Chapter 23:SABRINA STOOD UP FOR HUNTER AGAINST HIS FAMILY.

2176 Words
Kinabukasan, nagising si Sabrina na nakahiga sa kama. Mabilis niyang kinusot ang kanyang mga mata at bumangon, ngunit kailangan niyang humiga muli dahil sa sakit ng kanyang ulo. Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto; nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong wala siya sa sarili niyang kama. Mabilis siyang tumingin sa gilid niya nang maramdaman na parang may humahaplos sa kanyang hita. "Oh! s**t, Sabrina..." bulong niya sa sarili, napakunot-noo nang makita si Hunter na nakahiga sa tabi niya na hubo't-hubad. May nangyari ba sa pagitan namin ni Hunter kagabi? Kasalanan ito lahat ng matandang iyon. Kung hindi niya kami ikinukulong sa kwartong ito, hindi ito mangyayari ngayon," pagmumura niya, saka mabilis na bumangon at pinulot ang mga nagkalat niyang damit sa sahig. Dali-dali niyang isinuot ang mga iyon at naghanda nang lumabas ng kwarto. "Sweetheart, where are you going?" unang sambit ni Hunter, dahilan upang mapahinto siya at nilingon iyon. "What did you say, sweetheart? Hmmm, you're daydreaming, Hunter. Baka nagugutom ka lang. Mabuti pang kukuha ako ng pagkain mo para makakain ka na," inis na sabi ni Sabrina. "Halika nga dito," sabi ni Hunter sa mahinang boses, kasabay ng pagbibigay ng senyales ng kamay na lalapitan siya. Agad namang iyon sinunod ni Sabrina. Naglakad siyang palapit sa kinauupuan nito at tuluyan nang nasa harapan na siya ni Hunter; bigla na lang siyang hinila paupo sa kandungan niya. "Don't move," mariing sabi niya. Bigla namang hindi nakagalaw si Sabrina; para siyang estatwa na nakaupo sa kandungan nito nang marinig iyon na may bakas ng galit sa kanyang boses. "Good girl," aniya sa malambing na boses, saka siya hinalikan sa pisngi. "Change your clothes now; may importante tayong lalakarin," tugon ni Hunter. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Sabrina. "Sa bahay ng mga magulang mo. Oras na para harapin ko sila, at simula ngayon, pwede mo na silang puntahan kahit anong oras na gusto mo, pero huwag kang masyadong gumala, Sabrina. Naiintindihan mo ba?" "Talaga? Hindi ka nagbibiro? You're allowing me to visit my mom when I want?" pabalik na sabi ni Sabrina, saka marahang hinaplos-haplos ang mukha ni Hunter sa hindi makapaniwalang sinabi nito. Agad niyang niyakap si Hunter ng mahigpit. "Thank you! Alam mo ba kung gaano ako kasaya ngayon?" aniya sa malambing na boses. Agad hinaplos ni Hunter ang buhok niya paibaba habang nakayakap ito sa kanyang katawan. Hmmm, ano pang hinihintay mo? Huwag mong sabihing yayakapin mo na lang ako buong araw. Baka mamaya magbago pa ang isip ko at hindi ka na makakaalis," bulong ni Hunter. Mabilis na tumayo si Sabrina saka nagmamadaling umalis sa harapan niya at dumiretso sa kanyang kwarto. Pagkapasok niya, agad siyang naghubad ng damit at nagtungo sa banyo para maligo. Habang binabasa niya ang sarili sa tubig, saglit siyang napatigil nang mapansin niya ang singsing sa kanyang pangalawang daliri at tiningnan ito ng mabuti. "Why do I have this? I didn't expect that guy to have a sweet side as well. I thought he was heartless and ruthless, but I was wrong," bulong niya sa sarili na may lihim na ngiti. Pagkatapos niyang maligo, kinuha niya ang nakatuping tuwalya