Pagdating nila sa bahay ay tahimik na bumaba si Sam ng kotse, nagmadali siyang pumasok sa loob at umakyat sa kaniyang kuwarto, sumunod si Francis sa kaniyang umakyat sa taas pero ni-lock niya agad ang pinto, walang choice si Francis kung ‘di pumasok na lang siya sa kaniyang kuwarto. Umupo si Sam sa sahig at nagpatuloy sa pag-iyak habang si Francis naman ay pabalik-balik siya ng lakad, nag-alala siya sa sinabi ni Sam na gusto na rin nito magkaroon ng boyfriend, hindi pa siya handang may lalaking humawak kay Sam, kanina lang habang naghalikan si Sam at si Aaron ay dinudurog na ang kaniyang puso. Hindi niya alam kung paano ipaliwanag ang kaniyang nararamdaman, ayaw niyang siya ang dahilan para magkalabuan ang kanilang mga magulang, hindi niya puwedeng mahalin si Sam dahil ayaw niyang isipin n