*Tyrone's POV*
Puno ng takot at pagaalala kong tinakbo ang daan pabalik ng Administrator's building habang buhat buhat ang wala paring malay na si Carmela.
Halos sumikip na ang dibdib ko sa sobrang bilis at tindi ng pagtibok ng puso ko. At tila kamay na sumasakal din sa akin ang matinding takot sa puso ko. Lalo na sa tuwing makikita ko ang namumutlang mukha nya at ang dugong naglandas mula sa tengga nya hanggang sa pisngi at leeg niya.
"Mela?! Mela?!" Subok kong paggising sa kanya. Pero nanatiling walang tugon mula sa kanya. Maging ang mga mata niya ay nanatiling hindi gumagalaw.
Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko. Ganun din ng dalawa pang estudyanteng nakasunod sa likod ko.
Hindi kami tumigil hanggang sa marating namin ang Administrator's building.
"Tabi! Tumabi kayo!" Sigaw ko sa ilang estudyanteng nakakalat sa lobby.
Gulat na tumabi naman sila at pare parehong nanlaki ang mga mata nila ng makita si Mela.
Naramdaman kong may hanging lumampas sa akin at nakita ko ng maging maliit na ipu-ipo iyon sa harap ko. Mabilis na nagsipagilagan dun ang mga estudyanye kaya nagawang linisin niyon ang daan namin at naging madali sa amin ang pagpunta sa Clinic. Alam kong si Simon ang may gawa nun kahit hindi ko siya lingunin.
Mabilis ding tumakbo si Leon para lampasan ako at nagmamadali niyang binuksan ang pinto ng Clinic para papasukin kami.
"Ms Kath! Ms Kath!" Sigaw ko at mabilis at maingat na inihiga si Mela sa pinakamalapit na kama.
"Anong nangyari?" Tanong ni Ms Kath at mabilis na lumapit sa amin. Huminto naman sila Simon at Leon sa may pintuan.
"Ako po ang may kasalanan. Hindi ko alam na naroon siya ng gamitin ko ang ability ko. Huli na ng malaman ko." Sagot ni Leon at nagaalalang tumingin kay Mela.
Alam kong hindi naman niya sinasadya ang nangyari. At kung mananaig lang ang utak ko ay alam kong wala dapat siyang ihingi ng tawad. Pero iba ang tinatakbo ng puso ko, nakaramdam ako ng matinding galit sa kanya dahil sa nangyari kay Mela. At abot abot ang pagpipigil kong saktan siya sa mga oras na to. Naikuyom ko ang mga kamay ko at huminga ng malalim para pigilin ang galit ko, pagkatapos ay tumingin ako kay Ms Kath.
"Pakiusap. Tulungan nyo po siya." Halos magmakaawa ko ng sabi.
Agad naman niyang hinawakan si Mela at nakita ko ang paglabas ng asul na liwanag sa mga kamay niya. Mabilis iyong gumapang hanggang sa matakpan niyon ang buong katawan ni Mela.
Kumakabog ang dibdib akong nagpapalit palit ng tingin kay Ms Kath at Carmela. At parang may biglang sumuntok ng malakas sa dibdib ko ng makita kong nagsalubong ang kilay ni Ms Kath.
"Ms Kath?" Nagaalalang tanong ko.
Hindi niya ko pinansin at binalingan sina Simon at Leon. "Puntahan nyo si Mr Mike sa klase niya. Nasa second floor siya. Room 7. Kailangan ko ng tulungong niya. Bilis!" May pagmamadaling utos niya.
Saktong may puting liwanag na lumitaw sa tabi nila. Bumukas ang isang portal at lumabas doon ang isang Nacht student. Nagsara din iyon agad sa likuran niya pagkaapak na pagkaapak ng dalawang paa niya sa silid.
Nakangiti pa siyang tumingin kela Leon pero mabilis din napalis iyon ng makita niya ang itsura nila. Bumaling din siya sa amin at kumunot ang noo niya.
"Anong nangyari?" Tanong pa niya.
Hinawakan ni Simon ang kamay niya at mabilis siyang hinila sa pintong binuksan ni Leon.
"Sa labas namin ipapaliwanag. Bilis." Narinig ko pang sabi ni Simon bago isara ang pinto.
Kabadong tiningnan ko naman si Ms Kath.
"Ms Kath? Ano pong nangyayari.?"
Sandali niyang inilapat ang nagliliwanang na kamay niya sa noo ni Mela bago bumaling sa akin. At parang tumigil ang baga ko ng makita ang paghihirap sa mukha niya.
