Chapter 27:KIERS COMPANY

1877 Words
"Pagkatapos ng klase ni Sabrina, dali-dali siyang naglalakad sa hallway ng paaralan palabas at dumiretso sa parking area kung saan naka-park ang sasakyan. Pagdating doon, agad siyang sumakay sa kotse at umalis patungo sa Kiers mansion. Habang nasa kalsada siya, pinagmamasdan niya ang matataas na gusaling nadaanan niya, ngunit mabilis na nalipat ang kanyang mga mata nang mapansin niya ang isang babaeng kausap niya sa rooftop sa party na dinaluhan nila ni Hunter, na siyang dahilan ng pagkabulag at kapansanan nito, habang may kausap itong ilang mga lalaki. "Ihinto mo ang sasakyan," utos niya sa driver, na agad namang sumunod. Huminto ang sasakyan sa hindi kalayuan habang pinagmamasdan niya itong mabuti. "Ms. Brina, hindi ba siya 'yung babaeng kumidnap sa'yo?" tanong ng isa sa mga tauhan niya. "Oo, tama ka, siya iyon." "So what are you planning to do now, Ms. Brina? This is our chance para mahiganti natin si boss Hunter. Dahil sa babaeng iyon, naging dahilan ng pagkabulag at pagkaparalisa niya ngayon." "Wala tayong gagawin, at iminumungkahi kong itago mo rin ito kay Hunter." "Pero bakit? Kailangan niyang malaman ito, Ms. Brina." "And what's next, Hunter's life? Ganun ba? Hindi mo ba nakikita ang kalagayan niya? Hindi siya nakakakita o nakakalakad. Inilalagay mo sa panganib ang buhay niya. Alam mo naman ang amo mo, di ba?" Natahimik ang kanyang mga tauhan, napagtantong tama si Sabrina sa kanyang sinasabi. "Sana maintindihan mo ang ibig kong sabihin. Hindi ito ang tamang oras para atakihin sila upang maghiganti. May tamang panahon para diyan; dapat mong pag-isipang mabuti ang bawat galaw mo bago habulin kung sino ang mga kalaban niyo. Napatigil si Sabrina sa pagsasalita nang biglang tumunog ang cellphone niya. Dali-dali niyang kinuha iyon sa kanyang bag at binasa ang mensahe mula kay Hunter. 'Pagkatapos ng klase mo, dumiretso ka sa kumpanya,' ang tugon nito. "Ano? Ano naman ang gagawin ko doon? Pupunta ako na ganito ang suot ko, naka-uniform pa? Ugh, ang lalaki talagang iyon, kung ano ang naisipan ay iyon ang gagawin." "Ms. Brina, aalis na ba tayo?" tanong ng driver niya. "Yes, dumiretso tayo sa Kiers company," sagot ni Sabrina. Agad namang sinunod ng driver niya ang utos niya at tumuloy na sila sa Kiers company. Makalipas ang ilang sandali, nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon. "Pagkaparada ng kotse sa parking area, mabilis na bumaba si Sabrina at pumasok sa loob ng Kiers company. "Good afternoon, ma'am," bati ng security guard sa gate. Agad naman binalikan ni Sabrina ang pagbati na 'yon na may ngiti sa labi. Habang naglalakad siya sa pasilyo ng kumpanya, maingat niyang pinagmamasdan ang lahat ng nakikita niya. Wow, it's amazing! The company Kiers is so huge, and I can still smell the lovely scent. Ang mga empleyado ay nakasuot din ng mga uniporme na mukhang disente tingnan. Habang nakatingin siya sa paligid, biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis niyang kinuha iyon sa kanyang bag at binasa ang mensahe mula kay Hunter. Nasa ikalawang palapag umano ng gusali ang kanyang opisina, ngunit nalipat ang kanyang atensyon nang marinig niyang nagbubulungan ang ilang mga empleyado. "Anong ginagawa niya dito?" tanong ng isang empleyado. "I don't know, girl. Parang naligaw siya at napadpad dito. Tignan mo, naka-uniporme pa nga siya, papunta dito. Ano sa tingin niya, this is some school she entered?" sagot ng isa pang empleyado habang diretsong nakatingin sa kanya. Agad na tumikhim si Sabrina saka nagsalita. "Excuse me, saan po ba dito ang kwarto ni Mr. Hunter Kiers?" tanong niya. Agad nagkatinginan ang mga empleyado nang marinig ang tanong nito. "Tama ba 'yong narinig ko? Hinahanap daw ang kwarto ni Sir Hunter. How bold you are to come here while wearing uniforms." "Hay, parang bago pa sa inyo, mga girls. Dami ng