Umuwi si Coleen, sa bahay ni Aaron, humihingi ito ng tulong na makuha niya si Francis at hindi na ito mawawala pa sa kaniya habang buhay. Tumawa si Aaron dahil imposibleng mangyayari ang gusto ni Coleen. “Aaron, tinatawanan mo ba ako? hindi mo ba nakikita kung ano ang situwasyon ko ngayon? nawawala na sa akin ang lahat Aaron! kailangan ko ng pera maraming pera! gusto kong kunin si Francis kay Sam! at alam kong mangyayari ang gusto kong angkinin si Francis habangbuhay!” Seryosong wika ni Coleen. “Ikaw Coleen, wala ka na bang alam kung ‘di si Francis, maraming lalaki diyan bitawan mo na siya kahit kailan ‘di ka magwawagi tingnan mo naman kahit meron siyang amnesia si Sam pa rin ang gusto niya! hindi niya kayang mawala si Sam sa buhay niya Coleen! kung ako sa ‘yo tumigil ka na!” Singh