"Masyadong naapektuhan ni Leon ang utak ni Mela. I suspect internal hemorrhage. Pero kung gaano kalala ay hindi ko pa alam. Kailangan ko ang kakayahan ng ilan pang Healer para maagapan at magawa naming irepair ang damage." Sabi niya.
Parang namanhid ang utak ko sa indikasyon ng sinabi niya at sandali rin akong napatulala lang sa kanya.
Kumilos naman siya para abutin ang kung anong nasa lamesa malapit sa ulunan ni Mela pero wala sa loob na hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.
Kunot noong lumingon siya sa akin.
"H-hindi... hindi naman po siya m-mamamatay hindi ba?" I asked her. At halos wala na kong maramdaman sa pamamanhid ng katawan ko. Hindi lang sa labas kundi sa loob na rin.
Bumakas ang pagaalala sa mga mata niya at hinawakan ang kamay kong may hawak sa kanya. "Gagawin namin ang lahat para iligtas siya." Sa halip na sagot niya.
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Ibig sabihin......
Hinayaan kong dumulas ang pagkakahawak ko sa kanya at nanlalamig na tiningnan si Mela.
Mela....
Biglang bumukas ang pinto at pumasok doon sila Mr Mike kasama ang ila pang Healers. Ganun din ang Head nila na si Mr Cade.
Mabilis silang pumunta sa magkabilang gilid ng kama niya at itinapat ang mga kamay nila sa kanya. Dumagdag ang asul na liwanang na lumabas mula sa mga kamay nila sa liwanag na nanggaling kay Ms Kath kanina. Tumingkad iyon ng tumingkad.
"Tyrone. Mas mabuting lumabas ka muna." Sabi sa akin ni Mr Pierce na dumating din pala kasama nila Mr Mike. Marahil ay nakuha namin ang atensyon nila sa gulong ginawa namin kanina ng pumasok kami sa building.
Hinawakan niya ko sa braso ko at marahang hinila. Pero nanatili lang ako sa kinatatayuan ko ng hindi hinihiwalayan ng tingin si Mela.
"Hindi ko siya pwedeng iwan." I said numbly.
"Tyrone. Hayaan mong ang mga Healers na natin ang tumulong sa kanya. Magtiwala ka." Malumanay na sabi pa niya.
Muli niya kong hinila at mas may pwersa na yun kumpara kanina.
Naisip kong lumaban. Pero agad na sumingit si Neus sa isip ko.
Wala ka ring maitutulong sa iniisip mong yan. Makakagulo ka lang. Importante ang bawat segundo kay Mela. Huminahon ka at ipaubaya siya sa kanila.
Hindi ko man gusto ay unti unting naintindihan ng utak ko ang sinabi ng Spirit ko. Kaya kahit sobrang bigat sa loob ay nagpahatak ako kay Mr Pierce palabas ng silid.
Hindi ko inihiwalay ang tingin ko kay Mela at tinanaw parin siya hanggang sa sumara ang pinto sa pagitan namin. Binitawan naman ako ni Mr Pierce ng makalabas na kami at humarap sa likod ko.
"Kayo muna ang bahala sa kanya. Kailangan kong iulat ito kay Headmaster." sabi niya sa mga estudyanteng nakatayo sa likod ko.
"Yes, Sir." Narinig kong sagot nila.
Namamanhid parin ako at halos balutin na ng lamig ang buong katawan ko. Naramdaman ko ding unti unting kumakawala ang kapangyarihan ko na animo inilalabas ng katawan ko ang lamig na sumakop na sa akin.
Sandali pa kong tiningnan ni Mr Pierce at idinantay niya ang isang kamay niya sa balikat ko.
"Hintayin mo lang sila dito. At huwag kang gagawa ng ikadidistract ng mga Healer natin." Sabi niya bago kami tuluyang iwan.
Ilang minuto rin kaming binalot ng katahimikan pagkatapos. Wala ni isa sa aming apat na nasa Corridor ang gumalaw o nagsalita man lang.
Pero maya maya din ay narinig kong humakbang palapit sa akin ang isa sa kanila at huminto malapit sa likod ko. At ng magsimula siyang magsalita ay biglang bumalik ang galit ko. Para yung apoy na tinunaw ang yelong nakabalot sa akin at inalis ang pamamanhid ng katawan ko.
"I'm sorry, Tyrone. Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na nan--"
Hindi na naituloy ni Leon ang sasabihin niya ng bigla akong pumihit at sinuntok siya.
Bumagsak siya sa lupa at nakita kong nasaktan talaga siya sa ginawa ko.
