Nagulat sina Sam at Francis na may kumatok sa pinto, nagmamadaling nagbibihis sina Francis at Sam. “Sam baka si manang buksan mo na, sanay naman siya na lagi akong nakatambay sa kuwarto mo ‘di ba?” Inayos ni Sam ang kaniyang sarili at tumayo na siya para buksan niya ang pinto. “Sam, nandito sina Coleen at Aaron nasa sala ang dalawa bumaba muna kayo ni Francis gagawa lang ako ng snacks nila.” Wika ni Manang at bumaba na siya. “Francis nasa baba sina Aaron at Coleen! Galit na saad ni Sam humiga siya ulit at nagtalukbong ng kumot lumapit si Francis sa kaniya. “Sam, huwag ka nang bumaba ayokong makita ka ni Aaron. Akin ka lang alam mo naman na nagseselos ako sa kaniya ‘di ba?” Seryosong wika ni Francis. “Tapos ikaw makita ka ni Coleen? mas nagseselos ako kay Coleen Francis, buman