“Maraming salamat mommy, daddy.” Saad ni Sam, habang yakap-yakap siya ng kaniyang magulang. Lumapit si Francis sa kanila at yinakap siya ni Sam, ang lungkot ni Francis dahil wala na ang kaniyang pinakamamahal na mommy, niyakap na rin siya ni Veronica at tinapik ni James ang kaniyang likod. “Francis nakikiramay kami, magpakakatatag ka, huwag mong hayaang lamunin ka nang lungkot nandito kami handang tulungan ka para mabulok sa kulungan si Coleen. At isa pa kailangan ka ng asawa’t anak mo kaya kailangang lakasan mo ang loob mo.” Wika ni Veronica. “Salamat mommy, daddy, salamat sa pag-uwi ninyo para makita si mommy, at sa pagsama ninyo sa kalungkutan namin ni Sam. “Francis si Coleen ano’ng balita sa kaniya?” Tanong ni’Sam. “Inaasikaso ni Atty. ang case niya Sam At malakas ang ebidensy