Good. Kulang pa yan....
Umabante ako para sana lapitan siya pero mabilis na kumilos sila Sai at Simon at pumagitna sa amin.
Humarang sa harap ko si Simon habang pinipigilan ako sa paglapit kay Leon. "Tyrone! Stop it. Hindi niya sinasadya."
"Sinaktan niya si Mela! At ng dahil sa kanya ay nanganganib ang buhay niya!" Sigaw ko habang galit na nakatingin kay Leon.
Tumayo si Leon mula sa kinabagsakan niya at naniningkit ang mga matang tumingin sa akin. Maging si Sai tila hindi nagustuhan ang ginawa kong paninisi sa kaibigan niya.
"Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagsabing gamitin ko ang abilidad ko sa ganong level. Binalaan kita. Pero ang sabi mo ay kaya niyong labanan yun ni Simon. Ikaw din ang nagdala sa amin doon para magsanay. Kaya hindi ko kasalanan kung may iba palang makakapunta sa "Tagong" lugar na sinasabi mo!" May bahid ng galit na sabi niya.
"Tama siya Tyrone. Aksidente ang nangyari. Hindi yun ginusto ni Leon, kaya hindi mo dapat siya sisihin." Dagdag pa ni Sai.
"Tyrone. Huminahon ka." Marahang utos ni Simon.
Sinalubong ko ang mata niya at kahit masakit, alam kong tama sila.
Hindi kasalanan ni Leon. Pero hindi ko maiwasang ibaling ang sisi sa kanya. Lalo na sa kalagayan ni Mela.
Napabuga ako ng hangin at pilit pinakalma ang sarili ko. Marahas na inalis ko rin ang kamay ni Simon at tumalikod sa kanila.
At ng hindi ko paring magawang ibalik sa normal ang paghinga ko at naglakad ako papuntang bintana. Napahawak ako sa pasimano niyon at niyuko ang ulo ko.
Alam kong nanginginig ang katawan ko. Hindi lang dahil sa galit, kundi pati narin sa matinding takot.
Takot para sa kalagayan ni Carmela.
"I'm sorry Tyrone." Hinging paumanhin ni Leon sa ikalawang pagkakataon. Nahimigan ko rin ang sinseridad sa boses niya. At nakatulong yun para mabawasan kahit papaano ang galit ko.
Hinarap ko siya at nakita kong alertong nakatingin sa akin sila Sai at Simon.
Huminga ulit ako ng malalim bago nagsalita. "Sorry din. Hindi kita dapat sinisi. Hindi ko lang magawang makapagisip ng maayos lalo na at...."
Lumapit siya at hinawakan ang balikat ko.
"Naintindihan ko. Ako man ay nagagalit sa sarili ko sa nagawa ko."
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at napaatras hanggang sa mapasandal ako sa may bintana.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano kung..." I trailed off. At naramdaman kong tila may bumara sa lalamunan ko. Maging ang puso at isip ko ayaw tanggapin ang tinatakbo ng utak ko.
"Huwag kang magalala Tyrone. Mahuhusay ang mga Healers natin. Hindi nila pababayaan si Carmela." Pagpapalakas ni Simon sa loob ko.
"Kung gusto mo... pwede akong bumalik sa nakaraan para balaan kayo na nandun siya." mungkahi ni Sai.
"Huwag na." Halos sabay sabay naming sagot sa kanya.
Oo at kaya nyang gawin ang sinabi niya dahil narin sa abilidad niyang maglakbay sa oras. Kaya nyang ibahin ang mga kaganapan sa nakaraan kung gugustuhin niya... pero hindi biro naman ang pwedeng kalabasan niyon.
Oo at magagawa niyang pigilan ang nangyaring to kay Mela. Pero mapaningil ang oras... at sa sandaling baguhin niya ang mga nangyari sa nakaraan, mas matinding kaganapan naman ang mangyayari sa hinaharap.
Pwedeng maligyas si Mela kay Leon pero mas grabe pa ang ibibigay ng oras sa kanya sa hinaharap.
Ngayon nga lang ay halos malagay na sa bingit ng kamatayan ang buhay niya... paano kung mas malalala pa ang nangyari?
Hindi.... hindi ako susugal ng ganun kay Sai. At alam kong katulad din ng naiisip ko nila Simon at Leon.
"Sabagay..... hindi ko rin naman gustong mapalala ang sitwasyon." Sabi naman ni Sai.
