PAGKAUWI namin sa bahay, nakaalalay pa rin sa akin si Zoe. Siya na mismo ang nagbukas ng pinto ng bahay namin. Binuksan niya ang ilaw sa may Sala s***h kusina namin, magkasama na kasi iyon. “Wala pa mga kapatid mo, Isla?” tanong ni Zoe sa akin. Umiling ako sa kanya. “Baka nasa pwesto sila ni Mama ngayon. Minsan kasi nasa palengke sila nag-i-stay bago umuwi rito, ʼga.” sabi ko sa kanya. Nakita kong tumango siya sa akin. “Ah, magpalit ka na muna ng damit mo, Isla, ha? Mang-i-istorbo na ako rito sa bahay niyo. May gamot ba kayong naka-stock dito, Isla?” Narinig ko ang tanong ni Zoe sa akin. Nagpapalit na ako ng aking uniform, ramdam ko na rin kasi ang pawis sa likod ko. “M-mayro'n, Zoe, nasa lalagyan ng tinapay. Iyong nakapatong sa may lalagyanan ng mga plato.” Malakas na sabi ko sa ka