babaeng pumupunta dito at naghahanap sa kanya. Ngayon pa kayo magtataka? I'm sure isa sa mga babae din 'yan ni Sir Hunter." Napalunok ng magkasunod si Sabrina nang marinig iyon, ngunit biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya ito kaagad. "Sweetheart, where are you? Diba sabi ko wag kang male-late?" sabi niya ng diretso. Agad na napaangat ang tingin ng mga empleyado nang marinig ang boses ni Hunter mula sa kabilang linya. Kinakabahang napalunok si Sabrina at napakagat-labi. Walang kamalay-malay na aksidente niyang napindot ang loudspeaker button; narinig ng mga empleyado ang mga salita nito. Mabilis siyang umalis sa harapan ng mga empleyado at tinungo ang ikalawang palapag ng gusali. "Pagdating niya, agad niyang hinanap ang kwarto ni Hunter. "Saan ba ang kwarto niya dito?" sabi niya sa sarili habang nililibot ang paningin sa buong building. Sa sobrang laki ng gusali, talagang magiging mahirap na mahanap ang kanyang opisina dito. Ang mga pinto ay parehong kulay, lahat itim. Akala ko sa mansions lang ginagamit ang kulay itim, hanggang dito din pala? Napakamot ng ulo si Sabrina habang nililibot ang tingin sa kwarto. Dali-dali siyang pumasok sa ikatlong silid na nakita niya; napansin niyang may maliit na siwang at mabilis na pumasok sa loob. Pagkapasok sa kwarto, biglang sumara ang pinto. Ibinalik niya ang tingin dito at sinubukang buksan, ngunit naka-lock na ito. Naka-automatic ang pinto. "Hunter, where are you?" tanong niya sa mahinang boses habang mabagal ang paglalakad. Ang silid ay medyo madilim; tanging ang liwanag mula sa bintana sa labas ang nagsisilbing ilaw sa silid na ito. "Hunter, please don't scare me like this. Oh please, come out. Don't play with me; I'm frightened," sabi ni Sabrina nang maramdaman niyang tumayo ang mga balahibo sa kanyang braso. Ngunit natigilan siya nang biglang may humawak sa kanya at hinila siya pasakay sa mga paa nito. "Please don't..." nanginginig na sabi ni Sabrina sa takot. "Bakit ang tagal mo, sweetheart?" mahinang bulong sa tenga niya. "H-Hunter, ginulat mo naman ako," sabi niya na may bahid ng galit sa tono niya habang mabilis na tumayo at inayos ang palda niyang nakatupi. "Buksan mo nga ang ilaw. Ano 'yang mga ideya mo? Kailan ka pa naging isip-bata?" sabi ni Sabrina na bakas ang inis. "I apologize if I scared you. Please don't be mad at me, okay? Alam kong nagkamali ako," nagpakawala ng buntong-hininga si Sabrina bago siya nagsalita. "Ano bang meron? Bakit mo ako pinapunta dito sa kumpanya mo?" tanong ni Sabrina sa mahina na boses. Agad namang pumalakpak si Hunter bilang senyales. Ilang sandali lang ay bumukas ang mga ilaw. Nanlaki ang mata niya sa gulat nang makita ang puting gown sa harapan niya. "Wow, it's so beautiful," sabi niya at mabilis na lumapit sa mga gown na nasa harapan niya. "Akin ang lahat ng ito?" aniya na hindi mapigilan ang ngiti sa labi. "Yes, sweetheart. Pumili ka ng wedding gown na gusto mong isuot sa kasal natin, at nagpadala na ako ng mga invitation card kay Mommy at sa lahat ng malapit sa iyo," sabi ni Hunter. Napahinto si Sabrina sa pagpili ng mga wedding gown at lumingon sa likod bago siya nagsalita. "Anong sabi mo? Mommy," nakangiti niyang sabi. "Oh, wala namang masama kung tatawagin ko siyang Mommy, hindi ba? Kapag kasal na tayo, eh, ganoon din naman ang itatawag ko sa kanya. So, mas mabuti na ngayon pa lang sinasanay ko na ang aking sarili sa pagtawag sa kanya ng Mommy," sagot ni Hunter. 