"Nakatayo si Sabrina na may hawak na baril, nagsasanay ng shooting targets sa underground. Matapos maubos ang mga bala, siya ay muling nagkarga, nagpuntirya, at nagpaputok sa target nang may katumpakan. Ngunit naputol ang kanyang pagsasanay nang lapitan siya ni Alessandro.
"Ms. Brina, pinapatawag ka ni boss Hunter sa Garden," sabi niya.
Ilang beses pang nagpaputok si Sabrina bago ibinaba ang kanyang baril at umalis sa underground para pumunta sa Garden. Pagdating, bumagsak ang mga mata niya kay Hunter na nakaupo sa kanyang wheelchair.
"I'm glad you're here, Sweetheart," diretsong sabi niya.
Lumapit si Sabrina sa kanya, niyakap siya mula sa likod, at hinalikan sa pisngi.
"Hmm, ang lakas ng pang-amoy mo, huh? Malayo pa lang ako, alam mo na nandito na ako. May kailangan ka ba sa akin? Sabi ni Aless, pinapatawag mo daw ako.
"Yes, Sweetheart. Today, you'll be doing combat training with Aless. You need to learn how to fight hand-to-hand. Aless, you know what to do," sabi ni Hunter na agad namang sinagot ni Alessandro at sinunod ang utos niya.
"Ayos ka lang ba, Sweetheart?" tanong ni Hunter nang marinig ang paghinga ng malalim ni Sabrina.
"Oo, ayos lang ako," sagot ni Sabrina habang pinagmamasdan ang paligid. Parang pwersa ng militar ang kaharap ko sa pagsasanay na ito. Saan ba ang gera na pupuntahan ko? Parang naghahanda ako sa malaking digmaan. Napakataas ng mga hadlang at may kasama pang mga gulong. Ano ba ito, military training?
"Hindi ko talaga maintindihan si Hunter kung bakit kailangan ko pang gawin ang mga ito. Puwede niya naman akong turuan ng combat skills kung gusto niya, na hindi na kailangan dumaan sa mga ganitong estilo. Nagpakawala ng frustration si Sabrina bago naglakad patungo sa gitna.
"Handa ka na ba, Ms. Brina?" tanong ni Alessandro. Agad namang tumango si Sabrina bilang pagsang-ayon. Ilang sandali lang ay sinimulan na ang kanilang unang pangunahing pagsasanay; pinatakbo siya ng higit sa 100 rounds sa maluwag na garden. Ramdam ni Sabrina ang pagod, panginginig ang kanyang mga tuhod at pagkatuyo ng kanyang lalamunan. Tumigil siya sa pagtakbo, pinunasan ang pawis sa noo habang hinahabol ang hininga.
"Ms. Brina, hurry up!" sigaw ni Alessandro. Huminga siya ng malalim bago muling tumakbo, sinulyapan niya si Hunter na nakaupo sa gilid.
"Kung hindi lang dahil sa iyo, Hunter, hinding-hindi ko gagawin ang mga bagay na ito. Alam ko kung ano ang pinapagawa mo sa akin," aniya, na binilisan ang pagtakbo sa malawak na hardin hanggang sa makalipas ang sampung minuto.
Pagkatapos ng ilang minutong pagtakbo, sa wakas ay naupo na rin siya. Habang pinupunasan niya ang kanyang pawis, bigla niyang naramdaman ang isang kamay na marahang pinupunasan ang pawis sa kanyang likod.
“Good job, sweetheart,” aniya sabay abot ng isang bote ng tubig na agad namang kinuha ni Sabrina at ininom.
"Pagod ka na ba? Gusto mo ba ng masahe?" mahinang tanong niya habang hinahaplos ang likod ni Sabrina at marahang pinupunasan ito. Pagkatapos, minasahe ni Hunter ang kanyang mga braso at balikat.
"Hindi naman," sagot ni Sabrina at mabilis na lumingon sa kanya.
"Matapos magpahinga ng limang minuto, bumalik siya kaagad sa pagsasanay hanggang sa lumipas ang mga oras. Naramdaman ni Sabrina na parang gel ang mga tuhod, hindi makatayo ng tuwid habang lumalakas ang t***k ng puso niya, kasabay ng mabilis na paghinga. Ipinikit niya ang kanyang mga mata nang nanaig sa kanya ang antok, at tuluyan na siyang nakatulog. Nakaupo siya sa ilalim ng puno na nakasandal ang likod sa malaking puno.
"Boss, natutulog si Ms. Sabrina sa ilalim ng puno," bulong ni Alessandro.
"Let her rest for a bit, Aless. This is her first time training. Wake her up after 15 minutes. Kailangan mong maging istrikto sa kanya upang mas mabilis siyang matuto," sabi ni Hunter.
"Boss, okay lang ba sa'yo?"
"Ikaw ang itinalaga kong sanayin siya. Bilang pinuno niya, dapat siyang matuto. Wala akong pakialam kung ano ang pinapagawa mo sa kanya; kailangan ko ng mabilis na resulta, Aless. Habang lumilipas ang panahon, hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari. Mas mabuti kung paghandaan natin ang maaaring posibleng mangyari," sagot ni Hunter.
