“Francis, bakit ka ba ganiyan makatingin? Bakit dito sila mag-breakfast?” nagtatakang tanong ni Sam. “Sam? Hindi ka nagugutom ‘di ba? Huwag ka nang bumaba t’saka na lang pag umalis na sila sabihin ko na lang na meron kang ginagawang importante.” Seryosong wika ni Francis. “Francis ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Bakit ka ba nagkaganiyan ? nagseselos ka ba kay Aaron?” tanong ni Sam. “Hindi ako nagseselos! Ayoko lang sa kaniya para sa ‘yo. Maraming lalaki Sam huwag lang siya okay?” singhal ni Francis. “ Francis bahala ka na diyan! Gutom na ako kung ayaw mong kumain matulog ka ulit! Basta kakain ako!” Singhal ni Sam kay Francis. Umupo si Sam sa tabi ni Aaron nakangiti naman ang binata nang tumabi si Sam sa kaniya. “Sam, I’m sorry niyaya kasi kami ni tita eh kaya hindi na kami tumanggi s