Muli akong napatingin sa pinto. Maging silang tatlo natahimik at matiyagang naghintay. Ilang minuto din ang lumipas, at iyon na ata ang pinakamatagal na paghihintay ko.
Bumukas ang pinto at halos sabay sabay kaming napatuwid ng tayo at lumapit doon. Halos salubungin namin si Mr Cade.
"Kamusta po si Mela?" Agad kong tanong sa kanya.
Tumingin sa akin si Mr Cade pero hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Iyon yung ekspresyon na hindi ko gustong makita sa mga mukha ng mga Healers , dahil hindi ko alam kung maganda o hindi ang ibabalita nila.
Napuno ng tensyon ang katawan ko at gahibla nalang ang pagpipigil kong hawiin siya at pumasok sa silid. Mabuti nalang at nagsalita na siya bago ko pa magawa iyon.
"Tyrone, matindi ang natamong pinsala ni Mela. Mabuti nalang at nadala ninyo siya agad dito. Nagawa naming pigilan ang internal bleeding sa buong katawan niya. Pero masyadong kumplikado ang nangyari sa utak niya. Kaya...."
"Kaya?" Hindi makapaghintay na tanong ko.
"Kaya kailangan namin ang kakayahan mo. Ang abilidad mo para pagalingin siya ng husto. Oo at napigil namin at naayos ang ilang damage. Pero panandalian lang ang kakayahan namin. Medyo sensitibo ang utak ng tao lalo na sa ating mga elemental. Nagawa nga naming patigilin ang pagdurugo ng ilang ugat sa utak niya pero hindi namin pwedeng madaliin ang paghihilom niyon. Dahil baka matinding komplikasyon ang kapalit niyon. Sandali lang ang epekto ng kapangyarihan namin sa utak ni Mela. At sa oras na ialis namin ang kapangyarihan namin sa kanya ay nagsisimula nanamang magdugo ang mga ugat doon. Kaya kailangan namin ang kapangyarihan mo. " mahabang paliwanag niya.
Kumunot ang noo ko. At alam kong maging sila Simon ganun din.
"Anong gagawin ko?" Tanong ko.
"Kailangan mong pagyeluhin ng bahagya ang mga ugat ni Mela. To stop the bleeding and support the veins until it repairs itself. May halintulad sa Cryotherapy kung tawagin sa labas ng Academy. Mapreprevent din nito ang pamamaga ng utak which is delekado para sa kanya." Sabi niya.
"Wala pong problema sa akin yun. Basta makatulong sa kanya." Determinadong sabi ko.
Ngumiti si Mr Cade at tumango. "Good. Pero gaya ng sinabi ko, hindi ito panandalian. Kaya kailangan mong ulitin ang gagawin mo every now and then hanggang sa tuluyan siyang gumaling. Naiintindihan mo ba?"
Sandali akong napakurap pero agad din akong tumango sa kanya. "Kahit ano pa po. Gagwin ko." Sabi ko.
Satisfied na tumango siya. Pagkatapos ay pinapasok na kami ng silid. Dumako agad ang mga mata ko kay Mela at sa nagliliwanag paring katawan niya. Agad na bumalik ang sakit sa dibdib ko ganun din ang tila pamamanhid ng katawan ko.
Nasa tabi pa din niya ang ilang Healers kasama si Ms Kath. Lahat sila napatingin sa akin ng makalapit ako sa tabi ng kama niya. Maging si Mr Cade tumayo sa paanan ng kama at tumingin sa akin.
"Itapat mo ang kamay mo sa kanya at ibigay ang kapangyarihan mo. Huwag kang magalala, gagabayan namin ang kapangyarihan mo sa dapat gawin nito." He instructed.
Tumango ako ng hindi hinihiwalayan ng tingin si Mela at dahan dahang itinapat sa kanya ang dalawang kamay ko.
Huminga din ako ng malalim at binuksan ang pinto ng Kapangyarihan sa kaloob-looban ko. Agad kong naramdaman ang link na nakakabit doon at humila ako doon ng kapangyarihan mula sa Elemento ko. Agad na nagliwanag ang katawan ko dahil sa flare na inilalabas niyon. Gaya ko, may ganung liwanag din ang mga Healers sa tabi ko, medyo mapusyaw nga lang ang sa kanila. Tanda na bihasa na sila sa pagkontrol ng kapangyarihan nila.
Muli kong naramdaman ang kakaibang lakas na dumaloy sa akin. Pero imbes na ipunin yun ay mabilis ko iyong pinapunta sa kamay ko. Nakita kong tumindi ang liwanag sa mga kamay ko at humalo iyon sa liwanag na nakabalot kay Mela.
