"Habang nasa kalsada sila, napatanaw si Sabrina sa bintana ng sasakyan sa malalaking gusaling nadadaanan nila.
"Sweetheart, what's your plan for today? Gusto mo bang pumunta sa mall para mamili?" tanong ni Hunter sa matamis na boses. Agad na napalingon sa kanya si Sabrina nang marinig iyon.
"Okay lang ba sa'yo kung mamili ako?" nahihiyang sagot niya.
"Of course, sweetheart, I will go with you," sagot ni Hunter.
"Aless, dumiretso tayo sa mall," bilin ni Hunter kay Alessandro. At agad namang sinunod ni Alessandro ang utos niya.
Pagdating sa mall, mabilis silang bumaba ng sasakyan at pumasok sa mall.
"Magandang araw po, sir, ma'am," pagbati ng guwardiya na nakatalaga sa gate. Agad namang iyon ginantihan ni Sabrina na may ngiti sa labi.
Habang naglalakad sila sa hallway ng mall, nagbulungan ang mga tauhan ni Hunter.
"Matagal na akong nagtatrabaho kay boss, pero ngayon ko lang nakita si boss na pumasok sa mall. Malaki na talaga ang pinagbago ni boss simula nang dumating si Ms. Brina."
"Tama ka, bro. Sana ganito palagi si boss, pero alam mo, masaya ako para sa kanya." Gayunpaman, nagambala sila nang tapikin sila ni Alessandro.
Huminto sila sa isang dress store at pumasok sa loob para pumili ng mga damit.
"Sweetheart, you can buy whatever you want," sabi ni Hunter. Ngumiti lang si Sabrina bilang tugon at nagpatuloy sa paglalakad sa paligid ng store. Huminto si Hunter sa isang sulok at sinabing, "I'm waiting for you here, Sweetheart." Tumango si Sabrina bilang pagsang-ayon at iniwan siyang nakaupo doon.
"Take care of her," bilin nito sa mga tauhan niya na samahan si Sabrina sa paglilibot sa buong dress store. Habang hinihintay ni Hunter si Sabrina, kumunot ang noo niya nang mapansin ang pamilyar na pabango.
"Hello, Mr. Kiers, how are you? Long time no see! I didn't expect to see you here today. Can I invite you for a coffee?" malandi na sabi ni Amanda.
"I'm not available today," tanggi ni Hunter.
"Oh, even though I have something important to tell you, you really don't want to miss this information, hmm? Sabihin na nating alam ko kung sino ang umatake sa'yo sa loob ng sarili mong mansyon."
Uminit ang panga ni Hunter sa narinig.
"Oh! Really? You're working hard to catch me up, Ms. Trillion," sabi ni Hunter sa malamig na boses.
I don't mean that; I just want to have coffee with you. Wala namang masama, diba, Mr. Kiers?" Bumuntong-hininga si Hunter bago nagbigay ng senyas kay Alessandro.
"Take care of Brina and make sure she's safe. Sasama ako sa kanya," sabi ni Hunter sa mahinang boses.
"Pero, boss..."
"Alam ko ang ginagawa ko," diretsong sabi ni Hunter. Agad na tinulak ni Amanda ang sinasakyan nitong wheelchair patungo sa unang palapag ng mall dahil nasa ikatlong palapag ang dress store na pinasukan nila ni Sabrina.
Pagdating sa unang palapag ng mall, mabilis silang pumasok sa coffee shop at umorder ng kape.
"Ngayon, nandito na tayo. Anong impormasyon ang sinasabi mo? Sabihin mo sa akin.
"Come on, Hunter, kararating lang natin dito, at mukhang may balak ka nang umalis. Hindi pa nga tayo nagsisimulang uminom ng kape," she said in a seductive voice. Napalunok ng magkasunod si Hunter nang gumapang ang kamay nito sa paa patungo sa kandungan niya.
"Tumigil ka," mariing sabi ni Hunter. Ngumiti lang ang babae na parang hindi narinig at pinagpatuloy ang paghaplos sa binti nito bago nagsalita.
"Alam mo bang simula nang iligtas mo ako sa Yum-yum Island, ikaw na ang nasa isip ko? Alam mo bang ikaw ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko? Nakakahiya mang sabihin, but yes, I'm falling in love with you now."
"Gusto mo bang magkape para sabihin sa akin 'yan? I don't like you, hindi ikaw ang babaeng gusto kong makasama, kahit isang gabi. wala kang kwenta sa akin, at hindi kita niligtas noong mga araw na 'yon; nagkataon lang na nandoon ako."
"I don't want anyone to control me. Kung wala kang sasabihin sa akin na mahalagang bagay, it's better if we do not meet again, Ms. Trillion.
Agad na nangunot ang noo ni Amanda nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Hunter, ngunit hindi niya pinansin ang masakit na salita ni Hunter at patuloy pa rin itong naglalandi sa kanya.
You're like a slut kung kumapit. Now, tell me, anong importanteng impormasyon ang sasabihin mo sa akin?
"Hunter naman, naglalambing lang naman ako sa'yo. Gusto lang kitang makasama kahit saglit lang,"
"Ms. Trillion. Naglulukuhan ba tayo dito?"
"No! Talagang may sasabihin ako sa'yo. Kung gusto mong makilala kung sino ang mga kalaban mo, then you need me. Sa ayaw at gusto mo, lalapit ka sa akin. Ako lang naman ang may alam kung sino ang nasa likod ng mga pangyayari sa loob ng iyong mansion." Agad napahinto si Hunter na sana ay tatalikod na ito at naghandang umalis.
Tumayo si Amanda sa kinauupuan niya at lumapit kay Hunter, inabot ang pulang invitation card. Pero nagulat siya nang makitang inaabot ng kamay ni Hunter ang invitation card mula sa ibang direksyon.
"You're blind?" tanong ni Amanda. Hindi siya pinansin ni Hunter at lumakad palayo, gamit ang kanyang pandinig para i-navigate ang kanyang wheelchair. Pero napatigil siya nang maramdamang may sumusunod sa kanya.
"What else do you want? Tell me," aniya na may galit na boses.
"Wow, it's incredible, Mr. Kiers. Even though you can't see or walk, your sense of smell is still strong. Huwag kang mag-alala, sinusundan kita dahil nag-aalala ako; baka mamaya kung saan ka pa mapunta," tugon ni Amanda at agad na umupo sa harapan ni Hunter at hinalikan ito kaagad sa pisngi.
"Anong ginagawa mo?" sabi ni Hunter na may bahid ng galit at nakataas ang mga kilay.
"Bakit ang bilis mong magalit? Isang halik lang, nag-aapoy ka na agad, samantala you pay a lot of women to sleep with them. Pero parang nagbago ka na, Mr. Kiers, dahil ba kay Ms. De la Peña?" Lalong kumunot ang noo ni Hunter nang maramdaman ang mabilis na paggapang ng mga kamay nito sa kanyang mga braso, ngunit bigla itong natigil nang biglang hilahin ni Sabrina ang wheelchair na kanyang inuupuan.
Nanlaki ang mga mata ni Amanda nang makitang nakaharap sa kanila si Sabrina na nakakunot ang noo sa galit.
"What are you trying to do? Ms. Trillion, are you attempting to entice my fiancé? Kahit sa publiko at mataas pa ang sikat ng araw, kumakaringking ka na. Don't try flirting with him, kung ayaw mong sirain ko ang maganda mong mukha," sabi ni Sabrina at agad na tumalikod.
"Ms. De la Peña, I just want to remind you, hindi mo siya kilala. It's better na alamin mo kung ano ang tinatagong lihim niya."
Agad namang lumingon sa kanya si Sabrina at ngumiti. "You don't need to remind me of his true colors and hidden truths. As far as I'm concerned, para kang isda, amoy sa loob ng mall na ito."
"What did you say?"
"Hindi ka naman bingi, diba?" sagot ni Sabrina bago tumalikod at dire-diretsong naglakad sa hallway ng mall.
"Habang nasa daan sila, binasag ni Sabrina ang mahabang katahimikan.
"Nakita mo na kung ano ang mangyayari, huh, Hunter? Hinayaan mong hawakan ka at landiin ng babaeng iyon. Hindi pa ba ako sapat sa'yo? Kulang pa ba?" sunod-sunod na tanong ni Sabrina na may bahid ng galit sa boses niya.
Sandaling tumawa si Hunter nang marinig iyon. "Are you jealous of her? Akala ko ba wala kang nararamdaman para sa akin? Hmmm, don't say you're starting to fall in love with me. Don't worry, hindi kita ipagpapalit sa kanila dahil ikaw ay espesyal."
"Especial? May especial ka pang nalalaman? Hindi ako nagseselos sa babaeng iyon, Hunter. Paano kung may mangyaring masama sa iyo? Hindi mo ba naisip, sa estado mo ngayon, kung paano mo ipagtatanggol ang sarili mo laban sa kanila? Hunter naman, eh,
"Okay, I was wrong. Please don't be mad at me. Hindi na mauulit ang nangyari kanina," sabi ni Hunter at saka marahang hinawakan ang kamay niya at hinaplos ito.
I'm sorry, Sweetheart, kung pinag-alala kita. Hmm, huwag kang magalit sa akin. Natahimik agad si Sabrina nang marinig iyon mula kay Hunter.
Hindi mo man sabihin ang tunay mong nararamdaman, alam kong may nararamdaman ka para sa akin, Brina, at masaya ako dahil sa wakas ay may puwang na rin ako sa puso mo. I will never let you go, Sabrina. You standing with me sa harap ng pamilya mo at ngayon sa harap ni Amanda, alam mo ba kung gaano ako kasaya ngayon? Ikaw ang unang babaeng gumawa ng ganyan sa akin. Pero paano kung malaman niya ang totoo sa mga ilegal na aktibidad na ginagawa ko? Napaisip siya habang hawak ng mahigpit ang mga kamay ni Sabrina.
Ilang sandali ang lumipas, at sa wakas ay nakarating na sila sa mansyon. Agad silang bumaba ng sasakyan at naglakad patungo sa entrance ng bahay. Habang naglalakad sila sa hallway ng mansion.
"Sweetheart, simula bukas, prepare yourself for a major training. Tuturuan kita kung paano protektahan ang sarili mo, pero bago iyon, may ipapakita ako sa iyo," sabi ni Hunter at saka naglakad patungo sa maluwang na hardin.
"Pagkarating, agad na inilibot ni Sabrina ang kanyang mga mata sa buong paligid. Walang tao dito maliban sa amin. Ano na naman kayang pakana ito ni Hunter?" bulong niya sa sarili. Ngunit nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita ang napakaraming puting lobo na lumilipad sa hangin. Kasunod naman iyon ang pagpaputok ng fireworks na iba't ibang mga kulay. Sabrina smiled as she watched the fireworks in the sky.
"Wow, it's amazing," sabi niya, pero mas nagulat siya nang biglang inabot sa kanya ni Hunter ang isang itim na kahon at binuksan iyon sa harap niya. "Brilyante na singsing!" Lalong nanlaki ang mga mata niya sa hindi makapaniwalang sinabi ni Hunter.
"Sabrina De la Peña, will you be my wife?" aniya habang nakatuon sa ibang direksyon ang kahon na hinahawakan niya. Pakiramdam ni Sabrina ay bumilis ang t***k ng puso niya. Totoo ba ito? He proposed to me now. Hindi ba ito nagbibiro?
"Brina, hindi mo ba nagustuhan?" sabi ni Hunter sa mahinang boses.
"No! I-I mean, yes, I accept your proposal," nanginginig na wika ni Sabrina. Mabilis na isinuot ni Hunter ang kumikinang na singsing sa kanyang ikaapat na daliri at marahan itong hinalikan.
Agad na inilipat ni Sabrina ang kanyang tingin nang marinig ang malakas na palakpakan sa kanilang paligid, na may malawak na ngiti habang pinapanood sila ni Hunter.
"Matapos ang mga kaganapan sa Garden, ay agad silang nagtungo sa swimming pool. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Sabrina nang makita ang isang maliit na mesa na may dalawang upuan na napapalibutan ng mga petals na bulaklak at maliliit na kandila."
"Hindi ko inaasahan na magiging ganito ka-sweet si Hunter. Naluluha siya at nagpupunas sa gilid ng kanyang mga mata dahil sa sobrang saya na nararamdaman.
'This is my first date ever,' bulong ni Hunter nang makarating sila sa table. Nagsimulang tumugtog ang musika, ang violin at piano, kasama ang lyrics ng 'Forevermore.'
Hindi napigilan ni Sabrina ang excitement.
"Nanaginip ba ako?" bulong niya sa sarili at mabilis na kinurot ang mukha niya. Agad na hinila ni Hunter ang isang upuan para sa kanya. Habang sabay silang kumakain, hindi maalis ni Sabrina ang ngiti sa kanyang labi.
"Starting today, sa kwarto ko ikaw matutulog," anunsyo ni Hunter, dahilan para mapalunok si Sabrina sa gulat nang marinig iyon.
"Ano? A-anong sabi mo? Sa kwarto mo ako matutulog? P-pero Hunter, hindi pa tayo kasal."
"Halika nga dito," seryosong sabi nito at sinenyasan siyang lumapit. Inilapit agad ni Sabrina ang mukha sa mukha niya, pero bigla niyang napahawak sa noo niya nang pinitik iyon ni Hunter.