MAAGA akong nagising, hindi pa nga tumutunog ang aking alarm clock nang magising ako. Naipikit ko ang aking mga mata dahil inaantok pa ako pero ang aking isip at katawan ko ay gising na gising na. Napaupo na muna ako ako kama habang napapahikab na nakatingin sa mga kapatid ko na mahimbing na natutulog pa rin hanggang ngayon. Bigla kong naalala ang sinabi ni Mister Ryde kahapon, na need kong umiwas kay Sir Liam pero gumugulo sa isipan ko kung bakit? Bakit need kong umiwas sa kanya? Pero, hindi man lang niya sinabi sa akin ang dahilan basta na lamang niya sinabi na umiwas ako. Malakas akong huminga nang malalim habang iniisip ko iyon. Ni-hindi ko nga alam kung paano ako nakabalik sa pagta-trabaho kahapon, basta na lamang gumalaw ang aking katawan at parang walang naging problema. Tinanong