MALUNGKOT na umuwi ako sa bahay namin. Buong araw ay hindi ko nakita si Mister Ryde, maging sila Sir Miller ay hindi ko nakita man lang. Ni-hindi nga rin sila pumunta sa Cafe namin. Kaya hindi ko na naman naibalik ang kanyang panyo, ilang araw na ito na sa akin. Kaya napanglumbaba ako rito sa may bintana ng bahay namin. Nag-iisip ako kung ano pa ang gagawin ko para lamang maisoli itong panyo niya. Hindi ko naisuli kanina. At, mabigyan ulit siya ng pick-up lines. Bakit kasi ang ilap niya ngayong araw? Buti pa kahapon twice siyang pumunta sa Cafe. Kung pumasok ba ako kahapon ganoʼn din ba ang mangyayari? Twice rin ba siyang pupunta sa Cafe namin? “Ah!” Napabuga na lamang ako dahil nagra-rumble na sa utak ko ang mga iniisip ko ngayon. Sana nga lang ay makita ko na si Mister Ryde bukas, p