NAKAAWANG ang aking bibig nang makita kong katabi ko sa iisang kama si Mister Ryde. Pareho kaming walang saplot ni-isa man lang. Napakislot ako nang makitang gumalaw siya kaya tatayo na sana ako nang sumakit ang aking balakang. Hindi iyon panaginip? Napatingin ako sa mukha ni Mister Ryde na nasa aking tabi. Hindi nga panaginip ang nangyari sa amin kanina. Tinignan ko ang aking katawan sa ilalim ng kumot at doon ko nakita ang sarili ko, hubud-hubad pa rin ako. Hudyat na totoo ang nangyari at hindi lamang isang panaginip. Hindi ko ma-proseso sa isipan ko ang nangyari sa amin kanina. Paano kung sabihin niya sa akin, na pagkakamali ang nangyari sa aming dalawa. Anong gagawin ko? Siya ang nakakuha sa akin. Gumalaw ulit si Mister Ryde sa may kama kaya kahit masakit ang aking balakang ay tum