HINDI tuloy nawala sa isipan ko ang sinabi nila Mia sa akin, iyong pagiging close namin ni Sir Liam. Ako na ang nagbaba ng mga chairs sa table rito sa labas ng Cafe namin, ako na ang nag-presinta dahil hindi pa naman mainit. “Isla, need help? About sa umbrella?” Nagulat ako nang magsalita si Kuya Jasper kaya tumango ako sa kanya. “Thank you po,” saad ko. Hinayaan na siya ang maglagay ng payong sa dalawang table na natapos ko na. Hindi ko rin kasi kaya dahil ang bigat ng payong, ano. Hindi naman common na payong ang ginagamit namin. Iyong pang-beach umbrella talaga para kahit humangi ay hindi tatangayin. Nang matapos na kaming mag-ayos sa labas ay binaliktad na ni Kuya Jasper ang sign board namin, ginawa na niya iyon na 'open'. Wala pang ilang minuto na nagbubukas kami ay tumunog na a