Agad silang lumabas ng Kiers mansion kasama si Elisa patungo sa kinaroroonan ng mga magulang ni Elisa. Habang nasa daan, hindi mapakali si Elisa habang pinagmamasdan ang lahat ng nadadaanan nila.
"Hunter, malayo pa ba tayo?" tanong ni Elisa, hindi sigurado kung bakit siya pumayag na sumama sa kanya at hindi rin sigurado kung si Hunter ay nagsasabi sa kanya ng totoo. Napatingin siya kay Hunter na nakaupo sa tabi niya habang nakapikit. Makalipas ang ilang sandali, nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon.
Huminto ang sasakyan sa labas ng isang malaking bahay; medyo malayo ito sa kanilang pinuntahan. Agad namang nagbigay ng busina si Ben upang buksan ang itim na gate. Ilang saglit lang ay bumukas ang malaking gate sa kanilang harapan. Mabilis na napatingin si Elisa sa bintana, nagtataka kung bakit maraming tauhan si Hunter ang nandito.
"Anong binabalak ng lalaking ito sa akin?" tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mga lalaki na may dalang iba't ibang armas. Nakaramdam ng kaba si Elisa at napagtanto na maaaring may masamang intensyon si Hunter sa kanya.
Pagkabukas ng pinto ng sasakyan, dali-dali siyang lumabas at tinungo ang gate para makatakas, ngunit mabilis siyang hinarang ng mga bantay ni Hunter na naka-istasyon sa gate.
"Hunter Kiers, anong balak mo sa akin? Walanghiya ka, niloloko mo ako! Anong ibig sabihin nito? Sinungaling ka," galit na sabi ni Elisa.
"Calm down, Ms. De la Peña. I'm not deceiving you. Follow me," sabi ni Hunter, saka tumalikod at mabilis na naglakad patungo sa loob ng bahay. Pagpasok nila,
"Mr. Kiers, I'm glad you're here," sabi ng doktor.
"Kamusta na siya, Doc?" tanong ni Hunter.
"Medyo bumubuti na ang kondisyon niya, Mr. Kiers. She needs care to facilitate her recovery," sagot ng doktor.
Agad na sumilip si Hunter sa pinto at tinignan ang babaeng mahimbing na natutulog sa kama. Mabilis namang sumilip si Elisa para tingnan kung sino ang nasa loob ng kwarto.
"Ma," mahinang sabi ni Elisa at mabilis na lumapit sa kama, niyakap ito ng mahigpit.
"Hunter, anong nangyari kay Mama? Bakit hindi siya gumagalaw? Anong ginawa mo sa kanya?" Mabilis na tanong ni Elisa na bumaling kay Hunter.
"Natagpuan namin siya sa gilid ng kalsada, duguan at walang malay noong mga panahong iyon. I decided to hide her here for her safety."
"Bakit? Bakit hindi mo sinabi sa akin na buhay si Mama? Bakit mo ako hinayaang gawin sa iyo iyon? Paano kung napatay kita?"
"Ms. de la Peña, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Katulad mo, naramdaman ko rin iyon noong pumanaw ang aking ina. Hindi kita sinisisi sa mga nangyayari. Huh, may isa pa akong sorpresa para sa iyo," sabi ni Hunter.
"Sandro, dalhin mo dito si Mr. de la Peña," utos ni Hunter. Biglang nagpanting ang tenga ni Elisa sa narinig.
"Mr. De la Peña? Buhay si Daddy? Kung buhay siya, sino ang taong nilibing namin? Hunter, anong klaseng tao ka? Bakit mo kami pinaikot sa iyong palad at hinayaan mong kasuklaman ka namin, lalo na si Sabrina? Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ni Elisa.
"Noong mga panahong iyon, may mga tauhan akong nagmomonitor sa bahay niyo. At that time, sinabi na sa akin ng aking mga tao kaya nakapaghanda ako. We rescued him sa gitna ng laban. Yes, I am the one na nagpasabog ng sasakyan ng iyong ama upang mas pakapanipaniwala na patay na siya. Pinalitan ko ang katawan na nandoon sa loob ng kanyang sasakyan. I burned and manipulated everything."
Everything is settled. Sa araw mismo sana ng kasal namin, binalak kong ibunyag ang katotohanan tungkol sa iyong ama, ngunit nagbago ang lahat dahil sa mga pangyayari kamakailan. I have many enemies. Brina sacrificed herself for my sake. Hanggang ngayon, sinisisi ko pa ang sarili ko sa mga nangyari. Para makabawi sa kanya, ito lang ang kaya kong gawin: protektahan ang pamilya mo habang buhay, Elisa. Ngunit ang kanilang pag-uusap ay biglang naputol ng isang boses.