'Di ko talaga maisip na ganito ka-sweet si Hunter. Noong una, takot na takot ako sa kanya na nanginginig ang buong katawan ko sa tuwing kaharap ko siya, pero ngayon, madalas kong marinig ang matatamis na salita at ang pagpapahalaga niya sa akin. I'm so lucky to have him, Hunter... thank you, thank you sa lahat ng ginawa mo para sa akin,' bulong niya sa sarili, pero mabilis siyang nabalik sa realidad nang magsalita si Hunter. "Ano pang hinihintay mo, Sweetheart? Pumili ka na ng damit na isusuot mo," sabi sa malambing na boses. Bumalik agad si Sabrina sa pagpili ng mga wedding gown hanggang sa nahagip ng kanyang mga mata ang isang kakaibang istilo. Ito ay isang floral fantasy! Nagtatampok ang corset bodice ng simpleng V-neckline na may floral embroidered lace appliqués na nagpapalamuti sa damit. Ang maaliwalas na tulle na palda ay lumutang mula sa bodice, habang ang lace-lined slit ay nagdagdag ng higit pang paggalaw at isang maalinsangan na silip ng binti. Nagmamadali siyang pumunta sa kwarto at saka sinubukang sukatin ito. "This wedding gown suits you perfectly, Ms. Brina. You look absolutely beautiful," a woman assisting her remarked. "Thank you," sagot ni Sabrina bago ibinalik ang tingin sa malaking salamin. Hinangaan niya ang kanyang repleksyon at pinasadahan ng kamay ang kanyang damit na may malawak na ngiti sa kanyang labi. Mabilis siyang nag-apply ng kaunting make-up at inayos ang sarili. Ilang saglit pa, lumabas na siya ng kwarto. "Wow, she's stunning," sabi ni Alessandro. Lumapad ang tenga ni Hunter na may ngiti sa labi nang marinig ang komento ni Alessandro. "Aless, ask them to snap a photo of Sabrina. I can't see her, and I know she's truly beautiful," sabi ni Hunter. Agad namang lumapit si Sabrina sa upuan niya na may malawak na ngiti sa labi. "Hunter, tingnan mo, maganda ba?" diretsong tanong niya, ngunit biglang nagdilim ang kanyang maliwanag na ekspresyon nang maalala niyang hindi talaga siya nakikita ni Hunter. "I apologize for the suffering you are going through because of me," sabi ni Sabrina sa mahinang boses habang nakaupo sa harap ni Hunter, hawak ang magkabilang kamay nito. "Don't feel guilty, Sweetheart. I don't blame you for what's happening; biktima ka rin dito, so you don't need to worry about me. I can handle myself," sabi ni Hunter habang hinahaplos ang mukha niya. Gayunpaman, naputol ang kanilang pag-uusap nang tawagin siya ng photographer para magpa-picture. Mabilis siyang hinalikan ni Sabrina sa labi bago tumayo at tumalikod. "Sandali lang, Sweetheart, you forgot something," sabi ni Hunter. Agad namang lumingon si Sabrina. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang kahon na hawak niya na naglalaman ng isang diamond necklace na hindi bababa sa 5 million dollars. "Please come over here," aniya. Kaagad naman siyang nilapitan ni Sabrina at umupo sa harapan niya. Mabilis namang inilagay ni Hunter ang diamond necklace sa kanyang leeg. "Hunter, this necklace is too extravagant..." "Wag mong isipin ang pera, okay?" Mabilis niyang pagsingit. "Thank you," bulong niya, halos basagin ang boses sa sobrang kaligayahang nararamdaman. "Bakit ka umiiyak? Hmm, Sweetheart... I don't want to see you crying in front of me." Mahigpit siyang niyakap ni Sabrina at mapusok na hinalikan ang kanyang maroon na labi, na ginantihan naman ni Hunter at nagtagal ng ilang segundo. "I'm so grateful, Hunter. Thank you for everything you've done for me. Someday, I will repay you." Sabi ni Sabrina, ngunit natigil ang kanilang pag-uusap nang tumikhim si Alessandro. "Boss, kanina pa naghihintay yung photographer," bulong ni Aless. Agad na tumayo si Sabrina at pumunta sa harapan para kunan ng litrato. Hindi napigilan ni Hunter ang kanyang emosyon habang nakaupo siya sa kanyang wheelchair nang mga sandaling iyon. "Aless, ihanda mo ang lahat at siguraduhing maayos ang lahat mula sa mansyon hanggang sa simbahan. Ayokong magkaroon ng malaking problema sa kasal namin ni Brina. Ipaalam sa lahat ng ating mga tauhan na magbantay. Ang kasalang ito ay hindi lamang ordinaryo; nandiyan lahat ang pamilya at mga kaibigan ni Sabrina. Gusto kong maging perpekto ang lahat." "Yes, boss. Don't worry about everything," sagot ni Aless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD