NAPAAGA ulit akong pumasok ngayong araw. Hindi na naman ako pinatulog ni Mister Ryde at sa mga sinabi nila Mia kahapon. Hindi ko na nga hinintay sila ʼga kahapon, kaya paniguradong galit sila sa akin. Magpapaliwanag na lamang ako sa kanila, kunwari nagka-diarrhea ako para hindi sila magalit sa akin. Binuksan ko ang aking locker at pinasok ang aking backpack. Ako pa lamang ang nandito sa locker room kaya umupo na muna ako rito at tinignan ang aking sarili sa mahabang salamin na mayro'n sa locker room namin. Maayos pa naman ang aking make-up na nilagay kaya hindi na muna ako magre-retouch. Napaupo ako rito sa mahabang upuan sa loob at napaisip bigla, pangalawang araw na ngayon pagkatapos ng contest pero hindi ko pa rin nakikita si Sir Liam. Hindi ba talaga siya magpapaliwanag nang dahilan n