"Mr. Kiers, buti na lang napagdesisyunan mong bisitahin kami dito," diretsong sabi ng boses ng lalaki sa likuran nila. Mabilis na lumingon si Elisa. Nanlaki bigla ang kanyang mga mata nang makita ang kanyang ama na nakatayo sa kanyang harapan.
"D-Dad, y-you're alive," nauutal na sabi ni Elisa.
"Elisa, anak ko," sabi ni Mr. William habang mahigpit na niyakap si Elisa. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
"Saan ka ba nagsusuot, Anak? Ilang taon ka nang pinaghahanap ni Mr. Kiers. Finally, I see you again," sabi ni William na mahigpit ang pagkakayakap kay Elisa.
"Dad, I'm sorry. Hindi ko talaga alam kung ano ang totoo at muntik ko na siyang mapatay. Dad, akala ko kasi...?"
"Don't talk, okay? Wag na nating isipin 'yun. Ang importante, nandito ka ngayon, at magkasama na tayo ulit. Thank you, Mr. Kiers, dahil tinupad mo ang pangako mo na hanapin ang anak ko."
"Dad, pero si Sabrina, wala na siya. Wala na ang kapatid ko."
"Anak, kung nasaan man ang kapatid mo ngayon, naniniwala akong masaya na siya sa kinaroroonan niya," sabi ni Mr. William. Agad na napalingon si Elisa kay Hunter at nagsalita.
"Hunter, salamat, salamat sa pag-aalaga sa kanila," sabi niya, mabilis na lumuhod sa harap niya upang humingi ng tawad sa kanyang mga aksyon.
Agad namang lumapit si Hunter sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya, tinulungan siyang tumayo mula sa pagkakaluhod sa sahig.
"Napatawad na kita," aniya, bago naglakad patungo sa kanyang pribadong silid at dinama ang kirot sa kanyang dibdib. Pagpasok niya, agad siyang umupo sa sofa habang napahawak sa kanyang sugatang dibdib.
"Boss, okay ka lang ba? Tatawag ba ako ng doktor upang gamutin ang sugat mo?" tanong ni Ben, kitang-kita ang mukha niyang puno ng sakit.
"Hindi na kailangan! Okay lang ako, bigyan mo lang ako ng gamot," sagot niya, ngunit nanlaki ang mga mata ni Ben nang makita ang duguan niyang kamay.
"Boss, dumudugo ang dibdib mo," sabi ni Ben. Mabilis siyang kumuha ng gamot sa kanyang drawer para gamutin ang sugat.
"Ben, huwag mong sabihin kay Elisa ang tungkol dito."
“Pero boss, dahil sa babaeng iyon kung bakit ka naghihirap ngayon, wala ba tayong gagawin sa kanya? sagot ni Ben.
"Ben, sundin mo na lang ang sinabi ko. Okay lang ako." Napabuntong-hininga si Ben at tumango bilang pagsang-ayon.
Matapos gamutin ang dibdib ni Hunter, nakahiga na siya ngayon sa kama at mahimbing na natutulog.
Pagkalipas ng ilang oras na pahinga, lumabas na siya ng kwarto na parang walang nangyari. Habang naglalakad siya sa hallway ng bahay, napahinto siya nang makasalubong niya si Elisa. Tiningnan lang niya ito at saka nagpatuloy sa paglalakad, pero napatigil siya nang magsalita si Elisa.
"Hunter, alam ko na ang buong katotohanan. Sinabi na sa akin ni Daddy ang lahat. Salamat sa ginawa mo para sa amin."
"Tell me kung ano ang magagawa ko para makatulong sa iyo bilang ganti sa ginawa mo para sa amin." Napabuntong-hininga si Hunter at saka tumalikod na handang humakbang, ngunit napatigil siya at napatingin sa kamay niya nang hawakan ito ni Elisa.
Kahit anong gawain ang italaga mo sa akin, handa ako. Tatlong taon na akong nagsasanay; alam kong hindi sapat na patunayan ang aking sarili na karapat-dapat na maging bahagi ng iyong plano laban sa iyong kaaway. Pero handa ako sa anumang mangyari. Diretso ang tingin ni Hunter sa kanya at pinagmasdan siyang mabuti. Nakita niyang interesado ito sa sinabi niya, ngunit nag-alinlangan pa rin siya.
"Ms. De la Peña, hindi ka ba nagulat sa sinabi mo? Pag-isipan mong mabuti ang iyong mga kilos. Hindi madaling labanan ang aking mga kaaway; mas lalong hindi ito biro. Maraming buhay na ang nawala sa aking mga tauhan, at ayaw ko na pati ikaw ay may mangyaring masama sa iyo. Sapat na ang buhay ni Brina."
"Pero, seryoso ako. Pinag-isipan ko ito ng mabuti. Hayaan mo akong tulungan ka, para kahit papaano ay mahiganti ko ang kapatid ko. Pagbabayaran nila ang pagpatay kay Sabrina." Napabuntong-hininga si Hunter at tumalikod nang biglang lumuhod si Elisa.
"Tumayo ka na diyan! Ano pang hinihintay mo? Baka magbago ang isip ko at hindi na kita tanggapin," sabi ni Hunter, saka mabilis na umalis. Kaagad tumayo si Elisa at sinundan siya sa sasakyan.
"What were you thinking? Bakit ka sumunod sa akin hanggang dito? Ayaw mo bang makasama ang pamilya mo?" tanong niya.
“Pero baka biglang magbago ang isip mo,” diretsong sagot ni Elisa. Agad siyang sinulyapan ni Hunter na may tagong ngiti.
"Hindi ko akalain na magkapareho sila ng ugali ni Brina, stubborn."
"Bumaba ka dito at bumalik ka sa loob ng bahay. Ipasusundo kita sa susunod na mga araw para simulan ang iyong unang pagsasanay," sabi ni Hunter.
"Talaga, hindi ka nagbibiro, pumayag ka na?" Tumango si Hunter bilang tugon, kaya mabilis na sumunod si Elisa. Bumaba siya ng sasakyan na may malawak na ngiti sa labi at nagmamadaling bumalik sa loob ng bahay.
Samantalang nasa kalsada si Hunter sakay ng magarang niyang sasakyan,
"Boss, talaga bang kukunin mo si Ms. De la Peña at isasama sa atin? Pero boss, nag-aalala ako. Paano kung may gagawin siyang hindi maganda? Hindi natin alam ang takbo ng isip niya."
"I know what I'm doing, Ben. I will assign you and Sandro to train her. Her skills are not yet sufficient," panatag na sabi ni Hunter sa kanila, isang buntong-hininga na nag-udyok sa isang makabuluhang palitan ng tingin nina Ben at Sandro.
Pagkaraan ng tatlong araw, umupo si Hunter sa malawak na hardin, humihigop ng tsaa at nanonood ng pagsasanay ni Elisa kasama sina Ben at Sandro. Sa sandaling iyon, hindi niya maiwasang isipin si Sabrina sa katayuan ni Elisa.
It has been three years, Brina, but I still can't seem to forget about you. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Umaasa na sana'y babalik ka. Brina, you blame me? Dahil sa nangyari sa'yo, bulong niya sa isip. Ngunit nabaling ang atensyon niya nang makita niyang tumuntong si Elisa sa mga troso sa itaas. Mabilis na kumuha ng nut si Hunter sa maliit na plato at agad itong ibinato sa tuhod ni Elisa, dahilan para mahulog ito mula sa itaas.
Tumayo si Hunter at lumapit kay Elisa, na mabilis na bumangon mula sa pagkakadapa, tinapik ang mga tuhod at saka diretsong tumingin kay Hunter na may nakatagong ngiti sa labi nito.
"Bakit mo ginawa iyon? Hunter Kiers, hindi ibig sabihin na nasa ilalim ako ng pamumuno mo ay magagawa mo na ang lahat ng gusto mo," galit na sabi ni Elisa. Hindi siya pinansin ni Hunter, ngunit sumenyas siyang ilapit ang mukha nito sa kanya.
"Come over here," sabi ni Hunter nang hindi siya sinunod ni Elisa. Tumaas lang ang isang kilay nito at tumalikod sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang bigla siyang hawakan ni Hunter sa baywang at ipinatong siya sa isang tubo na nakabaligtad, nakalawit ang mga paa sa itaas habang ang kanyang ulo ay nasa ibaba.
Pinagmamasdan niya si Hunter na mabilis niyang inilabas ang kanyang mahabang samurai sword at nagpraktis. Makalipas ang ilang saglit, tumigil si Hunter nang maramdaman niyang mahuhulog ito sa kinatatayuan nito. Mabilis niyang sinalo si Elisa bago pa ito bumagsak sa sahig.
"You're not strong enough," aniya, habang buhat si Elisa na nawalan ito ng malay saka tumungo sa kwarto at inihagis siya sa kama pagdating.
"Take care of her," bilin ni Hunter sa dalawa.
"Yes, boss," sagot nina Ben at Sandro. After 3 years, ngayon ko ulit nakita si boss na ngumiti, ani ni Sandro.
"O ano naman kung nakangiti si boss? Sandro, you always read into everything. Tandaan mo, kapatid siya ni Ms. Brina. Ano sa tingin mo, magkakaroon din kaya si boss ng feelings para kay Elisa?" tanong ni Ben. Agad silang nag-lock ng mga mata, parehong may nakatagong kahulugan.
"Nope, imposibleng magkagusto si boss kay Elisa," Ben remarked.
"Nothing's impossible, Ben. Hindi mo ba nakita kanina kung paano siya titigan ni boss? Kung paano siya ituring ni boss Hunter?"
"Dirty mind mo talaga," pakli ni Ben.