Napahugot pa ko ng hininga ng maramdaman ang kapangyarihan ng mga Healers na kasama ko. Ramdam ko ang lakas nila, at animo laso silang humahaplos sa kapangyarihan ko. Naramdaman kong kumilos sila at ginabayan ang kapangyarihan ko papasok ng katawan ni Mela.
Hindi ko pa nagawang magpagaling noon dahil mas lamang ang pagiging opensiba ng kakayahan ko. Kaya naman ngayon ko lang naranasan ang ganito.
Ramdam ko ang init ng katawan ni Mela at ang tila matigas na pwersa sa loob niya. Na para bang..... bato?
"Isa yan sa katangian ng mga Earth User. Mararamdaman mo yan sa tuwing pagagalingin mo ang isa sa kanila. Huwag mong basta labanan dahil magrereact sila at itataboy ka paalis sa katawan ng mayari sa kanila." Paliwanag ni Mr Cade. "Haplusin mo ang bawat bahagi at humanap ng butas o lugar kung saan ka maaring magpatuloy."
Naramdaman kong kumilos ulit ang kapangyarihan nila at ginabayan ang akin hanggang sa maramdaman ko ang isang parte kung saan tila nawala ang harang.
Dahan dahang pumasok sila dun kasama ng kapangyarihan ko. Pagkatapos ay saka ko naramdaman ang matinding init. Pinaakyat pa nila ang kapangyarihan namin hanggang sa marating ang ulo ni Carmela.
Ramdam ko ang bawat hibla ng kapangyarihan nilang tila naging lubid at humahawak sa mga ugat ni Mela. At ng subukan nilang alisin yun ay mabilis na nagdurugo ang mga ugat niya.
Parang nanghina ako ng maramdaman ang dami ng tila lubid na yun. Kung hindi ko siguro agad nadala si Carmela dito ay malamang na hindi na niya makakaya ang naging pinsala sa kanya.
Muli akong napahugot ng hangin para patatagin ang sarili ko at hinayaan ko silang gabayan ako.
Naramdaman kong ipinaikot nila ang kapangyarihan ko sa ugat ni Mela at unti unti nilang inalis ang lubid ng kapangyarihan doon. Pinagyelo naman ng kapangyarihan ko ang ugat. Sapat lang para panghawakan iyon at takpan ang naging damage.
Inulit nila ang paggabay sa akin. Isang ugat papunta sa isa pang ugat. Hindi ko na namalayan ang oras dahil nakafocus ako sa pagtulong kay Mela. Medyo nagulat pa nga ako ng patigilin na ko ni Mr Cade.
"That's enough Tyrone. Naayos mo na lahat ng nasirang ugat. Makakatulong din ang yelo mo para hindi mamaga ang utak ni Mela. Good job." Sabi niya at tinapik ang balikat ko.
Ginabayan din ng mga kasama kong Healers ang kapangyarihan ko sa paglabas sa katawan ni Mela. At ng isara namin ang mga pinto ng kapangyarihan namin ay agad na nawala ang asul na liwanag na bumabalot sa kanya.
Tila nahahapong umalis ang mga Healers sa tabi namin, at ako, si Ms Kath at Mr Mike ang natira.
Maging si Ms Kath parang na drain sa nangyari. Pero ng tumingin siya sa akin ay tipid siyang ngumiti.
"Don't worry. Magiging ok na siya. Mahusay ang ginawa mo." Sabi pa niya.
Tumango lang ako sa kanya at tiningnan ko muli ang mukha ni Mela, Hindi na nga siya maputla gaya kanina, at parang natutulog na lang siya.
Biglang nanghina ang tuhod ko sa relief narin at pagod. Napaupo pa ko sa gilid ng kama niya.
Mabilis namang lumapit sila Mr Cade sa akin. At maging sila Simon tumakbo palapit.
"Ok ka lang ba Tyrone?" Nagaalalang tanong ni Mr Cade.
Muli akong tumingin kay Mela. Pagkatapos ay kusang hinanap ng kamay ko ang kamay niya. Mahigpit ko iyong hinawakan at naramdaman ko ang pagiinit ng mga mata ko. Ngumiti ako at tumango ng hindi inaalis ang mga mata ko sa kanya.
"Opo. Ok na ko." Sagot ko kay Mr Cade ng hindi siya tinitingnan.
Maayos na ko.... ngayong alam kong maayos na rin siya....
________________________
A.N
Hahaha. Saved!
Salamat sa votes and comments!!!
Shane_Rose