Paggising ni Sam, ay mukha ni Aaron ang kaniyang nakita ngumiti sa kaniya si Aaron at hinaplos ang kaniyang mukha. Tumulo ang mga luha ni Sam at humihikbi siya kinapa niya ang kaniyang tiyan nang makita niyang malaki pa ang tiyan niya ay ngumiti siya sa sobrang tuwa, umiiyak siya dahil muntik nang mawala ang anak niya dahil kay Francis. Sobrang sakit sa kaniya na pati ang anak sa kaniyang tiyan ay naapektuhan sa problema nila ni Francis. “Aaron ligtas ang baby ko, ligtas siya maraming salamat Aaron.” Wika ni Sam habang umiiyak. “Sam, magpakatatag ka huwag mo’ng hayaang mawala ang baby mo dahil sa kanilang dalawa, alam kung matapang ka ang isipin mo ngayon na ligtas ang anak mo huwag ka munang masyadong mag-isip para hindi maapektuhan ang baby mo.” Seryosong wika ni Aaron. “Aaron, baka