sa maliit na cabinet at ibinalot sa katawan niya bago lumabas ng banyo at pumunta sa malaking cabinet para kunin ang isusuot niyang damit. “Excited na akong makita sina Mama at Ate," nakangiting sabi niya sa sarili. “Pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili, ay agad siyang lumabas ng kwarto. Habang nagmamadaling naglalakad sa pasilyo ng mansyon, ay nakasalubong niya si Manang Kabing na may malawak na ngiti sa labi. "Good morning, Manang," masayang bati niya. "Good morning din sa'yo, Brina. Mukhang masaya ka ngayon. Anong okasyon?" tanong ni Manang Kabing. "Wala naman po, Manang. Natutuwa lang po ako dahil pinayagan ako ni Hunter na bisitahin si Mama sa bahay. Alam mo bang hindi pa rin po ako makapaniwala ngayon," sagot ni Sabrina na hindi napigilan ang saya. "See, I told you, mabait si Hunter. Don't miss this opportunity, Brina. Hunter loves you, that's why he's doing everything for you. Oh, sige na, pumunta ka na sa dining table at kumain ng agahan. Hunter and Mr. K are waiting for you," sabi ni Manang Kabing. Agad niyang sinunod ang utos ni Manang Kabing; pumunta siya sa dining table at umupo sa isang bakanteng upuan. "Good morning po, Dad," masiglang bati ni Sabrina kay Mr. K. Agad namang ginantihan ni Mr. K ang pagbati na iyon. "May apo na ba ako ngayon?" tanong ni Mr. K. Napahinto si Sabrina sa gitna ng paghahain ng kanin nang marinig ang tanong nito. "Po, a-apo, Dad?" nauutal niyang sabi, kasabay ng napalunok ng magkasunod. Sinulyapan niya si Hunter na nakaupo sa tabi niya, habang may nakatagong ngiti sa labi. Kaagad niyang hinawakan ang laylayan ng suit habang hinihila iyon. Mas lalong lumawak ang mga ngiti ni Hunter nang maramdaman ang kamay ni Sabrina na patuloy na hinihila ang laylayan ng suit niya. Hunter cleared his throat before responding, "Huwag mong madaliin ang lahat, Dad. Mangyayari ito sa takdang panahon. Huwag kang mag-alala, ibibigay ko ang gusto mo, kahit isang dosenang apo pa ang kailangan mo." Sandaling pumikit ang mga mata ni Sabrina nang marinig ang sagot ni Hunter, ngunit mabilis niyang ibinalik ang tingin kay Mr. K nang tumawa ito ng maikli. "Talagang pinagkaisahan ako ng mag-amang ito," bulong niya sa sarili. Pagkatapos kumain sa hapag-kainan, naglakad si Sabrina, tinutulak ang wheelchair ni Hunter palabas ng mansyon. Gayunpaman, tumigil siya sa kanyang paglalakad at sinundan ng mga mata ang mga tauhan ni Hunter, na may dalang iba't ibang gamit. Para saan ba ito? "Hunter, bakit ang dami! Wala namang party sa bahay para magdala ng napakaraming bagay," sabi ni Sabrina. "That's a gift para sa kanila." "A gift? Teka lang, napakarami namang regalo 'yan, Hunter! Hindi na natin kailangan magdala ng ganyan. Maliit lang na regalo ay masaya na sila basta't galing talaga sa puso ang pagbibigay." "Let's go," tugon ni Hunter upang matigil ang pagsasalita ni Sabrina. Agad niya itong inalalayan na tumayo at pumasok sa sasakyan, Habang nasa daan sila, hindi mapigilan ni Sabrina ang mapangiti ng sobra sa sobrang saya na nararamdaman. