Nakaupo si Sam sa kaniyang kama at nanood ng telebisyon. Nagulat siya nang biglang pumasok si Aaron sa kuwarto may dala itong mga pagkain. "Sam, nagdala ako ng food kumain ka na, kumusta ang araw mo? malungkot ka pa rin ba?" tanong ni Aaron kay Sam. "Aaron anong balita sa labas? kumusta si Francis?" tanong ni Sam kay Aaron. Tinititigan ni Aaron si Sam hindi man lang ‘to nagsasalita ayaw niyang sabihin kay Sam ang totoo na sa bahay ni Francis nakatira si Coleen dahil ayaw niyang masasaktan ito. Ayaw niyang madurog na naman ang puso ni Sam. Ngumiti siya kay Sam, at kunwari wala siyang naririnig. Pero ayaw pa rin magpaawat si Sam tumayo ito at sinigawan niya si Aaron. "Aaron akin na ang cellphone mo pahiramin mo ako! kausapin ko si Francis sabihin ko sa kanya ang totoo na may inutusa