“Makalipas ang labinlimang minuto, agad na ginising ni Alessandro si Sabrina na mahimbing na natutulog sa ilalim ng puno. Ilang saglit pa, iminulat niya ang kanyang mga mata at tumingin ng diretso sa lalaking nasa harapan niya.
"Panahon na para magsanay ulit, Ms. Brina?" sabi ni Alessandro, mabilis na lumayo sa kanya at tumungo sa gitna.
"Training na naman?" reklamo niya. Napabuntong-hininga siya at saka tumayo, pero bigla niyang hinawakan ang bewang niya nang makaramdam siya ng sobrang sakit.
"Hunter is nowhere to be found. Where could he be? Iniwan lang ako ng lalaking iyon dito. May pakialam pa ba siya sa akin, iniiwan akong mag-training kasama si Alessandro?" bulong niya sa sarili.
"Ms. Brina, time is ticking; let's get going," sabi ni Alessandro. Pumikit siya at huminga ng malalim bago naglakad patungo sa gitna.
"Ms. Brina, handa ka na ba? Kailangan mong umakyat sa lambat, pagkatapos ay magkabit sa mga lubid na iyon, at pumunta sa mga gulong." Nanlaki bigla ang mga mata ni Sabrina nang marinig ang bilin ni Alessandro.
"Talaga? Are you serious? Ano 'to, military training? Jusko naman, Aless, oh! Papatayin niyo ako sa training na 'to. Ayaw ko na nga mag-training; ang sakit ng mga balakang ko sa kakatakbo ng ilang oras, at ngayon kailangan kong umakyat sa mataas na lambat na iyon at kumapit dito. Nasaan si Hunter? Kailangan ko siyang makausap. Just teaching me how to defend myself? Akala ko naman tuturuan niyo ako ng combat skills na tinatawag. Ano 'to, naglolokohan ba tayo dito, ha, Aless? Umalingawngaw sa garden ang kanyang pagmumura. Napakamot ng ulo si Aless nang marinig ang booming na boses ni Sabrina.
"Ms. Brina, naiintindihan ko na pagod na kayo. Lahat kami dito ay dumaan sa mga katulad na hamon, kasama na si Boss Hunter. Napagdaanan na niya ang lahat. Kung talagang gusto mong matutunan ang lahat, kailangan mong magsikap, lalo na sa iyong mga kasanayan sa pakikipaglaban. Alam kong hindi madali ito sa iyo, lalo na kapag marami kang kalaban na haharapin. Siguro naman hindi na bago sa iyo ang tungkol kay Boss Hunter; sa sitwasyon niya ngayon, kailangan ka niya. Kailangan ka niya sa tabi niya. Paano mo siya mapoprotektahan kung wala kang alam sa mga kasanayan? Hindi ibig sabihin na sinasanay ka ni Boss para ipadala ka sa digmaan. Ginagawa niya ito para sa iyo, para sa iyong kaligtasan. Mahal na mahal ka ng amo ko, Ms. Brina. Sa ilang taon ko na siyang pinagtrabahuan, pero ngayon ko lang nakita kung gaano siya kasaya. Sana hindi mo siya bibiguin. Ang gusto lang niya para sa iyo ay matutunan kung paano protektahan ang iyong sarili.
Natahimik kaagad si Sabrina nang marinig ang sinabi ni Alessandro.
"Yeah, tama siya," bulong sa isip niya at mabilis na tumakbo patungo sa mataas na lambat at inakyat ito, gumugol ng maraming oras sa kanyang pagsasanay.
Samantala, nakaupo si Hunter sa kanyang pribadong opisina, nakikipag-usap sa kanyang pinagkakatiwalaang doktor.
"Mr. Kiers, I have found an antidote for your eyes. Let's start the application so you can finally see," sabi ng doktor habang iniaabot ang antidote kay Hunter. Kaagad naman niyang kinuha at sinuri ito bago ibinalik sa kanyang doktor.
"Put it on," utos ni Hunter. Agad namang sinunod ng kanyang doktor ang kanyang utos, inilapat ang antidote sa kanyang mga mata. Makalipas ang ilang minuto, minulat ni Hunter ang kanyang mga mata at tumingin ng diretso sa lalaking nasa harapan niya.
"Mr. Kiers, anong pakiramdam mo ngayon?" sabi ng doktor na kinakabahan. Samantala, nanatiling tahimik si Hunter habang pinakiramdaman ang mga mata, hanggang sa lumipas ang ilang sandali at sa wakas ay nakita na niya ang lalaking nasa harapan niya.
"Epektibo ang gamot na ito," direktang sabi ni Hunter. Agad na sumilay ang malawak na ngiti ng doktor nang marinig ang sinabi nito.
"You've worked hard to find my medicine, Mr. Darker. Thank you. Dahil doon, bibigyan kita ng reward bilang tanda ng aking pasasalamat."
"No need, Mr. Kiers. I am just happy dahil sa wakas makakita ka na muli," sagot ng doktor at kaagad na nagdahilan para umalis.
Mabilis na bumalik si Hunter sa kanyang wheelchair, lumabas ng silid, at tinungo ang hardin. Agad na bumagsak ang mga mata niya kay Sabrina habang nagsasanay at naliligo sa sariling pawis.
"Aless, gaano na siya katagal nag-practice?" tanong ni Hunter kay Alessandro.
“Lampas apat na oras na, Boss,” sagot ni Aless.