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ito; uuwi ako sa bahay kasama si Hunter. Gayunpaman, agad siyang nabalik sa realidad nang hawakan ni Hunter ang kamay niya at marahan itong pinisil. Makalipas ang ilang oras na paglalakbay, sa wakas ay nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon. Mabilis na bumaba si Sabrina at tinulungan si Hunter na bumaba ng sasakyan at sumakay sa kanyang wheelchair. Huminga ng malalim si Hunter bago naglakad patungo sa loob ng bahay. Agad naman silang sinalubong ng kanyang mga tauhan. "How's everything here?" diretsong tanong ni Hunter. "Everything is fine, boss," sagot ng isa sa kanila. Muling nagpatuloy sa paglalakad sina Hunter at Sabrina papasok ng bahay. Pagpasok, agad bumagsak ang mga mata ni Sabrina sa kanyang inang si Carla na nakaupo sa malaking sofa, kausap ang kanyang kapatid na si Elisa. "Sab," diretsong sabi ni Elisa at mabilis na tumayo para lapitan siya, pero napatigil siya nang makita si Hunter na nakaupo sa wheelchair. "Sabrina, anong ibig sabihin nito? Bakit mo kasama ang lalaking ito? Nakalimutan mo na ba na siya ang pumatay kay Daddy?" diritsong sabi ni Elisa. "Ate, can you please let me sit down first? Hunter is innocent. I know you may not believe me, pero gusto kong malaman ang katotohanan kung ano ba talaga ang nangyari sa araw na 'yon. At isa pa, wala tayong matibay na ebidensya laban sa kanya." "Sabrina, ano bang pinakain ng lalaking iyon sa'yo? Bakit pinagtatanggol mo siya? Hindi mo ba nakikita, simula nang namatay si Daddy, nag-iba si Mommy? Laging umiiyak at muntik na niyang pagtangkahan ang buhay niya. Hindi ba sinabi sa'yo ng magaling mong mapapangasawa, ha, Sabrina?" "What?" sagot ni Sabrina habang nakatingin kay Hunter. "I apologize; I didn't intend to cause his death," sagot ni Hunter sa mahinang boses. "Huwag mong sisihin si Sabrina; wala siyang alam sa lahat." "I am here to seek your blessing. I will marry Sabrina." "Hindi ka pakakasalan ng kapatid ko, Hunter Kiers. Nabayaran na namin ang utang namin sa iyo." Agad na ikinuyom ni Hunter ang kanyang mga kamao at nagpakawala ng hininga nang marinig ang mga sinabi ni Elisa. "I'll marry him, Ate," diritso na tugon ni Sabrina. "What? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Sabrina? Ulitin mo ang mga salita mo. Sa kabila ng alam mong siya ang pumatay sa ating ama, gusto mo pa rin siyang pakasalan? Ilang buhay pa ba ang kailangang isakripisyo para tumigil sa kahibangan mo na 'yan?" "Ate, let me explain to you. Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon niya ngayon? He needs me, kailangan niya ako. Ate, kung hindi dahil kay Hunter, siguro ngayon ay inuud na ang katawan ko sa lupa. "Anong ibig mong sabihin, Sab?" Hunter saved me from danger. Nang dahil sa akin, he is blind and paralyzed now. Ate, please bigyan niyo siya ng pagkakataon na makilala. Hindi siya katulad ng inaakala natin. Yes, nagkamali ako sa pag-intindi noon sa kanya, sa akala ko he is a monster, heartless, and ruthless. But he is only doing this to protect himself from bad people. Ate, Ma, ani ni Sabrina na handang lumuhod sa harapan nila, ngunit pinigilan siya ni Elisa. Hinawakan niya ang isang kamay nito bago pa man bumagsak ang kanyang mga tuhod sa sahig. "Hindi mo kailangan gawin ang bagay na 'yan, Sab, dahil lang sa lalaking iyon. Kapatid kita at naniniwala ako sa'yo. I'm sorry, hindi ko alam ang mga nangyayari sa'yo," sabi ni Elisa. "Ma, can you forgive me?" "Come here," sabi ni Carla, sinenyasan si Sabrina na lumapit at umupo sa tabi niya. Sumunod