatuloy siya. "Pero... Bakit may pakiramdam akong may iba ka pang dahilan bukod sa sinabi mo.?"
Grabe! Daig ko pa ata ang isang criminal na nainterrogate sa kanya!
"Fine. Isa pa sa dahilan ko..." Halos pabulong na sabi ko.
He leaned forward at naghintay ng sasabihin ko.
"Ayoko na ang maramdaman nya lang sa akin ay matinding pasasalamat. Ang gusto ko... Higit pa dun. " pagamin ko. "Hindi ko gustong manatiling tinging kapatid o kaibigan lang niya." Dagdag ko at tiningnan ng seryoso sa mga mata si Simon. "Gusto ko... Makita niya ako bilang ako. Para kung sakaling dumating ang araw na magpapakasal kami..... "
"Whoooaaa!" Pigil sa akin ni Simon. Napadiretso din siya ng tayo at nangingiting tumingin sa akin. "Kasal agad Tyrone? Masyado ka atang advance magisip."
Napakurap ako sa kanya pagkatapos ay kunot noong umiling. "Hindi ako Advance magisip. Totoo ang sinasabi ko. "
Umismid siya. "Ako ba niloloko mo? O masyado lang malaki ang tiwala mo na mapapasagot mo si Mela kung sakaling ligawan mo siya? "
"Haiisstt! Hindi ah! "
"Kung ganun ayusin.... "
"We're engaged. " putol ko sa sasabihin niya. Natahimik siya at napakurap sa akin. "Arrange marriage. Ang mga magulang namin ang nagkasundo para sa amin. " paglilinaw ko pa.
Dahan dahan siyang sumandal sa upuan niya na para bang malaking pasabog ang sinabi ko sa kanya.
"At alam ba yan ni Mela.? " maya maya ay tanong niya. Tumango ako.
"Haisst! " usal niya at ikinumpas ang kamay niya. Kasabay nun ang malakas na hanging tumama sa likod ng ulo ko.
"Aray! Bakit mo ginawa yun?! " inis na sabi ko sa kanya.
"Ang laki mo kasing... Tanga. Ano sa tingin mong nararamdaman niya sa pambabalewala mo sa kanya? Sguradong inisip nya na ayaw mo sa kanya. "
Napalabi ako. "Hindi ko naman siya binabalewala. "
"Tsk! Hindi daw. "
"Hindi nga! Ang gusto ko lang maging sigurado siya sa nararamdaman niya sa akin. Gaya ng..... " sabi ko at bigla ring tumigil ng marealised ko ang tinutungo ng sinasabi ko.
Tumaas naman ang isang kilay ni Simon.
"Gaya ng..? " he urged.
Nagiwas ako ng tingin sa kanya at yumuko. "Gaya ng sigurado na ko sa nararamdaman ko sa kanya. "
"At ang nararamdaman mo ay... " he trailed off.
Umismid ako at tumingin sa kanya. "Sigurado ka bang lalaki ka talaga? Daig mo pa kasi ang babae sa pagtatanong mo. "
Nagkibit balikat siya. "Huwag mong ibahin ang usapan. "
Napabuga nalang ako ng hangin sa kanya bago mahinang sumagot. "Fine. Mahal ko siya. Ang akala ko mapipigil ko at mapuputol ko pa ang nararamdaman ko kung iiwasan ko siya. Pero ng makita kong mag agaw-buhay siya..... Saka ko lang narealise na hindi basta basta ang nararamdaman ko. Pero gusto ko ring masigurado niya sa sarili niya na pareho kami ng nararamdaman. Dahil ayokong magsisi siya bandang huli kung ako ang pipiliin nya."
"At hanggang kelan mo naman balak na hayaan lang siya?"
"Hanggang sa marinig ko mismo sa kanya ang totoong nararamdaman niya. At kahit ano pa yun... Tatanggapin ko." Basta sa ikaliligaya niya.
Dagdag ko.
Ilang sandali rin akong tiningnan sa mga mata ni Simon bago siya napailing at tumayo. Lumapit siya sa akin at tinapik ako sa balikat.
"Then goodluck. At sana... Kilala ka rin ni Mela gaya ng pagkakakilala mo sa kanya. Para magawa nyang makita ang totoong hangarin mo sa likod ng mga ginagawa mo." Sabi niya at bago pa ko makasagot ay naglakad na siya palabas ng silid. "Nasa training room lang ako. Sumunod ka nalang pag nasa mood ka na. " pahabol pa niya ng hindi ako nililingon.
Napabuga ulit ako ng hangin at tila nahahapong sumandal sa upuan ko. Pagkatapos ay wala sa loob na napatingin sa kisame.
Sana nga....
Hiling ko bago ko pinilit ang katawan kong tumayo at sundan si Simon.
________________________
Shane_Rose