naman agad si Sabrina, umupo sa tabi ni Carla at niyakap siya ng mahigpit. "Naiintindihan kita, huwag kang umiyak, okay? Sorry kung naging mahina ako," sabi niya. "Mom," sabi ni Sabrina na may luhang umaagos sa kanyang mga mata. "Sigurado ka ba talagang sa desisyon mo na gusto mo siyang pakasalan, Anak? O pinipilit ka lang niya? Handa kami ng kapatid mo na magsakripisyo na hindi maituloy ang kasal mo sa kanya." "Mom, mabait si Hunter. He treats me well. I know it's not easy to believe; even I was surprised. I love him, Mom." Nagpanting ang tenga ni Hunter nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Sabrina. "Okay, wala na akong magagawa, anak. Kung yan ang desisyon mo, nirerespeto ko," sabi ni Carla sa mahinang boses. “Salamat, Mom,” sagot ni Sabrina na mas hinigpitan pa ang yakap kay Carla. "Mom, bakit mo naman nasabi 'yon? Hahayaan na lang ba natin na makasal si Sabrina sa demonyong iyon? Hindi ako papayag, Mom. Sabrina, magsabi ka ng totoo, tinatakot ka lang niya, di ba? Ayoko maging miserable ang buhay mo dahil sa kanya." "Ate, hindi ganoon si Hunter. He is a kind person. Please, pumayag ka na na maikasal ako sa kanya," sabi ni Sabrina kasabay ng paghawak sa dalawang kamay nito at lumuhod sa kanyang harapan na nagmamakaawa sa kanyang kapatid. "Bumuntong-hininga si Elisa at tiningnan ng diretso ang kapatid na nakaluhod sa harapan niya." "Sana hindi ka magsisi sa desisyon mo, Sabrina. I am just your sister. If you choose to marry him, forget about us as your family. You chose that man over us," sabi ni Elisa bago umupo. "Hunter, kailan kayo magpakasal ni Sabrina? Sana alagaan at protektahan mo siya. Ipinagkatiwala ko sa iyo ang anak ko," walang pag-aalinlangan na sabi ni Carla. Nanlaki ang mga mata ni Elisa sa pagkagulat nang marinig ang sinabi ng kanyang ina. "Sa susunod na mga araw. Salamat sa pagpayag na magpakasal kami, Sabrina. Rest assured, I will take good care of her and protect her," sagot ni Hunter. Nagpanting ang tenga ni Sabrina nang marinig ang sagot na iyon. "Huh, sa mga susunod na araw na. Bakit ang bilis? Hindi pa ako nakakapaghanda, Hunter. At saka ngayon..." "Kami na ang bahala sa lahat," diretsong sagot ni Hunter na pinutol ang sasabihin ni Sabrina. "Matapos ang pakikipag-usap kina Carla at Elisa, agad silang nagpaalam. Habang naglalakad sila sa hallway ng bahay, sina Sabrina, na tinutulak ang wheelchair na sinasakyan ni Hunter, biglang inihinto ang paglalakad at nagsalita. "Instruct your men to keep an eye on them," utos niya sa mga tao niya na nagbabantay sa pamilya ni Sabrina. "Hunter, hindi mo na kailangan gawin 'to. Please let your men go to watch over my family," pakiusap ni Sabrina sa kanya. Bumuntong-hininga si Hunter bago sinabing, "Fine, if that's what you want. Sabihin mo sa mga kasama mo na bumalik na sila sa mansion," utos niya sa mga tauhan niya na agad namang sumunod. "Hmm, tama ba 'yong narinig ko kanina, Mahal mo ako, Brina? May nararamdaman ka ba sa akin?" tanong ni Hunter. Agad na sinalubong ni Sabrina ang kanyang tingin, umupo sa harapan niya, at tumugon. "Sinabi ko lang 'yon para putulin ang usapan," bulong ni Sabrina sa kanya. Are you sure? Na wala ka talagang nararamdaman sa akin? Hmmmm, aniya sa malambing na boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD